-::- here i am... this is me -::-

Saturday, November 13, 2004

isang gabing maliwanag

oras: 1:17 a.m.


kanina ko pa gustong matulog. pero eto at gising na gising pa rin ako. isang gabing walang tulugan na naman ang nagbabadya. hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. may nag-iisip na naman sa'kin. asa pa ko!!

nanood na ako ng tv. pagdating ko pa lang galing sa trabaho eh tv na ang hinarap ko. maraming palabas ang napanood ko. pero kung tatanungin mo 'ko kung ano yung mga napanood ko eh hindi ko alam ang sagot dyan. dahil sa totoo lang, nakatingin lang ako sa tv pero hindi naman talaga ako nanonood. sayang ang kuryente. pero mas ok na ang magpanggap na nanonood ng tv kesa tumingin sa kawalan. mapagkamalan pa 'kong nasisiraan ng ulo, mahirap na.

sinubukan kong magbasa ng libro. pero wala akong naintindihan. hindi man lang nga ako tumagal ng dalawang page. english kase kaya siguro hirap ako intindihin. message in a bottle ni nicholas sparks. luma na. alam ko na nga ang kwento nito, pero parang masarap basahin eh. nahiram ko lang sa isang kaopisina. tatlong linggo ko na ata 'to binabasa pero nasa page 112 pa lang ako. 258 pages pa ang bubunuin ko. ako ba 'to???

naubos ko na yata yung kalahating kaha ng yosi ko. kanina ko lang binili 'to pero parang wala ng laman. nakailan na kaya ako? ah, ewan. isang linggo kaseng hindi nasayaran ng usok ang baga ko kaya siguro bumabawi. pero kakaiba. isang beses lang akong nagkape ngayong araw na 'to. at kaninang umaga pa yun. mag-uumaga na ulit. sa mga gabing hindi ako makatulog kagaya nito eh yosi at kape lang ang katapat. oo, alam ko ang sasabihin mo... mas lalong hindi ako makakatulog nyan! eh ano naman ngayon sa'yo?

naisip kong magsulat. pero pucha... mahigit isang oras na kong nakatitig dito kay carene eh wala pa rin akong naisusulat. parang walang laman yung utak ko. hindi pwede 'to!!! mas gugustuhin ko ng mawala sa mundo kesa aminin sa sarili ko na wala akong maisip isulat. kaya eto... sa kabutihang palad eh nakaka... [bilang... one.. two.. three...] ahh...panlimang paragraph ko na pala 'to. syet, ang galing-galing ko naman.

sa totoo lang... pangarap ko lang yung sinabi ko kanina... na baka may nag-iisip sa'kin kaya hindi ako makatulog. dahil ang totoo, ako yung may iniisip. madami. madaming-madami. sapat na rason para hindi ako makatulog. minsan tuloy, naiisip ko... sana wala na lang akong isip. baka sakaling makatulog pa 'ko.

naiisip ko si mahal. ano kaya ginagawa n'ya? malamang tulog na yun. yun pa? eh ubod ng antukin nun! pero nakauwi kaya s'ya ng maayos galing batangas? sana naman. hindi kase s'ya nag-reply sa text ko kanina. bumalik na naman sa dating sakit - ang hindi magparamdam. pero ayos lang. pinasaya naman nya ko sa mga text nya nitong nakaraang dalawang araw. kaya solb na rin kahit papa'no. yun nga lang, medyo nag-aalala ako dahil hindi ko nga alam kung nakauwi ba sya ng maayos. naiisip ko rin ng konti lang naman kung kelan kaya ulit kami magkikita. [disclaimer : mahal, kung sakaling binabasa mo 'to... hindi ako nagpaparinig. hehehe.]

naiisip ko si mommy. gusto ko sana s'yang tawagan kanina pero sayang ang load. hehe. wala naman akong sasabihing importante kaya malamang, sesermunan lang ako nun pag tumawag ako. ayaw na ayaw pa naman nun na tinatawagan sya. mas gusto nyang sya ang tumatawag. kunsabagay, mas marami syang pambili ng call card kesa sakin. tsaka nakausap ko naman sya ng tatlong beses kahapon. ayos na rin.

naiisip ko si angel. ang angel ko. malamang nasa trabaho pa yun sa mga oras na 'to. kumain na kaya s'ya? siguro naman kase gabi na dun. pwede ng kumain. gusto ko rin syang tawagan. ah itong isang 'to... mas malamang na hindi ito magre-reklamo pag tumawag ako. ikatutuwa nya ng husto yun. may isang problema lang... wala na syang telepono. kung alam ko lang sana ang phone number ng shop na pinapasukan nya. eh kung padalhan ko na lang kaya s'ya ng pambili ng bagong phone? hmmm... pwede!! ang yaman ko ata! sana!

naiisip ko si goge. si goge na tanging katuwang ko sa buhay bukod kay mommy. eto ang pag nawala eh para akong naputulan ng kamay. isama mo na pati paa. sira na daw yung tsinelas nya. ah, bukas ng umaga, bibigyan ko s'ya ng pambili ng bagong tsinelas. sikat na naman ako sa puso n'ya pag nagkataon.

naiisip ko yung dalawa pa... si dambo at si oying. at tinanong ko ulit ang langit ng tanong na matagal ko ng hinahanapan ng sagot : kelan kaya sila magkakaroon ng silbi sa mundo?

naiisip ko si tatay... sa puntong ito eh na-blangko ang isip ko. wag ko na lang s'yang isipin.

naiisip ko si nanay. ano kayang parte ng katawan n'ya ang masakit ngayon? lahat na yata. simulan mo sa ulo hanggang sa mga daliri sa paa...lahat masakit. dala ba ng katandaan yun kaya masasakitin na? psychological? o naghahanap lang ng atensyon? ewan.

naiisip ko... masama bang isipin na sana patay na ang isang tao? hindi naman yung tipong galit ka na "MAMATAY KA NA SANA @#$%*& INA KA!!!!" o kaya eh "WALA KANG SILBI, HAYUF KA, MAMATAY KA NA.. BLAGAG!!!" hehehe. wag ganyan. kung ganyan eh paniguradong masama nga yan. yung tipong mild lang na ayaw mo nang nahihirapan s'ya kaya gusto mong kunin na lang s'ya ni lord para tapos na. yun... medyo magandang pakinggan. pero may twist yan eh. mas malamang na ayaw mo ng mahirapan na nakikita s'yang nahihirapan kaya gusto mo ng kunin na lang s'ya ni lord para tapos na ang paghihirap n'ya na magtatapos din ng paghihirap mo. magulo? pero kung naiintindihan mo, selfish masyado, di ba? kaya balik na lang tayo dun sa mas magandang pakinggan. parang ganito... buhay nga s'ya pero nahihirapan naman, pati mga tao sa paligid n'ya, nahihirapan din. o walang paghihirap pero patay naman. ano pipiliin mo? ako... mas gugustuhin kong patay na lang. para pare-parehas ng walang hirap. pero ang tanong ng isip ko... masama ba yun?

naiisip ko kung ano ba ang iluluto kong almusal bukas... este mamaya pala. sinangag at saka.... hmmm... madalas ako asarin ni tatay na wala naman daw akong alam iluto kundi sinangag at saka pritong kung anu-ano. tama sya dun. pritong tatay kaya ang iluto ko mamaya? pero in fairness... masarap daw ako magsangag sabi ni bestfriend.

nakakatawang isipin na habang sinusulat ko 'to eh kausap ko ang kapatid ko sa yahoo messenger na para bang ang layo namin sa isa't-isa. pero ang totoo eh andyan lang naman sya sa computer shop sa labasan kung san sya nagta-trabaho. hindi ko sana sya kakausapin pero kelangan eh... tinanong ko kase kung nakita nya ang kuya nya. na hindi ko namalayang sinundo na pala ni tatay sa... ewan ko kung saan. kaya pala may kumalabog na pinto sa baba. alas tres na ng umaga. ansaya!

alas tres na nga pala. dalawang oras na lang, kelangan ko nang gumising para magluto at pakainin si nanay at painumin ng gamot si nanay at maligo at maghanda papunta sa trabaho. yun eh kung tulog na ko. ang kaso, hindi pa. naiisip ko, ganun na naman ulit. parang kagaya kahapon at nung isang araw at nung isa pa. walang pagbabago. naiisip ko tuloy... hanggang kelan kaya magiging ganito ang takbo ng buhay? ah ewan. ayoko nang isipin.

iniisip ko ngayon kung pa'no ko tatapusin ang article na 'to.
kagaya ng pag-iisip ko kanina kung pa'no 'to sisimulan.
basta na lang.
bahala na....


oras: 3:24 a.m.


1 Comments:

Blogger oakleyses said...

swarovski, montre pas cher, ugg,ugg australia,ugg italia, canada goose outlet, canada goose outlet, converse outlet, ugg pas cher, louis vuitton, moncler, canada goose, hollister, gucci, converse, supra shoes, nike air max, ray ban, louis vuitton, canada goose, louis vuitton, canada goose jackets, pandora charms, moncler outlet, vans, moncler, louis vuitton, replica watches, karen millen uk, louis vuitton, pandora jewelry, juicy couture outlet, doke gabbana, moncler outlet, hollister, canada goose outlet, thomas sabo, pandora jewelry, wedding dresses, marc jacobs, barbour uk, ugg, lancel, swarovski crystal, ugg,uggs,uggs canada, pandora uk, canada goose, juicy couture outlet, moncler uk, canada goose uk, toms shoes, ugg uk, links of london, coach outlet, barbour

9:18 AM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com