one year in the making
isang taon na pala... parang kailan lang. sobrang bilis nga ng panahon. yung akala mong nung isang araw lang nangyari, nung isang taon pa pala. ang galing!
99 articles... 100 kasama 'to.
694 comments.
55 links.
21 yahoo messenger contacts... lahat, nakuha ang ym id ko sa blog ko.
8,257 visitors... and counting... since 11 days after the blog was created.
dalawang beses nagpalit ng message board... hindi mabilang na tags.
dalawang layouts... salamat kay lexie sa layout na ginagamit ko ngayon.
maraming maraming maraming memories.
all in one year. the numbers will still be growing, for sure.
naaalala ko pa dati, pabasa-basa lang ako ng blogs. kaaliw magbasa. mahilig akong magsulat dati pero natigil. sabi ko pa, nawala ang talent. wala nang powers magsulat. pero sa kababasa, na-inspire din. ginustong magkaroon ng sariling blog pero walang tiwala sa sarili. nakakahiya. baka pagtawanan ang mga writings ko. so wag na lang. with the primary excuse being.. hindi na 'ko marunong magsulat. pero sabi ni kramer, kaya 'yan. sulat lang ng sulat. masaya mag-blog. mas masarap magsulat ng sarili mong articles kesa magbasa lang ng gawa ng iba. matagal bago ako na-convince gumawa ng blog ko. ngayon, after a year, eto na... salamat kay kramer sa malakas na convincing power.
salamat sa nagsimula ng lahat. salamat sa mga naging inspirasyon sa likod ng mga articles. kahit na ang pinakamaliliit na posts, may itinatagong kwento. may lalim. may asim.
salamat sa lahat ng mga nagbabasa. sa lahat ng mga napapadaaan ng hindi sinasadya. sa lahat ng sadyang dumadaan. sa lahat ng compliments. sa lahat ng puna. sa lahat ng natuwa, naluha, natawa, napraning. sa lahat ng mga tumulong sa akin na kumbinsihin ang sarili ko na marunong nga akong magsulat. sa lahat ng mga tumulong at nagturong pagandahin ang bahay ko. sa lahat ng mga naging kaibigan dahil sa blog.
marami pang susulatin, ikukwento, babasahin, pagsasamahan....
happy birthday stitches and burns! kabirthday pala kita! ilang beses na rin ako naspecial mention dito ah...
inay!!! walang anuman yun...parang kelan lang din na pinagtutulungan natin ang bagong anyo ng iyong tahanan...happy naman ako at nagustuhan mo...oh well sige sulat ng sulat....kasi dami ka rin naiinspire...dami kang natatouch...at madami kang napapangaralan na matitigas na ulong tulad ko! labyu inay
yung stitches and burns ang may birthday, hindi ako... eh kung ganun, baket ako nata-touch at naiiyak sa comment? hehehehe...
salamat, anak. kung hindi pa dahil sa blog, hindi pa tayo nagkakilala. tagal na rin, ano? hayy... labyu tu anak.
multo !!!!!!!!!!!!!
:D [pang ym din hehe]
eh ganun talaga. hindi maiiwasan minsan na low ang self esteem. wag kang magpanggap! aminin mong nangyayari din sayo yun. wehehehe.
may silbi ka... ikaw ata ang pinakamaganda kong kapatid. [patawad diche hehehe]
tats ako... sobrang tats... parang feeling ko na talaga tuloy eh ako ang may birthday. hahaha!
the lady of the house loves you too. pramis!
happy anniversary! ;)
thank you! :D
multo na naman!!!! paksyet!
Happy birthday stitches and burns!!! Shadowlane, aabangan ko pa ang mga susunod mo pang posts. Go girl!!!
-Heysiels-
haha salamat!
alam kong isa ka sa mga unang-unang nakakabasa ng mga posts ko. salamat sa pagsuporta kay stitches and burns. :)
Ang tatanda nyo na pala! Ako matagal pa ako bago mag-one year one.
Sulat nga lang ng sualt kahit mali spieling. masmaraming mali maskakatawa. may may tyansa matuto.
i look forward to reading more from u.
>:D< [pang YM din yan, kala nyo kayo lang!]
tatanda ka rin!!! hehehe.
imposibleng magkaroon ng maraming mali sa spelling 'tong blog ko. si anjiedy ang number 1 proof reader neto, eh. kaya magka-wrong spell man, nako-correct din agad. though marami pa ring natututunan sa ibang aspect.
salamat. sa matyagang pagbabasa. ;))
exclusive din naman pala ito eh hehehe...im so happy to meet you..kelan kaya? hehehehe
we'll see. hehehe. kita-kits tayo ni chum pag-uwi mo.
chocolate ko!!!
Inay, oo nga...alam mo ba may mga friends ako na kakaiba ang reaction nila kapag nagkwekwento ako sa mga "cyber" friends ko...iba ang opinion nila...iba ang tingin nila...bahala sila...basta ako masaya ako...uy anong chocolate yun ha...
Jegs,
uy andito ka...iakw ha [nudge][nudge]
oh well, yun naman ang importante.. yung masaya. basta walang nasasagasaan na tao along the way, keri na yun!
dadalhan daw tayo ni jegs ng chocolate pag-uwi nya. hehehehe.
maligayang kaarawan sa'yong munting tahanan...dun sa ym status mo akala ko one yr na kayo ng fafah mo...
God bless:)
Happy one year anniversary. Ano ba handa?
Ipagapatuloy mom ang pagsusulat. Darating ang araw ito ang magiging legacy mo sa sa lahing magmumula sa yo, sa Pinas at sa buong mundo.
Congrats.
j,
wehehehe. ikaw talaga, mukha kang fafah! joke! maraming salamat sa pagbati.
mypinoy,
thank you po sa pagdaan. tsaka na po yung handa, pag 100 years na. hahaha!
uy, legacy. parang masarap sa tenga yan, ah! hehehe. sige po, sisikapin pong sundin ang inyong sinabi. magpapatuloy sa pagsusulat hanggang may lakas at kakayanan pang sumulat :)
hindi pa po huli ang lahat. sa ika-100 anniversary pa ang handaan. wehehehe.
maraming salamat po. ikamusta n'yo po ako kay master yoda. :)
Joystiq @ TGS: Satoru Iwata's keynote speech and presentation in English
Nintendo has posted a translation of the entire keynote speech given by Nintendo CEO Satoru Iwata yesterday at Tokyo Game Show.
Hi, I was just checking out blogs and surfing through some and found you! I like your blog. I will book mark it and come back soon. If you are interested, go see my picture frame related site. It isnt anything special but you may still find something of interest.picture frame
multo na naman !!!!!!!!!!!!!
Happy birthday to your blog. Keep writing! Cheers!
thank you. will do. yeah, cheers! :)
Happy happy happy birthday sayong blog.. ang wish ko eh sana magka bahay at kotse na ako saka sana yumaman na ako.. yaan mo babalatuhan kita.. salamat! ingat!
This comment has been removed by a blog administrator.
salamat sa pagbati, chong! paangkas na lang pag may kotse ka na. pero interado ako sa balato. hahaha! ingat, pare!
huwag mo akong pasalamatan, tsong. ikaw lahat yan. sayo lahat yan.
masaya ako at nakita mo ang kagandahan ng pagsusulat. :)
salamat pa rin, tsong! kung hindi sa malakas na convincing power mo, hindi ko makikita ang kagandahan ng pagsusulat. :)