-::- here i am... this is me -::-

Saturday, December 10, 2005

cd trip

ano kaya ang mararamdaman mo kapag narinig mong kinakanta ng 6 cycle mind ang alapaap, ni paolo santos ang magazine, ng imago ang spoliarium, ni barbi almalbis ang overdrive, ng southborder ang with a smile, ng sugarfree ang tikman, ni kitchie nadal ang ligaya, ni isha ang torpedo, ni francis m ang superproxy, ng orange and lemons ang wag kang matakot, ng sponge cola ang pare ko, ng mymp ang huwag mo nang itanong, ng cueshe ang hard to believe, ng radioactive sago project ang alcohol, ng brownman revival ang maling akala, ni rico j puno ang ang huling el bimbo, at ng pinagsanib na pwersa ng mga nabanggit na artists ang para sa masa... sasaya ka kaya?

plano ko nang bilhin ang cd na yan simula pa lang nung nalaman kong meron nyan... mga two weeks ago siguro. eh kase, isa sa mga paborito kong banda ang binibigyan ng tribute. pero sabi ko, wag muna ngayon dahil panahon ng kapaskuhan... madaming gastos. pag panahon ng pasko, mas priority ko'ng bumili ng mga ipapamigay kesa bumili ng mga bagay para sa sarili. syempre naman, christmas is a season for giving nga daw. sabi ko pa, next year na lang. sa unang sweldo ko next year, yan ang bibilhin ko.

kagabi... well... malapit nang mag-umaga so technically, nung isang gabi pa... nag-iikot ako sa megamall para mamili ng mga christmas gifts sa mga inaanak. nakaplano naman na yung bibilhin ko kaya mabilis lang. at dahil priority ko nga ang bumili ng regalo para sa iba, bumili ako ng black shoes para sa'kin. hehehe. syempre, alangan namang sila lang, di ba? kung pede namang ako rin, baket hinde? gusto ko pa nga sanang bumili ng pants kaya lang natamad na 'ko.

tapos, napadpad ako sa bilihan ng mga cd/vcd/dvd. ikut-ikot. wala naman akong balak bumili kase nga, hindi yun ang ipinunta ko dun. nakalusot na nga yung sapatos eh. dadagdagan ko pa ng cd/vcd/dvd eh hindi ko naman kelangan yun sa panahon ngayon. pero naaliw ako sa mga vcd na tigwawanhandred. bibili sana 'ko ng dalawang vcd ng ex kong si adam sandler kaso nakita ko naman yung mga vcd ng harry potter. nakipagdebate ako sa sarili ko kung yung sorcerer na lang ba ang bibilhin ko kesa yung mga sandler. naisip ko kaseng kelangan ko ng palitan yung mga pirated copies ko ng hp. teka, wag n'yo ko sunugin ng buhay. hindi ako ang bumili ng pirated vcd's na yun. nagising na lang ako isang araw na nandun na yun sa bahay namin. sa kalagitnaan ng debate, biglang umalingawngaw sa ere si kitchie, kumakanta ng ligaya. hindi ko pinansin. kunwari, hindi ko narinig. sabay kanta sa sarili ng "o tukso, layuan mo ako". pero ang hayuf na kung sinuman ang nagpapatugtog ng cd eh inisa-isa ang mga kanta. next-next kumbaga na parang may hinahanap na kung ano. tapos, huwag mo nang itanong naman ang tumutugtog. mymp. walang duda. hindi na effective ang pagkanta ko ng "o tukso, layuan mo ako" dahil masyadong malakas ang powers ng tukso. sabi ko sa sarili ko, mga paker kayo! baket kung kelang andito ako sa area, tsaka n'yo papatugtugin yan? eh pede n'yo namang patugtugin yan nang wala ako, yung hindi ko naririnig? tapos, nag-ikot ako, hinanap ang cd, tinignan ang presyo, napalunok, ipinikit ang mga mata ng 5 seconds, pumunta sa counter, binayaran ang cd bago pa magbago ang isip.

kaninang umaga... technically, kahapon ng umaga... habang nagpaplantsa ng pantalon na gagamitin sa pagpasok sa opis, pinakinggan ko ang cd for the first time. sulit. wala namang pagsisisi. panalung-panalo. parang ayoko na nga'ng pumasok at makinig na lang buong maghapon. pero hindi yun pwede. kaya binaon ko na lang ang cd sa opis at pinakinggan ko maghapon habang nagtatrabaho. at ngayon, sa kalagitnaan ng gabing hindi na naman ako makatulog, at sa kauna-uanahang pagkakataon pagkatapos ng halos isang buwang pagkakahiwalay kay carene, eto ako at nagsusulat ng isang ewan kung may kwentang article habang pinapakinggan pa rin ang cd. ang husay! kung sinuman ang nag-conceptualize ng paggawa ng album na 'to, maraming salamat sa'yo. ang ganda nya, pramis. kunwari na lang, christmas gift 'to ni reych sa'kin. hehehe.

11 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Ei, narinig ko kagabi yung tinutukoy mong mga awit habang ako ay papauwi na sakay ng fx. Tinanong ko nga sa hubby ko kung sino yung mga nagrevive ng mga kanta ng eraseheads dahil nagustuhan ko ang kanilang bersyon at dahil gusto ko rin ang mga kanta ng eraseheads. Di ko alam na may cd palang ganun. Tama ka panalo nga ito, nais ko ring bumili e. Magkano ba yun? Kaso ala nga rin ito sa aking budget.

-Heysiels-

10:03 AM  
Blogger shadowlane said...

trihandredpesos lang yun. bili ka na. pramis, sulit pera mo.

bili ka tas kunwari na lang, regalo yun ni sarah sa'yo. bwehehehehe.

10:19 AM  
Anonymous Anonymous said...

Tama, tama ka dun! Nyahahahah!!!!
-Heysiels-

8:15 PM  
Anonymous Anonymous said...

my friends & i love E-heads. buddy zabala came from the same college as i.

i still remember when i attended their concert at UP college of law. sa UP pa lang sila sikat nun. grabe, when they sang their 1st song, yung "in love na naman si shirley," ack! everybody stood up & shouted! hehe. :)

10:27 PM  
Blogger shadowlane said...

hehehe. nice.

eh sino ba naman ang hindi gusto ang eraserheads,di ba?

[yung mga may ayaw... wag nang pumalag. yari kayo. bwahahahaha]

12:14 AM  
Blogger shadowlane said...

bwahahahaha!

no comment na lang ako dyan. may prend akong super fan ng kushey, eh. baka bugbugin ako. wehehehehe.

10:03 AM  
Blogger shadowlane said...

sa butika! hehehe.

eh wala eh... dalang ka na mapasyal sa blog ko, salikwat pa. ipabalik mo na kase ang internet dyan sa opis nyo para masaya.

aba, wala naman akong sinabi kung sino yun. eh sino naman kaya yan???

1:07 PM  
Blogger C Saw said...

pa-rip. pa-share. fliiiizzzzzzzz.
:)

3:48 PM  
Blogger shadowlane said...

suportahan natin ang mga pinoy artists. bawal mag rip at mag share.

[damot mode bwahahahaha]

3:50 PM  
Blogger HANMAE said...

wow!...thats a good album..eheads is one of the best band the phils. had...so sad na wala na cla..

2:12 AM  
Blogger shadowlane said...

mismo!

8:50 AM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com