-::- here i am... this is me -::-

Thursday, November 24, 2005

pointless

sabi ni sir, there is no such thing as pointless daw. i agree. pero dahil si sir yun at normal na sa'ming dalawa ang kontrahin ang isa't isa, pigaan ng utak sa discussion, ika nga, sabi ko, there is.

siguro nga, there is such a thing as pointless.

kapag ang text messages, hindi nire-replyan, pointless mag-text.
kapag ang cellphone calls, hindi sinasagot for whatever reason, pointless tumawag.
kapag ang sinasabi mo, hindi pinapakinggan, pointless magsalita.
kapag ang sorry, pauli-ulit na hinihingi sa paulit-ulit na paggawa ng similar unpretty things, pointless mag-apologize.
kapag ang tanong, hindi sinasagot, pointless magtanong.
kapag ang pag-iyak, hindi na nakakabawas sa bigat na nararamdaman ng dibdib, pointless ang luha.
at marami pang ibang mga pointless na bagay.

pero dahil sadyang malawak ang pang-unawa ko [ang kumontra, panget!], hindi ko dati naiisip yang mga yan. lately na lang. simula kahapon.

malapit na nga akong maniwala sa sinasabi nila na smart daw ako. sa sobrang hilig kong mag-isip. kung nakakamatay nga lang siguro ang pag-iisip, matagal na kong namatay. nakakasawa rin minsan. nakakapagod. pero ganun pa rin, isip pa rin ng isip.

minsan, nauubusan na ko ng maisip na rason para i-justify ang mga nangyayari. pinipilit kong intindihin lahat. gusto kong bigyan ng excuse ang bawat bagay na ginagawa ng iba na sa tingin ko eh mali, para lang magmukha silang tama. minsan, iniisip ko na lang, ako nga siguro ang mali. nasa'kin nga siguro ang problema. sige, ako na nga lang.

may mga bagay na gusto kong mangyari na during the process eh bumabalik sa'kin. ewan ko kung baket. gusto kong wag ng masaktan yung mga nasasaktan, pero after a while pala, ako rin yung masasaktan. gusto kong patahanin yung mga umiiyak pero pagkatapos, ako rin pala yung iiyak.. hindi ko maiwasang magtanong kung baket ganun. ang labo. lahat ng ayokong mangyari sa iba, sa'kin nangyayari. ang unfair. sobra. ang sarap manisi. ang sarap manumbat. ang sarap sabihing akala ko ba, masaya tayo? pero tapos na 'ko sa stage na yan. gaya nga ng sabi ko, ako na lang... aakuin ko na lang lahat.

sabi nila, baket daw ako tahimik. kibit balikat lang ako. dahil hindi ko kayang sagutin ang tanong.

sabi nila, baket daw ako umiiyak. iiling lang. dahil kagaya ng unang tanong, hindi ko rin sya kayang sagutin. ang ultimate excuse... wala lang po... inaatake lang ng lungkot kaya naiyak.


wala lang daw. isa akong sinungaling na tao sa pagsasabing wala lang. pero sa totoong buhay, gusto ko ng sumigaw. gusto kong ipagsigawan sa lahat kung baket ako umiiyak. gusto ko ng humingi ng tulong at sabihing hindi ko na kaya. ang superwoman, nauubusan na ng lakas. ang astigin, natatalo na ng emosyon. unti-unti ng nahuhulog sa bangin. wala ng makapitan.

pero para saan pa? pointless din naman, di ba?

3 Comments:

Blogger shadowlane said...

kelangan ko atang tawagin si shaider, ang pulis pangkalawakan. o kaya si mang jose. hehehehe.

minsan, pag naiisip kong yang mga bagay nga na yan ang basehan para masabi kong buo na ang pagkatao ko, naiisip kong parang ayaw ko na lang atang mabuo? [sigh]

well, at least tao pala ako after all. sa'yo na rin nanggaling yan, ha? hehehe.

[lunch lunch!!!]

5:43 PM  
Blogger aMgiNe said...

kapag ang sorry, pauli-ulit na hinihingi sa paulit-ulit na paggawa ng similar unpretty things, pointless mag-apologize. - i totally agree with this.

anyway, this not a happy post. hope things would be okay soon. ***hugs***

8:16 PM  
Blogger shadowlane said...

thanks! at least someone agrees with me. LOL.

yeah... i hope things will be ok soon.

8:36 AM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com