-::- here i am... this is me -::-

Saturday, May 14, 2005

tipa ikalawang yugto

sa kabilang banda... ok din palang wala akong maisulat. pwede rin palang pakinabangan ang writer's block. dahil nagkakaroon ng oras magbasa. nabasa ko ang blog ko mula sa pinakaunang post hanggang sa pinakahuli. ang dami ko na palang articles na naisulat sa loob ng nakaraang walong buwan.

masarap din palang magbasa ng sariling gawa paminsan-minsan. nakakatuwa. nakakatawa. nakakalungkot. nakakaiyak. nandun pa rin ang ngiti. nandun pa rin ang sakit.

tapos, naisip ko... habang binabasa ko kaya ang blog ko, may ibang tao rin kayang kasabay kong nagbabasa nito?

21 Comments:

Blogger hoyjonah said...

ah..reminiscing. d ko masyado trip basahin ung mga luma kong naisulat.nabwibwiset lng kc ako at mapapaisip, "ako b nagsulat nito?!"
hehe..pero meron pa ring nagbabasa :D

11:54 AM  
Blogger shadowlane said...

hehehe. sarap lang balikan. totoo nga yung kasabihan na some things never change. but in this case, some feelings never change.

1:13 PM  
Blogger Plue said...

hmm. malamang. ^__^

ako ayokong basahin ulit mga entries ko. ang kokorni. parang gusto ko ngang burahin e. hahaha

3:01 AM  
Blogger shadowlane said...

hahaha! wag mo burahin, sayang. pwede ngang korni yan para sayo pero para sa iba, hinde. minsan, babasahin ko lahat yan. lagot ka sakin. hehehe.

8:31 AM  
Anonymous Anonymous said...

meron ding mga pagkakataon na parang hindi ikaw ang nagsulat ng isang sanaysay at tula lalo na pag hindi mo maalala kung bakit mo iyon naisulat. nakakapagpabagabag ang mga ganoong bagay.

1:17 PM  
Blogger shadowlane said...

totoo nga ang iyong tinuran. maswerte ko pa rin sigurong maituturing ang sarili ko dahil hindi pa nangyayari sa akin ang ganyang bagay. sa katatapos na pagbabalik-tanaw ko sa mga lathalaing naisulat ko ng mga nakaraaang panahon, buhay na buhay pa rin ang mga alaala... nakatatak pa rin sa isip ko ang pinagmulan ng bawat katagang naisulat... at naroon pa rin sa aking pagkatao ang lahat ng damdaming pinaghugutan ng bawat artikulong naisulat.

[para kay sir: hehehe.. syet, kung nababasa mo lang siguro 'tong isinulat ko dito, malamang, maipagmamalaki mo na ako sa pagsasalita ng tagalog. mahirap sya, totoong buhay. bwehehehe]

1:25 PM  
Anonymous Anonymous said...

sadyang magaling nga ang iyong pananagalog, kaibigan. at nagagalak din akong tunay na nakaukit pa rin sa iyong alaala ang bawat damdamin at kahulugan ng mga salitang lumabas sa iyong pluma. ang saganang akin siguro'y may mga lathalain akong resulta lamang ng matinding pangangailangang maglabas ng mabigat na damdamin at pagkadaka'y pinalilipad na rin sa hangin.Ü

4:17 PM  
Blogger shadowlane said...

wahahaha! ikaw ulit? hindi na kaya ng powers ko ito. hirap na hirap ako kanina mag-compose nung reply sa unang comment mo.

anyway... salamat sa pagbisita. pangalawang pagbisita, actually. i tried visiting your blog, but there was something wrong with the url. sinadya ba yun or what?

4:21 PM  
Blogger - litol figgy - said...

nagmamaganda lang siguro ang blogspot. hehehe.

3:01 PM  
Blogger shadowlane said...

huh?

hindi hehe... kulang talaga yung url. try mo i-click yung name nya.

bwhahaha. patulan ko ba talaga? hehehe.

3:03 PM  
Blogger - litol figgy - said...

waha. my bad. hindi pala kasi siya nakalagay sa displayed blogs. non-existent na yung luma. punta ka po dito: www.stark-naked.blogspot.com

siya.patulan natin ang isa't isa. hehehe.

3:09 PM  
Blogger shadowlane said...

sows! ikaw pala yun. hehehe. kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang ulan sa gitna ng star studded sky. tama?

3:11 PM  
Blogger - litol figgy - said...

talaga? may ulan sa aluyan ng mga bituin? paano nangyari yun? hehehe.

magsagutan daw ba sa comments board. labo.

3:16 PM  
Blogger shadowlane said...

hahaha! honga, labo. ginawang chat box eh, noh?

3:17 PM  
Blogger fen said...

masaya pakinggan ang inyong talastasan. (pwede na ba?) haha! bago me dito and i like your blog shadowlane. writer's block? dami ko nyan. muntik ko na ngang pangatawanan yong one entry per month na rate ko eh. kaso ampangit tingnan sa archives. kaya ayun, kahit wala, post pa rin.. masundan lang yong una. haha! I don't have that many posts sa blog pero dati pa ako nagsusulat the old fashioned way. Minsan pag feeling senti, sige, basa ng mga dating sinulat. Most of them sound corny pag lipas na yong moment pero minsan nakakatawa din basahin... maiisip mo, ganito ba nafeel ko non? hindi naman ah? tapos, ganito ba ako kahina sa English? (daming grammatical errors tapos yong sentence construction, sama!) enyways, harinawa ay wag kang tumigil sa iyong mga sanaysay. hanggang sa muli... *hek hek*

9:23 AM  
Blogger shadowlane said...

wehehehe... oo, pwede na!

ganda nga balikan yung mga super lumang writings kase makikita mo pati yung progress mo sa pagsulat. hehe. corny man, eh wala.. ganun yung naramdaman dati eh.. ganun talaga. labo? hahaha!

ang daya... hindi ko ma-access blog mo :(

9:28 AM  
Blogger fen said...

bakit kaya? feneline@blogspot.com(?)

9:47 AM  
Blogger fen said...

at hek hek ulit, gawin ba talaga nating message board to?

9:48 AM  
Blogger shadowlane said...

hehehe... eto na ata ang bagong purpose ng comment page... ang maging message board. hahaha!

ahhh... it should be http://feneline.blogspot.com

9:50 AM  
Blogger fen said...

ibig ko mang mamalagi pa rito ay hindi maari, sapagkat ang aking sikmura ay kumakalam na! di pa ako breakfast! FOOOODDDD!!!

9:53 AM  
Blogger shadowlane said...

wahahahaha! sama ako dyan!

9:54 AM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com