what's up, manila?!!!
kasalukuyan akong nanonood ng bonez tour concert ni avril lavigne sa kapamilya channel. kasama simple plan. at dahil concert talaga ni avril yun, simple plan ang unang nag-perform. eh feeling ko, nasa concert ako samantalang sa tv lang naman ako nanonood. hehehe. eh kase naman, ramdam ko pa ang excitement, ang pagod, ang pagpapawis at pagsakit ng lalamunan kakasigaw kasama si bes dun sa concert. simple plan pa lang, wala na akong lakas. may avril pa. pagod. paos. medyo nahirapan umuwi. pero sobrang enjoy. march 31, 2005. masyadong exciting ang araw na yun.
mga past 2 a.m. yun. kasarapan ng pagtulog ng may narinig akong ingay. akala ko may away. hindi ko pinansin. normal lang kase sa'min ang paminsan-minsang pagkakaroon ng away pag ganung oras. lalo na pag may nag-inuman.
pero boses ng tito ko yung naririnig ko. at ang isinisigaw... sunog! sunog!
syempre, nataranta ang natutulog kong nerves. ang naisip ko agad, aksyon 'to! aksyon nga, dahil less than a hundred meters lang ang layo nung scene sa bahay namin. creepy. nakakapanindig balahibo yung laki ng apoy. yung sigawan ng mga tao sa di kalayuan. yung pagsabog ng mga kung anu-ano. yung init sa mukha na akala mo andyan lang sa tabi mo yung sunog. at ang mas nakakakilabot pa... walang serena. hindi yung serena sa dagat, tange! yung serena ng bumbero! imagine-nin mo na lang na may isang malaking sunog sa malapit tapos wala kang naririnig na kundi ingay ng mga natatarantang tao at nasusunog na bagay. wala man lang ingay ng mga sasaklolo. scary. siguro mga 10 minutes kong pinanood yung sunog kasama si ipe bago nag sink in sa'kin na may mas importante akong dapat gawin kesa manood lang.
tawag si tatay sa libis, humingi ng saklolo sa mga kapatid nya. may takot sa boses, parang nasisigaw na ewan. to the rescue naman yung bayaw nya kasama yung apat kong pinsan. habang busy sina tatay at ang tatlo kong kapatid sa pagbabalot ng mga damit at paglalabas ng mga gamit sa bahay, busy naman ako sa kakapaikot-ikot kakaisip kung ano ang gagawin ko. ganun pala yun. pag nasa gitna ka ng panganib, hindi mo maiiwasan matanta. dumating ako sa point na parang gusto kong mag throw up sa takot. pero hindi magandang idea ang matakot sa ganitong eksena. inakay ko muna si nanay, lola ko sya sa totoong buhay, palabas ng bahay papunta sa safer place, ika nga. tapos, focus.
ano ba'ng dapat kong unahin? appliances? damit? bahala na sila dun. isip ng mabilis. documents! buti na lang, sama-sama lahat ng papel sa isang metal box. kuha backpack, lagay lahat ng kasya. wallet. wallet ni nanay. mga wallet ni nanay. na-discover kong tatlo pala ang wallet nya hehe. old people. mga alahas na bigay ni mommy. cellphone. laptop. ano pa??? syet, ano pa?? yung mga regalo ni angel. pero masyadong malaki yung box. set aside muna. bitbitin na lang pag talagang masusunog na ang bahay, sabay bulong, wag naman sana. wala na sana akong interes ilabas yung mga damit ko. nakakatamad. hahaha. pero sabi ng better judgment ko, kelangan ko i-save lahat ng kayang i-save. tapos, feeling ko all set na. hintay na lang ng mga susunod na mangyayari. sabi nga eh, bahala na si batman. kung aabutin ng apoy ang bahay, malas. kung hindi naman, salamat. tapos, bigla ko naalala... ang mga libro! taena.. ang mga anak ko!! hehehe. balik ako ng bahay, bitbit backpack. ibinilin ko sa isang pinsan ang laptop. tapos yung mga libro, inilagay ko ng ubod ng ayos sa isang malaking transparent na plastic bag. tapos, stand by ulet. tatawagan ko sana si mommy pero ayoko sya mag-alala so quiet na lang.
well, wala naman masyadong nangyari. napatay din ang apoy eventually. masaya. it was quite an experience. ok din palang nakaka-experience ng mga ganung bagay once in a while. nakikita mo yung capacity mong magbuhat ng mga hindi mo kayang buhatin in normal circumstances. at nare-realize mong kahit gaano ka pala ka-cool eh marunong ka rin matakot. pagkatapos ng kaguluhan, nag-umpukan ang mga relatives and prends sa kubo. may nagtimpla ng dalawang pitsel na kape, may bumili ng tinapay sa 24 hours na bakery. tapos, sangkaterbang kwentuhan as expected. mga past 4 na ata napatay yung apoy. ang daming bloopers. nagtawanan na lang pagkatapos ng mahigit dalawang oras na pagkataranta. sabi ko na nga ba, aksyon eh. may mga ilang gabi ko ring nakita sa pagtulog yung apoy. may instances pa na nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi na akala ko, may sunog na naman. yun pala, panaginip. ganun yata talaga yun.
hindi ako nakapasok sa trabaho nung araw na yun. yung less than thirty minutes na paglalabas ng mga gamit sa bahay, inabot ng isang buong maghapon para ibalik sa dating ayos ang lahat. nakakapagod. pero ayos na rin. salamat pa rin. kesa naman walang bahay na ibabalik sa dating ayos.
tapos kinagabihan, punta sa fort para sa concert. at ngayon, pinapanood ulit ang concert sa tv. walang kasawa-sawa hehe. at dahil sa concert na 'to, naisip kong magsulat. baket nga ba hindi ko naisulat ang tungkol dito dati? ewan....