-::- here i am... this is me -::-

Monday, January 16, 2006

kupas

may apple.
parang masarap kainin.
nag-aanyaya.
parang sinasabi nya...
"halika, kainin mo 'ko."
binalak kong patulan.
pero hindi ko gustong kumain ng apple.
may iba akong gustong kainin.
kaya sabi ko, mamaya na lang.
madami na 'kong nakain.
iba't ibang pagkain.
yung apple, andun pa rin.
naghihintay.
maraming beses ko rin s'yang binalikan.
binalak kainin.
pero sa tuwing andun na ko at kukunin na s'ya,
biglang nagbabago ang isip ko.
parating may mas masarap kainin.
may ibang gusto.
mamaya na lang.
bukas na lang.
hanggang dumating ang oras
na gusto ko nang kumain ng apple.
pero yung apple, tuyo na.
parang hindi na masarap.
hindi na matamis.
wala nang lasa.
sa sobrang tagal ng paghihintay n'ya sa'kin,
nagsawa din.
napagod.
hanggang bumitaw na lang
at hinayaang mabulok ang sarili.
matagal n'ya akong hinintay.
pero nung gusto ko na ng apple,
wala na.
huli na ang lahat.
wala nang magawa.
sayang.

8 Comments:

Anonymous Anonymous said...

siguro sadyang para di sayo ang apple na 'yon *drool*

kahit pa FUJI apple!

1:34 AM  
Blogger chum said...

hmm siguro magagamit mo pa kung ano ang natitira sa apple...kung ano man ang maari mo pang magawa duon eh ienjoy mo na lang...mwah!

12:10 PM  
Blogger shadowlane said...

itanim kaya natin para tumubo at dumami?

12:12 PM  
Blogger C Saw said...

at least nakain mo yung ibang masmasarap na pagkain di ba? marami pa namang apple e.
next time kung ayaw mo pakaiinin yung apple try mo i-ref para tuamgal shelf life. ;) ayan ang challenge...

7:17 PM  
Blogger shadowlane said...

may point. pero sigurado ba tayong mas masarap kesa sa apple yung mga nakain ko? totoo, marami pang ibang apple. pero yung apple na yun, iisa lang. walang katulad.

actually, nasa ref naman talaga sya. hindi ka pwedeng mag-iwan ng apple sa ibang parte ng bahay namin bukod sa ref, kase kakainin ng daga. wehehehe.

kaya nung hindi na pwede ang apple, nagtyaga na lang sa toblerone.

9:57 PM  
Blogger C Saw said...

apple then toblerone? i'm getting images...

11:03 AM  
Blogger shadowlane said...

the point being? hehehe.

11:05 AM  
Blogger shadowlane said...

yan nga rin ang nasa isip ko eh... baka naman hindi talaga gusto? ah, ewan!

8:06 AM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com