-::- here i am... this is me -::-

Saturday, February 18, 2006

cake








..... happy birthday!!! .....

Friday, February 17, 2006

patalastas

pocketbell, 1998. message handler. o mas pinagandang tawag sa operator. yan ang una kong trabaho. masaya. parang wala lang. nakakabato. nakakabobo.

si bads. ka-batch. kasama sa training. kasabay mag lunch/dinner, depende sa shift. kayosi. kasabay maglakad papunta sa sakayan pauwi. best buddy. magaling mag-drawing. lahat ng frustrations namin sa trabaho, mga nakakatawa at nakakainis na callers at supervisors, idinadaan sa pagguhit. may dialogue pa. yung parang komiks?

baket pagkatapos ng maraming taon, bigla ko sya'ng naalala? eh kase, nami-miss ko na sya. naaalala ko ang aming nakaraan. bwahahaha. joke.

isa sa madalas nilang pag-awayan ng gelpren n'ya dati... ang buhok. lagi kaseng pinupuna ng gelpren n'ya ang nalalagas n'yang buhok. laging sinasabi... andami mo na namang falling hair sa damit. naiinis s'ya hindi dahil sa nalalagas ang buhok n'ya. naiinis s'ya kase hindi naman daw dapat falling hair ang tawag dun kundi fallen hair. dahil hindi naman daw kase nasa aktong nahuhulog ang buhok kundi nahulog na. fallen, hindi falling. labo! pero may point, ha?

sabi ng dispatcher, sa'n po kayo, ma'am? araw-araw n'yang itinatanong 'yan sakin. na araw-araw ko rin namang sinasagot ng cityland po. tatawag s'ya ng iba pang pasahero kahit nakasakay na 'ko sa tricycle. ayus lang naman. pabor sa'kin. ang 14 pesos na pamasahe sa special trip, nagiging 7 pesos na lang pag may kasakay. sa'n ka pa?

maganda ang kasabay ko kanina. taga-quad, katapat ng cityland. mapayapa sana ang byahe naming dalawa kung hindi lang sana lumilipad ang buhok n'ya. galit ako sa mga babaeng mahaba ang buhok na walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng kapwa nila. ansakit kaya ng hampas ng buhok sa mukha?!! sa sobrang kairitahan, hindi ako nakatiis. bitch mode on. sabi ko... ah, miss? commercial model ka ba ng shampoo? pwedeng pakihawakan yung buhok mo? nakakasakit, eh. mabait naman. nag-sorry eh. sabay simangot at ipon sa buhok n'ya. isip isip ko... yan... kung ganyan ba naman eh.

maswerte pa nga s'ya kung tutuusin...

nasa padi's kami nun sa araneta. madaming tao. masikip. may mga gustong sumayaw pero wala nang lugar sa dance floor. kaya may mga tumatayo na lang at sa tapat ng table nila sumasayaw. ok na rin. kanya-kanyang trip lang naman yan. may babaeng mahaba ang buhok na sumasayaw sa likuran ko. masyado atang naliligayahan sa pagsasayaw n'ya kaya parang wala s'yang katabi. hala, sige! hampas-hampas yung buhok n'ya sa'kin. unang beses, ayos lang. pangalawa, ayos pa rin, wag ka lang tatatlo. eh matigas ang ulo... tumatlo pa, at umapat. abuso. maya-mayang onte... sabi n'ya... amoy sunog na buhok!

aba... wala akong alam dyan!

Sunday, February 05, 2006

anghel sa lupa

hindi ko namalayan ang pagdaan ng mga araw. maraming-maraming araw na pala ang lumipas nung huli kitang makita. maiksi pa ang buhok mo nun. nakakagulat na ngayon, halos hanggang balikat mo na. ganun na ba talaga katagal yun?

pero ayos pa rin naman. masarap pa ring tingnan ang mukha mo kahit halatang pagod na pagod ka at malalim ang mga mata dahil sa kawalan ng tulog. nakakatunaw pa rin ang mga ngiti mo. nakakapagpabilis pa rin ng tibok ng puso ang mga titig.


ilang oras ka din naming pinag-usapan ng nanay ko nung andito s'ya. biro pa nga n'ya, baka daw ipinakasal ka na ng nanay mo sa taong gusto n'ya para sa'yo kaya biglang hindi ka na nagpaparamdam. sabi ko naman, sadyang abala ka lang sa mga bagay-bagay sa buhay mo kaya tahimik ka. kung sakali man, sasabihin mo naman, di ba? sigurado.

nung sinabi ko sa'yo ang tungkol dito, natawa ka lang. yung tawang parang gusto mong sabihin na... "yung nanay mo talaga".

wala namang masyadong pinagbago. kung ano ka nung huli kitang nakita, ganun ka pa rin ngayon. palagay pa rin ang loob ko. kagaya ng dati, kapag sinabi mong wag na akong mag-alala sa mga bagay-bagay, biglang parang gumagaan ang pakiramdam ko. na para bang wala akong hindi kayang kayanin. ikaw pa rin ang anghel na may kakayahang alisin ang lahat ng pag-aalinlangan ko.

sa bawat pagbabalik mo, dala-dala mo pa rin ang pangakong binitiwan mo anim na taon na ang nakakaraan. anim na taon. kung iisipin, nakakalungkot. nakakahinayang. kung nabigyan lang sana tayo ng pagkakataon, ilang maliliit na anghel na kaya ang meron tayo ngayon?

pero kahit ano pa man, masaya pa rin. nandun pa rin ang pag-asa na malay natin. sino ba ang makapagsasabi kung ano ang susunod na mangyayari? kung sakali mang hinde, nagpapasalamat pa rin. na minsan sa buhay natin, nangarap tayo. nangako. at patuloy na mangangarap at mangangako. kahit ga'no pa kalayo.

magkita na lang tayo ulit... hanggang sa susunod na palabas.

Wednesday, February 01, 2006

some thought ll

never expect others to give importance to things that are important to you.
it's quite frustrating.
really.

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com