-::- here i am... this is me -::-

Monday, January 31, 2005

optical shop

mainit ang umaga. pawis na pawis ako at madungis dahil sa paglilinis ng bahay. tumunog ang telepono. hmmm... sino kaya? wala namang tumatawag sa'kin ng ganung oras.

babae. ako ang hinahanap. kaibigan ko daw sya. pero hindi ko sya kilala. hindi pamilyar ang pangalang ibinigay nya.

ang sabi nya, kaya daw sya tumawag eh para ipaalam sa'kin na nag-break na daw kayo. nagulat ako. bakit kayo nag break? at bakit nya sinasabi yun sa akin?

at ang pinakamalaking tanong... bakit nya alam ang number ko? kelangan ko pa bang tanungin? syempre, ibinigay mo.

babae sa babaeng usapan.

sino ka sa buhay nya? magkaibigan lang kami. baket ka nakikipagkaibigan sa kanya? dont you have any other friends? he's a nice guy. takbuhan ko sya pag may problema ako. is it that bad? he said he doesn't talk to you anymore. matagal na daw kayong walang communication. i didn't know he said that to you. kung alam ko lang, hindi na sana ako nakikipag-usap sa kanya. [pause] so you broke up with him because of that phone call? no. lots of reasons. but it trigerred. because he lied. sabi nya, wala ka na. tapos, bigla kang tatawag sa bahay nya, ako pa ang makakasagot. so you're blaming me for what happened? no. i just wanted you to know that we broke up. i'm sorry. don't be. it's over.

oo nga... hindi nga n'ya ako sinisisi sa nangyari. ini-inform nya lang ako. tama. ang husay.

ang sabi mo, napilitan kang ibigay ang number ko dahil ayaw nyang maniwalang magkaibigan lang tayo. hindi ko alam nun kung magagalit ako o matatawa sa reasoning mo. kung tatawa man ako, hindi ko rin alam kung sino sa inyong dalawa ang mas pagtatawanan ko. pero hindi nakakatawa ang sitwasyon. hindi rin ako pwedeng magalit dahil minsan ko ng nasabi sa'yo na hindi ako magagalit sayo kahit kailan. kahit ano'ng mangyari. at kahit ano'ng gawin mo.

naisip ko, ano kayang sagot ang inaasahan nya'ng marinig galing sa'kin? ah, yun? eh kami na nun eh! mahal daw kasi n'ya ako. bwe-he-he. tinanong ko rin ang sarili ko kung bakit kailangan mong i-deny ang existence ko. kung nagiging cause pala ako ng problema n'yo, dapat sinabi mo sa'kin para ako na mismo yung nagputol ng kung anuman meron tayo. para walang gulo. para hindi ako nasisi sa desisyong kayong dalawa mismo ang may gawa. ano naman ang kinalaman ko dun?

pero kahit inis ako, medyo na-guilty din ako sa nangyari kahit na sa tingin ko, wala naman akong kasalanan. sabi din ng best friend mo, hindi ko daw kasalanan yun dahil hindi ko naman alam na nagkakagulo pala kayo dahil sa'kin. pero hindi ko maisip kung bakit hindi mo sinabi sa'kin. dahil ba sa tingin mo, lalayo ako kapag nalaman ko at ayaw mong mawala ako sa buhay mo kaya hindi mo na lang sinabi? hehe. pasensya na, medyo OA ako mag-isip. alam kong may reason ka. hindi ko nga alam kung ano yun. mahirap mag-speculate. ayaw mo naman sabihin so... hayaan ko na lang.

sabi ko sa'yo, balikan mo. suyuin mo. sabihin mong wala lang naman ako at hindi nya dapat pinagtutuunan ng pansin. sayang ang 6 years kung mauuwi lang sa wala. malalim na ang foundation ng relationship n'yo. sayang naman.

ang sabi mo, pa'no ako nakakasiguro na gusto mo sya'ng balikan. pa'no ko nasabi na hindi mo gusto na nagkahiwalay kayo. malay mo, matagal ko ng gustong lumabas sa relationship pero ngayon lang ako nagkaroon ng chance... yan ang statement mo nun.

pero eventually, nagkabalikan din kayo. ang una kong naisip, absuwelto na ko. kung nasisi man ako nung nagkahiwalay kayo, at least burado na yun dahil kayo na ulit. tapos, wala na. dahil kailangan ko nang um-exit sa eksena pagkatapos nun.

mahabang panahon ang lumipas bago nagkaroon ng karugtong ang kwento ng buhay ko na kasama ka sa casting.

wala lang. naalala ko lang. dahil masakit ang ulo ko at pakiramdam ko, kelangan ko nang magpagawa ng salamin sa mata.



***isa sa mga tanong ko... sino? isang dating mahal na bumalik? isang bagong dating na minahal? kailan pa? paano? nasaan ako sa buhay mo nung dumating sya?***




Sunday, January 30, 2005

karma

"pa'no mo nasasabing mahal mo 'ko eh may girlfriend ka?"

"pwede naman yun... sabay"

"ha? loving two people at the same time? imposible ata yun"

"bakit ba ayaw mo maniwala? hindi po imposible yun... mahal kita, mahal ko sya... pero different levels"



hindi ako convinced. hindi talaga. pero dumating sa point na naniwala din ako. dahil nangyari din sa'kin. minsan sa buhay ko, nagmahal ako ng dalawang tao ng sabay. mahal ko sya, mahal din kita. different levels. mas mahal ko sya. hanggang sa naging mas mahal na kita kesa sa kanya. pinayagan ko kase ang sarili kong mas mahalin ka.

dati, sobrang nasaktan ko yung taong mahal na mahal ako. ang pangit ng pakiramdam nung alam mong nakasakit ka, lalo pa kung ang nasaktan mo eh yung taong nagmamahal sa'yo. ngayon, ako naman ang sinasaktan ng taong mahal na mahal ko. hindi ko alam kung alin ang mas pangit sa dalawa. pero ang bilis lang ng balik. tama nga ang sabi nila... pana-panahon lang.

yung susunod na darating, kung may darating man, sana lang wala ng masasaktan, wala na ring mananakit. kase kung sino man ako dyan, baka hindi ko na kayanin.


Saturday, January 29, 2005

sana

sanay masabi sa awit kong ito
lahat ng ninanais nitong puso ko
sana saan man patungo sa buhay
may pag ibig
may pag asa
may saya at saysay
sana sa bawat sandali matikman pa
sarap ng pagsasama at simpleng ligaya
tara na sakyan lang malay mo
andyan lang, andyan lang
ang hinahanap mo


wala lang... umiinom kase ako ng coke.

Friday, January 28, 2005

next level part 2

Date: Wed, 26 Jan 2005 08:39:07 -0800 (PST)
From: "name undisclosed" *&^%$#@!*&^%@yahoo.com
Re: Sorry
To: "name undisclosed" +^%$*!&@yahoo.com


andy,

hmmm... ano ba'ng pwede kong sabihin sayo? ilang beses ko ng nabasa 'tong email mo pero wala pa rin akong maisip sabihin. masakit kase ulo ko kaya siguro mahirap mag-isip.

well... wala yun. ok lang. ano nga ba naman yung christmas, new year, at higit sa lahat, yung birthday ko? mga normal na araw lang naman yun. walang difference kung na-greet mo ako o hinde. hehehe. nangonsyensya eh, noh? pero seryoso, ok lang yun. wag mo na masyado isipin. naiintindihan ko ang reason mo. naiintindihan kong hindi mo kayang sikmurain na i-greet ako ng anything merry or happy habang alam mong nalulungkot/malulungkot ako dahil sayo. bwahahhaha!!! sige na, tama na nga. basta kalimutan mo na yun. ok na.

medyo nag worry lang ako nung mga panahong hindi ka nagpaparamdam. muntik ko na nga tawagan yung nanay mo at itanong kung ano na ang nangyari sa'yo. hindi mo kase sinasagot yung calls ko. hindi ka rin nagte-text. eh alam mo naman ako. mawala ka lang ng ilang araw, natataranta na 'ko. kung anu-ano ang naiisip kong baka nangyari sa'yo. alam mo ba kung ano'ng mga naisip ko? eto... tingnan mo...

baka nawala ulit yung phone mo. kagaya nung mga nangyari dati kapag nawawala ka. remember? bigla ka lang mawawala ng matagal na panahon tapos babalik din, iba na yung number mo. buti na lang hindi ako nagpalit ng number ever. salamat kay homer na itinatago pa rin yung number ko hanggang ngayon. pero kung nawala lang yung phone mo, may email naman. may landline. di ba you still know my number by heart, sabi mo? at tsaka ang alam ko, ni-save mo yung number ko sa telepono ng nanay mo. sabi mo, para kung sakaling mawala yung phone mo, may back up source ka ng number ko. so.. imposibleng nawala lang yung phone mo eh hindi ka na nagparamdam.

baka namatay ka na. hehe. pero kung namatay ka nga, siguro naman kahit papa'no, mare-recover ng family mo yung telepono mo at ite-text yung mga number na nandun. o kaya, syempre ipapaalam nila kay homer na namatay ka na tapos si homer, ii-inform lahat ng kakilala nya na kakilala mo rin. isa na ko dun. kung sakali namang karumal-dumal yung pagkamatay mo at hindi na na-recover yung phone mo, siguro naman ite-text ng nanay mo yung mga number sa phone nya na alam nyang connected sa'yo.

baka nag-asawa ka na. nung naisip ko 'to, medyo natawa ako. hindi kase sumagi sa isip ko na posibleng gawin mo yun sa mga panahon na 'to. at least hindi muna. hindi ko in-expect na yung naisip kong pinagtawanan ko eh yun din pala ang magpapaiyak sa'kin. sabay tinadtad ng madaming tanong ang utak ko.

pero ngayon, alam ko na kung bakit ka nawala.

ok ka na siguro kase you got it out of your system na. good for you. mahirap yung pakiramdam ng sa tingin mo may dapat kang sabihin pero hindi mo sinasabi. sigurado, maluwag na ang dibdib mo ngayon kase nasabi mo na finally.

you hope that i am happy. ahmm... salamat po. hindi ko masabi kung masaya nga ba ako. ang alam ko, may nararamdaman akong sakit. pero ok lang, lilipas din 'to. bukas lang, ok na 'ko. pero masaya ka ba? kung masaya ka, syempre masaya rin ako para sa'yo. yun ang mas importante sa'kin ngayon. yung kung masaya ka.

hopefully sana makatext ka sa'kin. hopefully na nga, sana pa. ibig sabihin ba nyan, sobrang gusto mo pa rin mag text sakin? eh di magtext ka! ang dali-dali lang naman nun. hehe. pero seryoso, kung gusto mo ko i-text, mag text ka lang. walang namang nabago sa'kin. kung ano ako the last time na nag-text ka or the last time na nakita mo ako, ganun pa rin ako. makulit pa rin. senti pag minsan. i remain the same. nakausap mo ako kanina sa phone, ganun pa rin naman ako magsalita. ganun pa rin ako tumawa. ganun pa rin ako ka-comfortable kausap ka. nag-text din tayo kanina, ganun pa rin naman yung way ko ng pagte-text. so walang nabago. hindi nga lang ako sanay na hindi ka tinatawag ng mahal sa text/phone. hindi rin ako sanay ng hindi mo ko tinatawag ng mahal sa text. pero makakasanayan ko rin yun. yun nga lang, mababago ang set up natin. hindi ako magte-text sa'yo hanggang hindi mo ako ite-text. syempre, iba na ang situation mo. may magbabantay na ng phone mo for sure. baka mamaya, may mang-aaway ulit sa'kin kagaya nung dati. play safe. i-text mo ako para i-text kita. simple, di ba? hindi awkward ang mag-text sakin. ikaw lang naman ang nag-iisip na magiging awkward. ano nga ba ibig sabihin ng awkward?

well, ano pa ba? medyo gabi na rin, 1230 na pala. masakit na rin yung mata ko sa kakatingin sa screen. ano pa ba'ng masasabi ko? marami pa. pero wala na kong lakas. oras na para ipahinga ang pagod na isip at katawan.

congratulations po. goodluck sa bagong buhay. ninang ako ng first baby, ha? sana magkita pa tayo ulit. stay happy. kung may problema and you want to share it with me, alam mo naman kung nasaan ako. pag inaaway ka nya, sabihin mo sa'kin, aawayin ko rin sya. ingatan mo yung sarili mo. mahal na mahal kita.

ingat din po.


reych



Thursday, January 27, 2005

bagong bahay

bagong layout.
bagong bahay.
bagong buhay?
sana nga.

salamat kay Lexie :-)


Wednesday, January 26, 2005

next level

Date: Tue, 25 Jan 2005 22:27:24 -0800 (PST)
From: "name undisclosed" <+^%$*!&@yahoo.com>
Subject: Re: Sorry
To: "name undisclosed" <*&^%$#@!*&^%@yahoo.com>



reych,


i wrote to say im really sorry for not texting u, calling u or even writing you thru email. i was not even able to greet you merry xmas, happy new year and even happy birthday. nahihiya kasi ako. i dont know if this is a bad day for you pero i wrote to say that something changed in my life thus the defeaning silence on my part. I got married na po before christmas, dec 21 to be exact. yun po dahilan kung bakit di ko sinasagot mga calls mo. i just didnt know how to say it to you. matagal na kasi tayo magkakilala pero u know me naman, i have a low emotional quotient.

i just wanted to get this out of my system and i just wanted to say hi. i hope that everything is alrite with you. I hope that you are happy and hopefully sana maktext ako sa yo kaya lang baka awkward na.

ingat ka po.


andy





*** o, tapos? iiyak ba ko? tatawa? o iiyak at tatawa ng sabay? tsaka na ang reaction. pag kaya na ***


Sunday, January 23, 2005

ikaw, si paulo, at ang box ng chocolate

natapos ko na ang Eleven Minutes. ang husay! tama ka nga nung sinabi mong magugustuhan ko s'ya. dahil nagustuhan ko talaga.

hindi ko kilala si paulo dati. ikaw ang nag-introduce sa'kin ng mga libro n'ya. kagaya din ng pag-i-introduce mo ng mga libro ni bob. nga pala, nakumpleto ko ang apat na libro ni bob. hingin mo na lang sa kanya ang commission mo dahil ang galing mong mag sales talk.

balik tayo kay paulo... natatandaan ko pa nga nung sinabi mong basahin ko ang The Alchemist dahil parang sya'ng the little prince pero phylosophical ang dating. eh alam mo naman, malakas ka sa'kin kaya hindi ko sinunod ang sinabi mo. hehehe. o, wag kang magalit. nagbibiro lang ako. nabasa ko na rin yun. binaon ko sa puerto gallera last year dahil hindi naman ako pwedeng maglangoy dahil sa... bloody reason... kaya nagbasa na lang ako.

pero hindi The Alchemist ang una kong nabasa kahit yun ang una mong sinabing basahin ko. matigas nga kase ang ulo ko. hindi ko sinusunod ang mga sinasabi mo sa'kin. pero nung minsan, nagtanong ka kung ano ba ang binabasa kong libro nung panahon na yun. hindi ko na matandaan kung ano ang isinagot ko sa'yo. isa ata sa mga libro ni grisham dahil sabi mo, ang kakapal pala ng mga librong binabasa ko. tapos, sabi mo, try kong basahin yung By The River Piedra, I Sat Down & Wept ni paulo. hmmm... paulo na naman. bigla akong naging interesado. mahanap nga yang paulo na yan.

syempre, naghanap ako sa bookstore. pero wala akong nakitang by the river. Veronica Decides To Die ang nakita ko. interesting ang plot. title pa lang, ulam na. pero hindi ko binili dahil wala akong pera. hehehe. well, nag-uumpisa na 'kong sumunod sa'yo. sabi mo, by the river... eh di by the river. ibinalik ko sa shelf si veronica. sabi ko, sa susunod na lang, baka may by the river na. ok, sige... inaamin ko na. nagpapalusot lang ako. wala talaga akong pera nun. hehe.

nung sumunod kong punta sa bookstore, may by the river na nga. PERO magkatabi na sila sa shelf ni veronica. na-confuse ako bigla kung ano bibilhin ko. binobola lang kita nung sinabi ko kaninang gusto kong sumunod sa sinasabi mo. ang sabi ng sarili ko... by the river? o veronica? ano ba talaga? parehas na lang kaya? hmmm... kulang budget. di pedeng dalawa. hehe. si sir! teka nga, matawagan si sir. kaya tinawagan kita. banas ako sa telepono ko nun dahil nagloloko yung baterya. tatlong beses ata akong tumawag sa'yo dahil namamatay ang telepono ko bago ko pa man masabi yung gusto kong sabihin. sabi ko pa nga sa'yo, nasa labas ako ng school mo pero ... well ... hindi ko naman alam kung san yung school na pinagtuturuan mo so malabo yun. pinapili kita... veronica o by the river. isang matigas na by the river ang sinabi mo. bumili ako ng bagong battery ng cellphone ko kinabukasan.

ayun! mga ilang araw ata ang lumipas bago ko nasimulang basahin ang libro. busy kase sa trabaho, walang masyadong oras para magbasa. pero nung nasimulan ko naman, ayoko ng tigilan. hindi ako nagbabasa ng libro pag nasa byahe pero sinapian yata ako ng espiritu ni paulo. dala-dala ko yung libro nya kahit saan ako magpunta. basa sa fx, sa bangko, pag lunch break, bago matulog. hindi ko tinantanan hanggang hindi ko natapos. ansaya! nung tapos na, si veronica naman ang binili ko. wala yatang dalawang linggo ang pagitan. oo na, adik na kung adik!

sa ngayon, apat na ang libro ni paulo na meron ako. sayang, hindi ka pedeng humingi ng commission. lima sana yun, eh.pero binigay ko sa'yo yung isa.

hinihintay kita sa bookstore nun. magkikita kase tayo. exciting. finally. medyo may takot din. may kaba. ganun yata talaga. sabi ko sa sarili ko, bahala na. mahal mo naman ako, eh. bahala ka na sa'kin. gusto kitang bigyan ng isang bagay na makakapagpaalala sa'yo ng araw na yun. special sa'kin ang araw na yun eh. at gusto kong sweet ang dating ko. hehe. pero konti lang ang oras ko. wala akong panahon na mag-ikot para maghanap ng gift para sa'yo dahil maya-maya lang, darating ka na. eh since nasa bookstore naman ako, naisip ko, libro! libro ni paulo! pero Fifth Mountain lang ang nandun. nagdadalawang-isip ako kung magugustuhan mo ba yun o hinde. pero naisip ko, gusto mo si paulo, kaya malamang, magugustuhan mo yung libro. sabi ko sa sarili ko, "wala ng ibang araw. wala ng bukas. kelangan ko ng bumili nito, ngayon na!" bahala na.

pagkabili ko ng libro, nagpunta ako ng wash room. tapos, tumambay sa food court para tanggalin yung presyo. muntik ko na nga makalimutan. tapos, binasa ko. bigla kong pinag-interesan yun libro na parang ayoko ng ibigay sa'yo. haha! loko lang. nasa page 3 pa lang ako, biglang tumunog ang phone ko. nasa bookstore ka na. eto na.. lagot!

ang usapan natin, dadalhan mo 'ko ng chocnut. ayaw mo kasing maniwala na kumakain ako nun. sabi mo, isa akong sosyal na tao na nagpapanggap lang na makamasa. hindi ata! kaso pagdating mo, isang box ng totoong chocolates ang dala mo. wala ka kaseng nabiling chocnut. buti nga!. hehehe.

natatawa ako nun kase para tayong nag-exchange gift. binigyan mo 'ko ng chocolate, binigyan kita ng libro. sabi mo, basahin ko na lang muna tapos ikwento ko sa'yo. pero hindi ganun yun. wag kang tamad. dapat ikaw ang magbasa tapos kwento mo sa'kin. nahiya ka. sabi mo, ang mahal ng libro tapos ibibigay ko lang sa'yo. sabi ng puso ko, ok lang, mas mahal naman kita kesa dyan. [sus!]

nanood tayo ng sine. ang romantic nga eh. imagine, ang first date natin, sine. at ang palabas, The Lord of the Rings: The Return of the King. ang sweet, di ba? patay na patay pa ako kay legolas nun... ikaw naman, patay na patay kay gollum. at nasaksihan natin ang wagas na pag-iibigan nina sam at frodo.

ang saya. hindi ako makapaniwalang kasama kita. kung pwede nga lang na wag ng matapos. lagi natin sinasabi dati na mahal natin ang isa't isa. pero nung gabing yun... ewan ko ba. basta, masarap ang pakiramdam ng kamay mo sa kamay ko. may lambing na kung anong hindi ko maintindihan yung dantay ng braso mo sa braso ko. dun ko lang nasabi ng totoo sa sarili ko na mahal nga kita talaga. mabilis ang tibok ng puso ko, eh. habang nandun ka sa tabi ko. parang mahal mo rin naman ako. o baka akala ko lang yun. baka ginogoyo lang ako ng nararadaman ko. ng mga kilos mo. ng mga sinabi mo. ewan lang din.

yung chocolates na bigay mo, parang ayoko kainin. parang gusto kong i-preserve na lang s'ya habambuhay. para akong sira-ulong nakatingin lang sa chocolates habang ngumingiti. sabay buntung-hininga at sabi ng...haaaaayyyy... pero hindi ko natiis, kinain ko rin. sayang eh. chocolates ata yun. pero itinago ko yung box. nandun sa drawer ko sa office. dahil mas madalas naman akong nasa lugar na yun kesa sa bahay o sa kung saan man, mas minabuti kong doon itago ang box para mas lagi kong nakikita. ang babaw ko, alam ko. pero kase, masyadong masaya ang mga memories na nakapaloob sa box na yun. ang hirap itapon.

yung libro ni paulo na binigay ko, nabasa mo na kaya? hindi pa rin siguro. nung huli kitang tinanong tungkol dun, sabi mo hindi mo pa nababasa. may pagka-biblical kase yung plot. hindi mo masyadong gusto. pero sabi mo naman, nakatago. tama! itago mo na lang.

naisip ko tuloy, malaki ang pagkakaiba natin. special ka sa'kin. kung ako ang binigyan mo ng libro, kahit yan pa ang pinakamapangit na libro, magiging pinakamagandang libro na yan sa buong mundo. at least, sa mundo ko. hindi na ko magpapatumpik-tumpik pa. babasahin ko na agad, kahit ano pa ang kwento nyan. wala ng tulugan. pero yung librong bigay ko, itinago mo lang. hindi mo binasa. ibig sabihin ba nun, hindi special sa'yo yung taong nagbigay? pero naisip ko rin, hindi naman ako ikaw.

sana nga, naging ako na lang ikaw. para alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon.


"chocnut"


Saturday, January 22, 2005

glass window

don't look me in the eye
for you will see my soul
and you will know how much it speaks of you

you will hear the unspoken words
that i didn't have the chance to say
for you never listened

you will feel the love
which overflows from the heart
that is intended just for you

you will see the tears
that i've been holding back
for i didn't want you to know i'm weak

you won't find the light
that used to be there
but has went away with you

don't look me in the eye
for i'm afraid that when you do
you will see that i see nothing but you

Monday, January 17, 2005

hikbi

iniwan na ni vivian si carlo. dahil yun ang inaakala n'yang tamang gawin. kahit mahal na mahal nya 'to. at mahal na mahal din s'ya. ang labo, di ba? nakakalungkot. masyadong mabigat ang mga eksena. mabigat ang mga binitiwang salita. nakakaiyak. naiyak ako, totoong buhay. buong episode 'ata, umiiyak ako. kahit pag commercial na. buti na lang patay ang ilaw at ako lang mag-isa ang nanonood ng tv. kung may kasama 'ko, sigurado, pinagtatawanan nila 'ko. ang babaw ko kase. umiiyak ako sa isang palabas na ni hindi ko nga alam ang totoong boses ng mga gumaganap. masyado akong nadala sa pinapanood ko. hindi ko sigurado kung baket ako umiiyak. dahil lang ba sa palabas? o may mas malalim na pinaghuhugutan ang mga luhang 'to?

umiyak ako.
umiyak ng umiyak na parang wala ng bukas.

nasasaktan na 'ko, eh.
sobrang nasasaktan.
bakit hindi ka sumasagot?
kelan ka ba babalik?



"si carlo at si vivian"





saloobin

disclaimer: hindi ako galit. kailangan ko lang ng pang-unawa n'yo. naisip ko lang...

bakit nga kaya sa dinami-dami ng mga kaibigan ko at ng mga nakakakilala sa'kin, parang walang nakakaalam kung ano/sino talaga 'ko? mahirap ba 'kong intindihin? o ayaw n'yo lang talagang bigyan ng pagkakataon ang mga sarili n'yo na intindihin ako?

magaling akong makinig. kahit ano pa ang gusto mong ikwento, papakinggan ko. kahit paulit-ulit pa yan, wala akong pakialam. basta kung gusto mong mapakinggan ka, magsalita ka lang. pramis, makikinig ako. at hindi ako magpapanggap lang na nakikinig. kahit ipaulit mo pa sa'kin ang lahat ng sinabi mo, gagawin ko. mapatunayan ko lang sa'yo na pinakinggan talaga kita. minsan, wala akong masabi. yun yung mga pagkakataong alam ko na hindi mo kailangang may sabihin ako. gusto mo lang may makinig sa'yo. pero minsan, dumarating din sa point na ako naman yung gustong magkwento. ako naman yung gustong may makinig sa'kin. sana paminsan-minsan, hayaan mo akong magsalita. wala kang dapat gawin. makinig ka lang. kahit magpanggap kang nakikinig, ok na rin yun. basta sana lang wag kong makitang nagpapanggap ka lang. dahil masakit para sa'kin yun. nakikinig ako, tapos pag ako na ang magsasalita, walang magbibigay ng oras na makinig man lang? sana nga, alam mo kung kailan ko kailangang tanungin mo ko kung "may gusto ka bang sabihin?"

masayahin ako, oo totoo yun. sobrang dali ko lang patawanin. hindi mo kelangan ng maraming effort para mapatawa mo 'ko. may mga araw pa nga na natatawa ako kahit sa napakababaw na bagay. lalo na kapag wala akong tulog. nag-aaliw ng sarili para magising. masarap daw ako tumawa, sabi n'yo. nakakahawa. madali ko ring napapatawa ang mga tao sa paligid ko kung gusto ko. makulit daw kase ako, sabi n'yo ulit. pero ang hindi n'yo alam, hindi lahat ng tumatawa eh masaya. may mga pagkakataon ding itinatago ko lang sa likod ng mga matutunog na halakhak ang lungkot na nararamdaman ko. pwede siguro akong artista. dahil hindi n'yo man lang alam kung kelan ako masaya talaga o nagsasaya-sayahan lang. o baka naman wala lang talaga kayong pakialam.

kapag tahimik ako, iniisip n'yo agad na galit ako. wala ako sa mood. may topak. may sumpong. na para bang ang gusto kong iparating eh "wag kayong haharang-harang sa dadaanan ko at baka pagsisipain ko kayong lahat". pero maraming dahilan kung bakit ako tahimik. pwedeng galit nga ako... o may sariling problema akong iniisipan ng solution... o may problema ng ibang pinuprublema ko na rin... o ngumingiting mag-isa dahil sa isang masayang pangyayaring binabalik-balikan ko sa isip ko... o may ina-analyze na bagay... o may trabahong hindi matatapos kung hindi ako tatahimik... o nakikipag-argumento sa sarili/napapraning/nalulungkot/nape-pressure... o sadyang gusto lang ng tahimik na mundo. maraming dahilan. pag ang tao ba, masyadong maingay at masayahin, wala na bang karapatang tumahimik paminsan-minsan? kapag tahimik ako, ni isa ba sa inyo, nagtangka man lang na lapitan ako at tanungin, "bakit ka tahimik? may problema ka ba?" walang gumagawa nu'n. dahil nga iniisip n'yo agad na galit ako at baka masigawan ko lang kayo kapag kinausap n'yo ko. pero hindi ganun yun. minsan, tumatahimik ako dahil gusto kong tanungin n'yo ko kung baket ako tahimik. pero hindi ganun ang nangyayari. baket? dahil takot kayo sa'kin? baket? o baka ulit dahil wala kayong pakialam? siguro nga.

hindi ko rin maintindihan kung bakit kapag kausap kita at bigla akong tumahimik, ina-assume mo na agad na nagalit ako sa'yo. sikat ka ba para maging dahilan ng pagbabago ng mood ko? hindi mo man lang naisip na baka natahimik akong bigla dahil sa isa sa mga dahilang sinabi ko kanina. bakit mo iisiping nagalit ako sa'yo kung alam mong wala ka namang ginagawang masama sa'kin? pwera na lang kung may ginawa ka talaga na alam mong ikagagalit ko. kilala mo naman siguro 'ko kahit papa'no at alam mo yung mga bagay na pwedeng maging dahilan para magalit ako. pero kilala mo nga ba 'ko? o nagpapanggap ka lang na kilala mo nga ako?

hindi ako pabaya sa trabaho. siguro minsan, iniisip n'yo na pinagwawalang bahala ko yung mga bagay na dapat pina-prioritize ko kapag trabaho ang pinag-uusapan. pero mali kayo. hindi ako masaya kapag nade-delay ang mga reports ko. naranasan ko ng matambakan ng trabaho nung mga panahong pinapatunayan ko sa inyo na hindi nyo dapat ginagawang issue ang pag-o-overtime ko. dahil pare-parehas nating alam na sobrang dami talaga ng trabaho natin at hindi natin matatapos lahat sa loob lang ng walong oras kada araw. ewan ko sa inyo, pero para sa 'kin, may mali sa sistema. ang daming trabaho, kakaunti lang ang oras. bagong taon na. hindi pwedeng kagaya na naman tayo nung mga nakaraang taon. kailangang may mabago. kaya binabago ko ang style ko. gusto kong gumawa ng sariling sistema para matapos ang trabaho ko. hindi n'yo nakikita yun. kase ang nakikita n'yo lang eh yung gusto nyo'ng makita. yung pabor lang sa inyo. puro kayo reklamo, wala naman kayong ginagawa. magreklamo kayo kung inaabot din kayo ng hatinggabi sa opisina kagaya ko. maswerte nga kayo, nakakauwi pa kayo sa oras na gusto nyo'ng umuwi. palit kaya tayo? tingnan ko lang kung makaya n'yo!

madali lang akong kausapin. ang dali-dali ko nga lang lapitan kung gusto n'yo talaga. bakit ba kayo natatakot sa'kin eh ang bait-bait ko?!? masyado bang malakas yung personality ko? masyado ba 'kong maangas? masyado ba kayong nai-intimidate sa presence ko? masyado ba kayong natatakot kapag inaakala nyo'ng galit ako? sus! ako lang 'to! ang simple-simple lang ng mga bagay para sa'kin. kung may gusto kayong sabihin, sabihin n'yo lang. kung sa tingin n'yo masama ang ugali ko, sabihin n'yo. kung may gusto kayong ireklamo, ireklamo n'yo sa'kin ng derecho. wag n'yo na padaanin sa iba para tapos na ang usapan. para naman maitama ko yung maling iniisip n'yo tungkol sa'kin. para naman maipagtanggol ko yung sarili ko sa mga taong kagaya n'yo. ang simple lang di ba?

'eto lang naman yan, eh... kung sa tingin n'yo mali ako, tatanggapin ko ng buong puso yung pagkakamali ko. siguraduhin n'yo lang na kaya n'yong patunayan na mali talaga 'ko. dahil kapag alam kong tama ako, kahit saang argumento tayo makarating, ilalaban ko na tama ako. sutil ata ako! at matigas ang ulo ko sa alam kong tama!

at isa pa... tao ako sa mga totoong tao. pero hindi sa mga taong nag-aasal hayop. bati-bati tayong lahat. kung ano ang trato mo sa'kin, asahan mo, doble ang gagawin kong pagtrato sa'yo. kung mabait ka, mas mabait ako sa'yo. pero kung salbahe ka... well... ibang usapan na yun. tingnan na lang natin kung sino ang mas salbahe sa ating dalawa.

o sya, sige na... mahal ko kayong lahat. peace tayo!

Sunday, January 16, 2005

running shoes

i guarantee that we'll have tough times. and i guarantee that at some point one or both of us would wanna get out. but i also guarantee that if i don't ask you to be mine, i'll regret it for the rest of my life because i know in my heart, you're the only one for me.


arrrgggg!!!! these loves stories really suck! big time!!! why am i watching 'em anyways? still kind of torturing myself, ain't i? screw me! maybe i should go find some horror film to watch next time.


well... didn't we try to say these lines together back then?




Saturday, January 15, 2005

red

fact :
reading half of Paulo Coelho's Eleven Minutes and watching Pretty Woman is not a very bright idea. it makes people sad.

but then again, maybe i'm just talking shit. coz i have been sad weeks before i started reading the book. just looking at it was already making me sad. for some reason. but i was kinda in the mood to torture myself so i picked it up two days ago and started reading it. i can't believe the receipt states that i bought the book november 20th of last year, and i'm reading it just now. i guess i'm starting to lose interest in books. nah... can't be. almost impossible.

it's making me sad.
because i'm reminded of the person who told me to read that book. that's why i haven't touched until recently.

Pretty Woman was a very good movie. everyone says so. i say so. it's a classic. the first and the only time i've watched it was when i was about... i don't really remember. but it was years ago. it was the typical and-they-lived-happily-ever-after kind of thing. should make the viewers happy, i guess. i wanted to see it again hoping that it will somehow lift my spirits up and have a more positive view on certain things, specifically this little freaky thing called love... or falling in love to be even more specific. and life in general. but strange, it made me feel otherwise.

it made me sad.
because i was reminded of the person who mentioned that movie to me not so long ago, that made me want to see it again. i had a clearer view of that particular scene he told me about. oh well...

the book. the movie. the similarities. the sadness. the bit of confusion that's starting to build up... which i'm afraid will eventually lead to a bit of anger... and i don't know what else.

i've got so much to say. but i'm still picking up the trash. one day soon, i will be able to say it all. one day soon...



Friday, January 14, 2005

power up

the silence has been way too long...
it's time to pick up the trash.

Saturday, January 08, 2005

you'll be safe here

-rivermaya-

nobody knows just why we're here
could it be faith or random circumstance
at the right place at the right time
two roads intertwine

and if the universe conspired
to meld our lives
to make us fuel and fire
then know
wherever you will be
so too shall i be

close your eyes
dry your tears
coz when nothing seems clear
you'll be safe here
from the sheer weight
of your doubts and fears
weary heart
you'll be safe here

remember how we laughed until we cried
at the most stupid things like we were so high
but love was all that we were on
we belong

and though the world would never understand
this unlikely union
and why it still stands
someday we will be set free
pray and believe

when the light disappears
and when this world's insincere
you'll be safe here
when nobody hears you scream
i'll scream with you
you'll be safe here

save your eyes from your tears
when everything's unclear
you'll be safe here
from the sheer weight
of your doubts and fears
wounded heart
when the light disappears
and when this world's insincere
you'll be safe here

when nobody hears you scream
i'll scream with you
you'll be safe here
in my arms
through the long cold night
sleep tight
you'll be safe here

when no one understands
i'll believe
you'll be safe
you'll be safe
you'll be safe here
put your heart in my hands
you'll be safe here









"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com