system halted
maganda ang pasok ng umaga. for a change. it was a crappy day yesterday. monday pa naman. i expect it to be a bad week. but not really. may mga bad moments, pero may mga feel good pa rin naman kahit papa'no. pang-offset.
palabas ako ng street namin kanina papunta sa work, nakita ko yung childhood kras ko, si arnold, nagbabasa ng dyaryo sa kubo. pinsan sya ng isa sa mga kapitbahay prends. minsan ko na lang makita yun. sa ibang planeta na kase sya nakatira. dumadalaw-dalaw na lang. well, kras ko sya during grade and high school days. pero bata pa ko nun. ahead sya sa'kin ng six or seven years ata. natural, hindi naman ako papansinin nun during those days. pero hindi ko na sya kras ngayon. malaki na 'ko eh. pagkakita nya sa'kin, smile sya. syempre, smile back. tapos tumayo sya, lumapit, sumabay maglakad palabas. umakbay, sabay chika kung kamusta daw work, blah blah. wala naman syang balak lumabas talaga. ihahatid lang pala ako hanggang makasakay ng tricycle. answit! at akbayan ito. hehe. sige na nga, oo na.. kras ko pa ren sya. slight. para nga akong high school kid na nagba-blush. akbay pa lang yan. hehehe. bagalan natin ng onte ang lakad para mas matagal ang akbayan. wahahahahaha!
teka, teka... sino ba sa mga kapitbahay ko ang nagbabasa ng blog ko?!!!
[isip]
oist, weng! sikwet, ha? hihihihi [malandeng tawa]
kahapon...
bad moment. sad moment. frustrating moment. i received a message from the only person who can either make or break me. si angel. ang aga-aga pa lang. masyadong malaki ang participation ni angel sa buhay ko, na capable syang pasayahin ang araw ko sa isang simpleng text lang, at the same time, he's also capable of giving me a miserable life, sa isang simpleng text lang din. baket ba kase nauso pa ang text messaging. kung pwede ko lang syang puntahan kahapon at kutusan para ma-realize nya kung ano'ng kaplipan na naman ang ginagawa nya, na nakakapagpa-plip din sa'kin. paksyet na life.
late morning, dumating si DHL boi. a stranger who can make me smile without me knowing it. kras ko nga sya eh. napapag-usapan na rin lang ang mga kras-kras. wehehehe. dati, pag dumarating sya para magpa-receive ng documents, contented na 'kong tingnan lang sya. itinitigil ko talaga kung anuman ang ginagawa ko para lang tingnan sya. pogi, eh. tsaka mukhang mabango. eh bihira ata sa mga messengers ang mukhang mabango. tapos one time, many months ago, ako ang nag-receive ng dala nya. sinadya kong hindi lagyan ng printed name ang sheet na pinapirmahan nya. naturally, hindi sya umalis agad. sabi nya, "ma'am, print mo naman name mo". ako naman, habang print ng name, sabi ko, "number ko, ayaw mo?" hehehe... talk about style! pero hindi ako seryosong ibibigay ko talaga ang number ko, ice breaker lang yun kumbaga. [defensive] since then, naging chums na kami. pag dumarating sya, dumederecho na sya sa table ko para magpa-receive, nakikipagkulitan. uhuyyy... close! matagal din syang hindi napunta ng office. kahapon lang ulet. sakiting bata kase. medyo paos pa nga sya kahapon nung sinabi nya sa'kin... "musta na? na-miss kita, ah!" wushu!!! the catch: kamukhang-kamukha nya si angel. yun lang!
nag-lunch out kami ni bes kahapon sa shang. actually, may ka-meet kase sya kaya sya lumabas. eh dahil isa akong epal na tao, sabi ko, sama na lang ako sa kanya tas mag-grocery ako habang punta sya dun sa kausap nya. saglit lang naman yung meeting nila, so sabay pa rin kaming nag-lunch. bago kami bumalik ng office, nagpunta sya washroom. hinintay ko na lang sya sa radio city. hindi ako mahilig bumili ng cd. mas preferred ko ang libro kesa sa cd. pero paker na rainsong yun ng imago, sobrang patay na patay ako sa kantang yun, gusto ko tuloy bumili ng luma nilang album. ilang record bars na rin ang napuntahan ko, pero wala. nagtanong na 'ko sa radio city a few weeks back kung meron sila, eh out of "stocks" daw sabi nung babae. nagbaka-sakali lang ako ulet, pero wala talaga. wahhhh!!! nagtanong na lang ako kung may cd na sila ng acoustic album ni alanis. wala naman akong balak bumili, nagtanong lang ako. eh ibinigay ng babae... pagkita ko, nangati yung kamay ko, sabay kuha ng wallet, hugot ng credit card, may i swipe sa counter. antanga ko... nasanay ako sa opm cd's na 250 to 300 pesos lang ang presyo, hindi ko na tinanong kung magkano yung alanis. pagpirma ko sa resibo, 425 pesos ampotah. woah! hehehe... kung pede lang bawiin hahaha! pero sabi nga ni bes, ayus lang yun, masaya ka naman. tama naman sya! lagi ko ngang sinasabi, pag may gusto kang bilhin, kahit mahal basta gusto mo at ikakasaya mo, sige lang, bili lang ng bili. treat yourself, ika nga. mahal ko yung si alanis, so ayos na rin. asenso ng onte... dati, pa cassette-cassette lang... ngayon, pa cd-cd na.
nung college ako, and during the early working years, mahilig talaga ako bumili ng cassette. plip pa nga ako dati, pag nasa mall tas napadaan sa record bar tas maganda sa pandinig ko yung pinapatugtog na song, bibili na agad ako ng cassette. pero never pa ko bumili ng cd. the first and only time na bumili ako ng cd, it was a few months ago. cd ng orange and lemons ... ipinamigay ko lang. i wonder... napapatugtog pa kaya ang cd na yun?
anyways...
it's very unlikely for me to write at this hour of the day. at dito pa sa office. wala, eh. walang magawa. sira ang server. manual invoicing kami for two days now. kahapon, sa hindi ko alam na kadahilanan eh ayaw bumukas ng server. to the rescue ang technician, kelangan nyang dalhin sa kung saan ang cpu ng server, ngayon daw ibabalik.
kaya walang choice... manual invoicing, a.k.a. sulat kamay. kakapagod. nakakatawa pa kung iisipin kase nung nag-start akong mag work dito four years ago, manual invoicing naman talaga. mid last year lang naging computerized invoicing. ehyun nga... nawindang ang server. kaya back to the old ways. sulat galore. kung tutuusin, wala dapat reklamo kase ganun naman ang gawa dati. pero dahil nga nasanay sa mas madaling paraan, reklamo dito, reklamo dun ang maririnig mo sa mga tao. lahat kase, gumagamit na nung program. kaya lahat, apektado. nakakairita, pero hindi mo rin masisi. dahil ako mismo, mainit din ang ulo dahil sa lintik na dami ng kelangan sulatin. hindi nga siguro maiiwasan... na kapag nasanay ka sa isang bagay tapos biglang mawawala, lalo na kung hindi mo naman gustong mawala, ramdam na ramdam mo talaga yung difference.
dati, kapag may nawawala, ang parati kong sinasabi, kaya kong mabuhay ng wala sya. kase, nakaya ko namang mabuhay dati nung wala pa sya. pag wala na sya, parang babalik lang ako sa dating kong buhay. simple. nga ba? simpleng sabihin, pero pag andyan na, mahirap pa ring gawin. pinipilit na lang gawin kase wala naman nang ibang choice. kung pwede lang sanang wala na lang mawawala.
sana bumalik na ang server.
kung pwede nga lang sana na walang mawawala pero change is the only constant thing in this entire universe! its beyond our control, may dadating, may aalis, may mawawala, may magbabago, may ganito, may ganun, may ganyan...nyark parang walang flow ang pinagsasabi ko...oh well...back to work nako...mwah!
simply put... when it's time to go and let go, kahit ayaw mo pa, wala kang magagawa. minsan, ayaw mo pero kelangan. but it's all the same. mahirap. masakit. sana nga, hindi na lang.
naks... ano 'to... serious thread ba ito? hehehe...
hamo na... minsan lang naman, eh. kunwari na lang, mga seryosong tao tayo.
wehehehehehe
okey game kunwari sirius black este serious tayo..ahem...haay wala lang biglang ang daming tumatakbo sa utak ko about letting go...ang hirap, masakit, sakit sa ulo, sakit sa puso, ang daming tanong, may mga tanong na walang sagot, confused, nakakamiss, nakakagalit, nakakainis, haaay...pero there will come a point na things will be back to normal...or rather things will be fine...then learn from the experience and sa experience ng ibang tao...haay gulo talaga...walang kaflowflow...
bat kase nagsusulat-sulat pa ko ng mga gan'to... nandadamay pa ko ng ibang tao sa nararamdaman ko. hehehe.
kasalanan lahat 'to ng server eh!
hmmm...
orange and lemons...
oo, tumutugtog pa.
gabi-gabi.
good!
akala ko, nawalan ng saysay ang pagbibigay ko ng cd, eh.
binili ko pa naman yun specifically para ibigay.
sayang naman kung hindi na napapatugtog.
Mama,
puro na lang ikaw, ikaw, ikaw andyan naman si AKO. Haay... :(
Ako,
Anong orange and lemons? or slow lang talaga ako?
Mama,
tignan mo yung time ng last comment natin..same ang time hehehe...wala na tagboard na talaga ito! ahhaha
haay ang daldal ko...ako pinakamadami comment...mananahimik na nga muna ako sa lungga ko...byebye...
importante yon saken.
pero mas importante yung nagbigay.
chum... honga, eh. halos sabay nga din pumasok sa yahoo mail ko. hehehe.
ako... basta napapatugtog pa, masaya na ko dun. let it serve its purpose.
hmmm..makasingit nga kahit sandali, hehehe...
hello po sa lahat...
ngaun lng ako nakabisita uli, busy-busihan daw...hehehe...
musta na po mga magagandang dilag dine?
si...chum...kamusta na? hehehe
kase...ang alam ko..tong comments page ay tag board na din, ng lahat...so, dito ko na rin kukumusta hin si chum kase mas magandang alam ng parents nya kung sino kumukumusta sa kanya...well, maliban sa private conversations namin, na talaga namang pra sa amin lng, hehehhehe
Ako,
Kung si Mama ang nagbigay niyan eh importante talaga...kahit walang material thing na binigay sya sa akin mas important yung love na binibigay niya...kaya love na love ko yang si mama reych eh...i hope she knows that i love her and she's very important to me...
Mama,
o bakit nangingilid na yang luha mo diyan?
Tita Anjiedy,
Sorry po kasi maliit lang talaga mundo ko (hikbi) ...now I know what is orange and lemon...pero hindi ko ATA alam yung songs nila..siguro narinig ko na pero hindi ko alam na yun pala yun at sila pala yun...taga bundok tralala ako eh...
Dops,
I'm doing fine naman po...ikaw kamusta ka na?
mabuti namn ako dito chum...i mean mas lalong bumuti...hehehe
Dops,
thats gud... :D
Tita,
hmm...pms ka din? heheh...
di na pla pwedeng kamustahin dito si chum kahit mas madalas sya dito kesa sa site nya? hmmm...hi chum, musta ka uli? hehehe...sna ok ka pa din jan... ;)
Dops,
Hahaha...totoo yun mas madalas ako dito kaysa sa site ko...minsan mas una ko pa itong dinadalaw...minsan nga hindi ko na napupuntahan blog ko eh ahahahah...
okay ah, naging chatroom na ung comments room mo.. hehehe.. walang sense amp.. anyhoo,, napadaan lang.. baket si ako may cd, si teepsee, wala? =( joke lang =p
honga, eh... may batian portion pa. baka sa susunod, may mananawagan na dyan. wahahaha!
cd? ehh... ahmm... errr... hehehe...
Gotta luv blogs! Good post will
check out more. Like premature ejaculation cure? Been geting
my sites about premature ejaculation cure
come see me. out for now... later
ayan na nga ba... may batian portion... ano ba tawag dito sa isang 'to? sumkin'a ad? wtf???
this is what i call multi-purpose blogging. bwehehehe.
Mama,
ano yan??? spam??? ahhaha...
wehehehehe...
ibang klase, noh? pati blog pala, naiispam na ngayon.
tsk...
excellent idea!
bloody brilliant.
hehehehehe
abah kaperahan ba yan? sama ako diyan! ahhaha...mukha ng pera...eh sa ginawa ba naman ng Diyos puro numero nakikita ko sa monitor ko eh ahahah...
If you are alone, call this number 800-211-9293. Connect with Real Singles from your local area instantly for only $0.99/min with a $4.99 connection fee. A true Match is only one phone call away 800-211-9293. Meet people with common interests and desires now. Check it out. 800-211-9293
pakyu ka! bat ba blog ko pa napili mo?
nyahahahahaha! patulan daw ba?
!@$%$^&*&*((0 niyo bat dito pa nga....haha dito ko na lang ilabas sama ng loob ko...hahaha sino kaya kaya?sana may bayad noh? hhhhhh
wehehehehehe