-::- here i am... this is me -::-

Friday, August 19, 2005

ulap

gusto kong lumipad
patungo sa isang lugar
malayo.. malayung-malayo
kasama ng mga anghel.

pero ang problema,
wala akong pakpak
kaya gustuhin ko man...
hindi ko naman kaya.

nandito na lang ako
walang ibang kayang gawin
kundi ang tumingin sa lugar
na ni hindi man lang maabot ng tanaw.

ikaw, na hindi kayang abutin
kahit anong pilit man ang gawin
tumatanaw ka rin ba sa kawalan
patungo sa lugar na kinatatayuan ko?

dahil hindi ko kayang lumipad,
sana na lang, isang araw
dumating ka at ilipad ako
sa tulong ng mga pakpak mo.

12 Comments:

Blogger chum said...

Mama Reych,
Want to borrow my wings? hehehe... feeling angel ba? ahahha...oh well hindi tayo angel mga diyosa tayo! bwahahahh...pwede bang mag MRT na lang tayo or bus papunta duon sa gusto mong puntahan, sasamhan kita or helicopter...heheh joke po...labyu!

2:41 PM  
Blogger shadowlane said...

chum,

baka wings ng isang gamit pambabae yang ipapahiram mo sakin eh hindi na bale. meron na rin ako nyan! hehehe.

kung sana nga pwede yung mga options na sinabi mo para makarating sa gusto kong puntahan. kaso... hindi, eh. [sniff]

anjiedy,

isa lang ang masasabi ko... paksyet na layp! hehehe.

6:01 PM  
Blogger chum said...

Mama,
Kung may other way ka to go there sasamahan kita PERO sana alam mo kung paano papunta ha...sabi mo kasi wala kang sense of direction eh AYAW KO MAWALA! Hmmm...dibale hanap na lang tayo ng pulis...mwah!

8:56 PM  
Blogger shadowlane said...

kahit kelan talaga, maaasahan ka, anak! manang-mana ka sa mama! hehehe...

ipagdiinan pa talagang wala akong sense of direction eh, noh? haha! aminado.

in case matuloy tayo eh... well... paniguradong pulis pangkalawakan ang kelangan natin hanapin.

8:59 PM  
Blogger chum said...

Mama,
abah nagsasabi lang ako ng katotohanan at pawang katotohanan lamang...totoo naman walang...walang...walang saging na walang balat diba? Well meron kapag binalatan mo na...

Pulis pangkalawakan? diba si alexis/shaider eh pulis pangkalawakan siya? kaso deads na sya diba...hmmm si annie na lang...ehheheh....

10:36 PM  
Blogger shadowlane said...

ahh, pag mga saging na walang balat eh si anjiedy ang expert dyan. wala akong kaalam-alam sa mga bagay na iyan! [sana wag humaba ilong ko wahahahha]

honga, eh. deads na nga si shaider. kaya nga mas mahirap pumunta sa gusto kong puntahan. haha!

8:17 AM  
Blogger Dorothy said...

someday, you'll be able to find your "wings" and fly! ;)

11:20 PM  
Blogger chum said...

Mama, diba ang turo mo sa akin ay bawal magsinungaling? BWAHHAHA (evil laugh)....gusto ka na ata patayin ni pao JOKE LANGH PO!!!!!Bawal pikon dito!!!

9:56 AM  
Blogger RAV Jr said...

ang lungkot naman, Shadow...

sana nga, ilipad ka na lng nya kung sakaling di mo kayang puntahan sya...

9:06 PM  
Blogger chum said...

oh my gosh!!! kung kasama ko kayo ng tita parang ayaw ko na sumama...kasi mamaya itanong ko sa inyo ang direction at magkaibang way ang sbaihin niyo..tsk..tsk..

12:31 PM  
Blogger C Saw said...

ewan ko ba naman kasi kung bakit nilagyan pa yung Whisper ng wings, di rin naman magagamit sa paglipad. nagpapaka-korni lang po. ayaw ko kasi mahawaan muna ng lungkot.
:)

3:36 PM  
Blogger lws said...

hi,bloghop po .ang ganda ng pagkakabagsak ng saloobin mo dito...

nakiki sigh ako .

buntong hininga ng pagkalalim lalim saka rilis.

8:59 PM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com