bakit
kagabi, mag-a-alas dose na pero gising pa rin ako.
madalas naman mangyari yun.
ako ang taong walang kahilig-hilig matulog.
naaaliw lang ako sa pagbabasa ng blog ng kung sinu-sino.
blog hopping.
kaya ang tagal ko sa internet.
eksaktong alas dose, dinapuan ako ng antok.
sinamantala ko.
pagkakataon ko na para matulog.
pag pinigilan ko, magtatampo yun.
at matagal na naman bago ako dalawin ulit.
kaya diniskonek ko ang internet.
pinatay ang laptop.
pinatay ang ilaw.
humiga.
pumikit.
gusto ko ng matulog.
pero kung baket, hindi ko alam.
pagpikit ko, biglang naglaho ang antok.
gusto ko na lang ulit mag internet.
pero natatamad na ko bumangon.
kaya nandun lang ako.
nakahiga.
nakapikit.
hinihintay ang pansamantalang pagkawala sa mundo.
wala naman akong iniisip.
hindi na lang talaga makatulog.
parang magic.
parang sumpa.
antok na biglang nawala.
ang tahimik.
walang ibang ingay.
yung ingay lang na nanggagaling sa electric fan.
tapos, bigla na lang.
may narinig akong boses sa isip ko.
boses ko yun.
nagsasalita.
nagtatanong.
ang sabi... bakit mo ko iniwan?
tapos, hindi ko namamalayan.
walang ka-warning-warning...
tumulo na lang yung luha sa mga mata ko.
nararamdaman ko na naman yung sakit.
na hindi ko alam kung sa'n nanggagaling.
bakit mo ko iniwan?
inabot na ng umaga.
masakit na ang mata ko sa pag-iyak.
hilo na rin dahil sa kawalan ng tulog.
pero wala pa ring sagot.
bakit nga ba?
This comment has been removed by a blog administrator.
Bagay sa iyo ang kantang Biglaan ng 6CycleMind.
Ako din palaging madaling araw ng matulog... hindi dahil sa me iniisip ako.. Me insomia ako.. Kaya kahit gustong gusto ko ng matulog dahil maaga pa ang pasok ko.. hindi pwede kasi ayaw pa ng mata at utak ko..
Biglaang Pag-alis.. oo palagi ko rin iniisip yan.. meron ngang line sa Kantang Biglaan ..
Hindi ba natin kayang magkunwari,
at sabihing sige na lang
Hindi ba natin kayang dayain,
Ang mga yakap sa tuwing lumalambingSinabi ko yan noon.. kaso.. ayaw nya.. kasi unfair daw.. unfair sa gf nya at unfair din sa akin...
Hayun.. hinayaan ko na lang umalis.. ang masakit... di naman sya lumayo.. kasi kaibigan pa nya ako hanggang ngayon.. mas masakit.
gucci handbags, oakley sunglasses, ray ban sunglasses, ray ban sunglasses, michael kors outlet, burberry handbags, chanel handbags, christian louboutin outlet, oakley sunglasses, tiffany and co, oakley sunglasses, tiffany jewelry, christian louboutin, longchamp outlet, longchamp outlet, ugg boots, louis vuitton, michael kors outlet online, uggs on sale, christian louboutin uk, nike air max, louis vuitton outlet, polo ralph lauren outlet online, uggs outlet, tory burch outlet, prada outlet, michael kors outlet, burberry outlet, nike air max, oakley sunglasses wholesale, ugg boots, michael kors outlet online, kate spade outlet, uggs outlet, replica watches, louis vuitton outlet, michael kors outlet online, longchamp outlet, polo outlet, michael kors outlet online, prada handbags, nike free, replica watches, louis vuitton outlet, cheap oakley sunglasses, nike outlet, louis vuitton
goyard bags
adidas tubular x
yeezy 500
golden goose sneakers
vapormax
nike air force 1 high
nike air max 97
michael kors factory outlet
golden goose slide
air max 2019