yahoo messenger
ma'am : mahirap ba akong kitain?
sir : di po.
ma'am : eh baket?
sir : eh wala lang sigurong mukhang ihaharap sa'yo.
ma'am : eh baket? ok naman tayo, di ba?
sir : sobrang ok ka nga eh kaya lalo ako nahiya
ma'am : kung hindi ako ok, mas magiging madali ba para sa'yo?
sir : ang galing mo mag-psychologize and mag-reverse wala akong ma-say
ma'am : nagtatanong lang po ako.
sir : honestly, hindi ko po alam. it's not that i don't want to meet you, i really want to whether you believe it or not. dami lang siguro iniisip.
ma'am : ok
sir : binabasa ko ulit yung pagsuka mo sa blog. naalala ko yung unang pagsuka ko. hehehe.
ma'am : hahaha! nakakasuka ang article na yan.
alam mo bang sa blog ko eh may nagtatagong article? ah, hindi mo pala alam yun kase hindi naman nakikita yun. hehehe.
sir : buti naman, ikaw din nakapuna sa sinabi mo. nakatago nga, eh. hehehe.
ma'am : pero importanteng article yun. lahat ng naramdaman ko dati, nandun. hindi ako makapag-decide kung ipo-post ko sya o hinde kaya andun lang sya sa drafts. madugo masyado yun
sir : ilagay mo para mabasa ko.
ma'am : naka-open ang blog ko sa pc mo?
sir : yup. why?
ma'am : punta ka sa articles sa gilid. open mo yung "para kay sir"
sir : nabasa ko na po. ty.
ma'am : yun ang pinaka-unang post ko. actually, second. kase yung una, tungkol sa blog mismo. pero ipinanganak ang blog ko nung birthday mo last year.
sir : and what does it mean?
ma'am : wala. wala ngang sense eh. hehehe... simply put, ikaw po ang nagbigay isnpirasyon sa paggawa ko ng blog.
sir : sabi ko na nga ba at napaka esoteric mo for yourself. hehehe. thanks a lot, ha? malas lang at di magandang inspirasyon ang nakuha mo.
ma'am : oh well... maraming articles sa blog ang nabuhay dahil sa'yo. tungkol sa'yo. para sa'yo. hindi naman halatang at one point in my life eh ikaw ang naging sentro ng buhay ko?
sir : di naman mashadow. hehehe. lalo tuloy ako nahiya. lalo ako walang mukhang ihaharap ah
ma'am : tse! tapos na yun. sinasabi ko lang 'to para at least alam mo. kahit wala ng sense.
sir : tapos na yun? tinapos mo na?
ma'am : tse! wag kang ganyan. anyways... may naisip ako. kase di ba, "parang" para sayo yung blog? hehehe parang. naisip ko, magsusulat ako ng isang matindi-tinding article para sayo. actually, nasa drafts na sya partially. tapos, ipopost ko sa blog, tapos yun na yung last article ever. tapos, ayoko ng mag-blog. brilliant idea, di ba?
sir : nope. it's not a brilliant idea. in fact, it's a stupid one. ask me why.
ma'am : why? utu-uto ako kaya i'm asking you why.
sir : first, your blog is not about me, it's about you. second, i was a part of your life and i will remain a part of your life forever. but emphasis is given on part. third, making your blog is your destiny. that's why you keep on improving it. it's like you're improving your life, too. masyadon na bang serious?
ma'am : umiisip ako ngayon ng pang-asar sa sinabi mo pero wala akong maisip.
sir : wala kang maisip kase totoo.
ma'am : ang malaking consideration kung bat kelangan ko ituloy... kase... mami-miss ako ng mga fans ko. nyahahahaha. paksyet.
sir : di po consideration yun kase wala ka namang fans. major consideration is will you be able to stop yourself from writing?
ma'am : sabagay, ilusyon lang naman yung mga fans. hmmm... oo madali lang yun. plastik. hehehe. pero seryoso, minsan may mga bagay na mahirap gawin pero kelangan. kaya siguro, yeah... i will be able to stop myself from writing.
sir : and that, my dear, will be the end for you.
ma'am : doesn't matter. matagal naman ng nagkaroon ng end for me. finalization na lang ang kulang.
sir : don't go into that line of thinking, please. i assure you, it will not do you any good. just do the things you usually do and continue writing in your blog. at least assured ka na may isang magbabasa.
*** hindi ko alam kung bakit ko ito ipi-nost ***
he he he hmp!
thanks! i'm deeply touched & flattered. me having a real ma'am as a fan? that's way too cool. thank you po!
but then again, i was just kidding about the fan thing in the article. :)
tama.... agree din ako kay sir... bakit naman ititigil ni ma'am ang kanyang pagsulat e marami naman syang napapasaya sa mga writings nya. pakisabi sa kanya, keep it up.. :)
eh kase sabi ni sir, wala daw fans si ma'am. bwehehehe.
salamat po. napapraning lang siguro kaya naisipang tumigil sa pagsulat. ganun ata talaga. sigh.