-::- here i am... this is me -::-

Saturday, September 10, 2005

taguan

sabi nila, ang tao daw, hindi pwedeng mabuhay ng nag-iisa. kailangan ng katuwang. ng kasama. ng katropa. walang duda, naniniwala ako sa sabi nila.

may mga panahon din namang nabuhay kang walang kasama. masaya rin kung tutuusin. wala kang iniintindi kundi ang sarili mo lang. kumikilos ka para sa sarili mo. walang inaasahan kaya mas pursigido kang harapin ang lahat ng hamon ng buhay. kung magkagipitan man o malagay sa isang alanganing sitwasyon o gumawa ng isang palpak na hakbang, wala kang ibang masisisi kundi ang sarili mo.

pero habang tumatagal, unti-unti mong nakikita ang kakulangan. hindi na masayang ipagdiwang ang tagumpay ng mag-isa. hindi na rin nakakabuti sa'yong sarilinin ang mga problemang dumarating.

ang solusyon... buksan ang pinto palabas ng mundong binuo mo para sa sarili mo. malalaman mong mas marami pa palang magagandang bagay ang pwede mong maranasan at matutunan kasama ng ibang tao sa paligid. kaya pinag-aralan mong makisalamuha sa iba. makisayaw sa tugtog. makisaya sa mga naliligayahan. makisimpatya sa mga nalulungkot. at nakita mo ang kaibahan ng nag-iisa sa may kasama. di kalaunan, nakumbinse mo ang sarili mo na oo... mas masarap ngang mabuhay kapag hindi ka lang nabubuhay para sa sarili mo.

ang isang kaibigan, naging dalawa. naging barkada. naging tropa. at dumami pa ng dumami hanggang sa hindi mo na mabilang. natutunan mong makisama. sa paglipas ng panahon, natutunan mo ring mamuhunan ng emosyon. binuksan mo ang puso mo para papasukin ang mga gustong pumasok. may mga pagkakataon ding may lumalabas at hindi na bumabalik. mahirap kapag dumarating ang ganitong pagkakataon. pero kailangang tanggapin. kasama yan sa proseso.

ngayon, iba na ang mundong ginagalawan mo. hindi ka na nag-iisa. sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras, may kasama ka. kapag masaya ka at gusto mong ipagsigawan sa mundo ang nararamdaman mo, may mga taong makikisaya at makikitawa sa'yo. kapag nalulungkot ka naman at gusto mong may karamay sa pag-iyak, may balikat kang pwedeng sandalan. may mga kamay na pwedeng kapitan sa oras ng kagipitan. yun ang akala mo. dahil yun ang itinatak mo sa isipan mo nung magdesisyon kang isama ang buong mundo sa mundong binuo mo para sa sarili mo.

minsan, nakakatawang isipin na sa dinami-dami ng mga taong nakapaligid sa'yo, may mga oras pa ring makikita mo ang sarili mong nag-iisa. kung kailan pang hindi ka na sanay mabuhay ng mag-isa. may mga pagkakataong kailangan mo ng makakapitan pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, yung mga taong inaasahan mong parating nandyan para sa'yo, na inaakala mong sasalo sa'yo kapag nahuhulog ka na sa kawalan, sabay-sabay na nawawala. naiintindihan mo naman na may kanya-kanya din silang problema. may iba't ibang lungkot at sakit ding kinakaharap. hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. sila, meron din. wala kang ibang pwedeng gawin kundi unawain yun. at tanggapin. tanggapin ng maluwag sa dibdib na sa kabila ng lahat, nag-iisa ka pa rin.

tapos, makikita mo na lang ang sarili mo na nagpapakalunod sa kape. nagpapakahilam sa usok na nanggagaling sa sigarilyo mo. kinakausap ang sarili. nag-iisip ng malalim kung saan ka ba nagkamali. saang aspeto ka pumalpak. hanggang sa unti-unti ka na palang nawawalan ng lakas. dahan-dahan ka na lang na nilalamon ng dilim. ng kawalan. yuyuko ka na lang. at mararamdamang umiiyak ka na pala. magdadasal ka na lang na sana, matapos na ang lahat. suko na sa laban. talo na. may mga pagkakataon pang sasabihin mo na lang na sana sa pagtulog mo, hindi ka na magising ulit para wala na. tapos na. sa likod ng isip mo, nandun ang tanong kung nasaan na sila. nasaan sila sa mga sandaling kailangan mo ng karamay. sa mga sandaling kagaya nito.

nasaan kayo?

16 Comments:

Blogger chum said...

Inay,
habang binabasa ko yung post parang kinakausap mo ako...lalo na yung sa part na 2nd paragraph to the last...ang dami kong kaibigan pero minsan nakikita kong nagiisa ako...naghahanap ako ng makakapitan pero sarili ko lang ang pwedeng kapitan ko...

nagkaroon din ng time dati na gusto ko mag-isa kasi minsan kapag may dumating tapos nasanay na akong andyan siya tapos nawala ang hirap maglet go...diba kilala mo pa mandin ako na kapag minahal ko mahal ko talaga...pero minsan hindi naman maiwasan yun...hindi mapigilan ang mahalin ang isang tao at hindi mo rin mapigilan na umalis siya...na minsan hindi mo maintindihan kung bakit kailangan niya umalis...

haay dami ko pa gusto sabihin lam mo naman ako madaldal...pero i hope you know na andito lang ako...andito lang ako...andito lang talaga ako...ingat ka inay...mwah!

8:43 AM  
Anonymous Anonymous said...

here.

9:44 AM  
Blogger K said...

that's just how it is sometimes... i do feel it too... kaya ibig pa rin sabihin nun eh di ka nag-iisa ...

5:59 PM  
Blogger lws said...

ako alam ko na di ako nag iisa kakambal ko palagi ang sarili ko :)

grabeh na 'to...ang ganda.......

2:14 AM  
Blogger C Saw said...

masaya maglaro ng taguan. pero dapat muna may kalaro ka. kaso mahirap talaga kung ikaw ang taya. konting pasensya lang. makikita mo rin sila.

tapos kapag nakita mo na sila, sabihin mo iba naman laruin nyo. Dr. Kwak-kwak naman.

9:53 AM  
Blogger shadowlane said...

chum,
actually, kinakausap talaga kita dyan. akala ko nga, hindi ka sasagot, eh. hehehe.


ako,
thanks.


stinker i,
i know. that's simply how life is.
pero ang end point, nag-iisa pa rin.


j,
good for you. ganyan nga siguro ang tamang attitude.
sino maganda, ako? ay, thank you, ha? hehehe.


C Saw,
sa laro ng buhay, may natatalo, may nananalo.
malas nga lang pag parati kang taya.


anjiedy,
ganda, asan? asan ka? hehehe.
alam ko naman yun. at nagpapasalamat ako na andyan ka lang.
[nagmula sya sa malikot kong isip at sa mga kamay kong nangangating magsulat]

12:26 PM  
Blogger chum said...

aysus inay! AKO PA! eh kahit hindi ako yung kinakausap mo eh sasagot talaga ako heheh labyu! mwah!

4:13 PM  
Blogger teepsee said...

o, ano na namang kalandian 'to? hehehe.. joke lang reych =)

basta, ako, andito lang ako, buzz mo lang ako sa ym.. hehehe

4:41 PM  
Blogger shadowlane said...

teepsee,
hindi kalandian ang tawag dyan, ano ka ba? yan ay isang ... iisipin ko pa kung ano tawag dyan. hehehe.

sige, iba-buzz kita sa linggo, mga 4-ish ng hapon. wahahahaha!

4:45 PM  
Anonymous Anonymous said...

its just a random lottery of meaningless tragedy and a series of near escapes.....in the end its pointless, so we just have to pay attention to the details, maybe then we could find a happy way out through this labyrinth.

2:26 PM  
Blogger shadowlane said...

too deep.

nde kaya ng powers kong intindihin ang mga ganitong statement.

mga kapatid... tulong! wehehehehe

2:28 PM  
Blogger shadowlane said...

ah ...

eh...

saklolo!!!

3:38 PM  
Blogger C Saw said...

Baka po makatulong sa paglilinaw, tatagalugin ko na lamang.

yan ay tsambahang sugal ng mga walang katuturang trahedya at susunod-sunod na malapit na pagtakas...sa katapusan hindi ito makakatusok, kaya tayo ay dapat magbayad ng pansin sa mga detalye, siguro kung ganun makikita natin ang masayang daan palabas dito sa...ummm...yung ano...teka...hmmm...sirit na nga!

4:42 PM  
Blogger shadowlane said...

hanep ka C! haha!

literal ito! pero salamat... sobrang napatawa mo ako dito sa ginawa mo. iba ka!!!

hehehehe. ang kulet!!

5:03 PM  
Anonymous Anonymous said...

hey reychel,
HS friend po ako ni gayla,,
wala lang,,
silip lang ko kc tong si gayla eh makulit,,
hehe kidding aside,,
im really looking forward reading all ur articles,,
they are really good kahit konte pa lang nababasa ko,,
everyone can relate,, nice..!,,
dito sa taguan ako nakarelate,, simpleng kape at yosi lang ang katapat ng pagiisa,,
pero kulang pa rin,,
kulang na kulang pa rin,,
mahirap magisa,,
lalo pa at wala kang ibang pangarap kundi ang may makasama,,
anyway,,
really nice articles,,
keep it up,,

9:34 PM  
Blogger shadowlane said...

well...
mukhang nabola ka ni gayla na basahin ang blog ko. ewan ba dyan... masyado ako binebenta. wehehehe. joke.

good to know na may klasmeyt pala ako sa pagkakape at pagyoyosi pag feeling alone. kape tayo minsan. yosi na rin. tapos sama natin si gayla pero may takip mata para hindi makita ang pagyoyosi natin. strikto yan, eh. galit sa nagyoyosi. lol.

salamat for the nice comment on my writing. basa lang ng basa. :)

10:49 PM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com