blangko
shadowlane14 (10/11/2005 7:36:03 PM): oist elma.. may nananawagan sayo sa tagboard ko
elma (10/11/2005 7:36:20 PM): saken?
elma (10/11/2005 7:36:22 PM): taka nga
elma (10/11/2005 7:36:28 PM): elma ang pucha
elma (10/11/2005 7:36:34 PM): nde na ko sanay na tawagin mo ng elma
elma (10/11/2005 7:37:47 PM): teepsee: asan na si anjiedy? bakit nde ko na nakikita ung
name nya sa tagboard? <-- uyy.. close
shadowlane14 (10/11/2005 7:39:04 PM): hehehe
elma (10/11/2005 7:39:36 PM): nakabisita ka na ba ulet sa Manor?
shadowlane14 (10/11/2005 7:39:47 PM): nde pa
shadowlane14 (10/11/2005 7:39:53 PM): yung blog ko nga, nde ko na halos nagagalaw
elma (10/11/2005 7:40:01 PM): pansin ko ren
wala lang... napansin ko lang na nangangalahati na pala ang october eh isang article pa lang ang naipo-post ko. parang hindi ako makapaniwala, pero totoong buhay na iisa pa nga lang.
pansamantala munang mawawala ang anino. sa anong kadahilanan? marami. hindi sa ayokong magsulat. gustung-gusto ko nga. pero sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, malamang na puro reklamo lang ang maisusulat ko. reklamo sa lablayb. reklamo sa trabaho. reklamo sa pamilya. siguro ang title ng article kung sakali eh reklamo. kaya wag na lang. tsaka wala akong oras. sobrang wala na akong oras kahit para sa sarili. ni wala na nga rin akong oras para magreklamo! hehehe.
ayan, pahinga muna sa pagba-blog. pero babalik din. pagkatapos ng maraming patalastas....
wehehehhee... inabot ako ng isang oras kakahanap sa lintek na logs na yan!
nasa conference pala amp kaya hindi ko makita. humingi pa ko ng tulong sayo. buti na lang gumana ng maayos ang memorya mo pagkatapos ng pagkawindang sa kakahanap. haha!
honga... goodluck sa life ko! hehehe
you'll be missed here in the blogosphere. hope you come "blog" soon. :)