-::- here i am... this is me -::-

Friday, September 24, 2004

salimuot

iba't ibang kalye
liku-likong daan
di lubos maunawaan
kung saan pupunta
saan liliko
saan patutungo

piniling tahakin
ang daan patungo sa'yo
walang ibang hawak
kundi ang pag-asang
tatanggapin mo
ng buong puso
ang pagdating ko

mga matang may ningning
init ng yakap na inaasam
mga salitang kaytagal hinintay marinig
mabilis na pagtibok ng puso
mga pangarap
na mananatiling palang pangarap lang

kasabay ng marahang pagpatak ng luha
ang unti-unting paghakbang palayo sa'yo
pabalik sa lugar na pinagmulan
kung saan wala ka
kung saan kailangan mabuhay mag-isa
kasabay ng pangako sa sarili
na kailanman
ay hindi ka na lilingunin pa
kung kaya ko lang sana

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com