magic flakes
sabi ni mj (isang sira ulong nilalang na kasama ko sa work. hehehe. biro lang, lola!), ang magic flakes daw, pagkain ng dukha. sobrang natawa ko sa reason nya kung baket naging pagkain ng dukha ang magic flakes. sa sobrang katuwaan eh nakalimutan ko kung ano yung sinabi nyang reason. at kanina ko pa iniisip kung ano nga yun. hindi ko talaga maalala. tinanong ko na rin sya kung ano nga ba yun pero nakalimutan na rin nya. hayyy...
masarap ang magic flakes. lalo na pag sasabayan mo ng mainit na kape. LALO na pag IHAHALO mo sa mainit na kape. yung medyo matamis ang pagkakatimpla para mas masarap.
sino ba nakakaalam kung ano ang tawag dun sa parte ng magic flakes na ... yung ano... yung madali mo sya mahahati kase parang hati na sya. pero hindi rin, eh. hindi sya hati pero pag hinati mo, mapuputol sya ng even... magiging tatlong piraso yung isang magic flakes mo. at pantay-pantay ang hati nya dahil nga dun sa ... demmit... kung sino nakakaalam kung ano tawag dun... please lang, pakisabi sakin kung ano!!!
asan na nga ako??
ahh... sa masarap na pagkain ng magic flakes at kape. madali lang gawin 'to. di ba ang magic flakes, apat ang laman? ah, siguro kaya sinabi ni mj na pagkain ng dukha yun eh dahil apat ang laman. di kagaya ng skyflakes na tatlo lang. eh kung ganun, ano ang tawag sa skyflakes, pamatid gutom ng sosyal? hmmm... pwede!
anyway... timpla muna ng kape. dagdagan ng mga tatlong butil yung normal na dami ng asukal na nilalagay mo sa kape mo para medyo matamis. tapos, kuha ng dalawang piraso ng magic flakes. dapat pantay ang paghawak para pantay din lahat pag hinati. hatiin sa tatlo. (ang sabi nung isa kong officemate, ang tawag daw sa parte ng magic flakes na madaling hatiin eh perforation. hindi ko lang sigurado kung papaniwalaan ko ang sinabi nya dahil parang wala yata sya sa matinong pag-iisip kagaya ko) di bale anim na piraso na. tapos, hawakan ng mahigpit at hatiin ulit sa gitna. wala na kong magagawa pag hindi na sya pantay-pantay, at hindi na rin importante yun. tip: itapat sa coffee mug (na may lamang coffee) ang magic flakes sa huling paghati para hindi masayang yung maliliit na piraso. tapos, sabay-sabay na ihulog sa kape ang mga magic flakes na pinaghirapan mong hatiin. hayaan mong mag-absorb sila ng kape pero wag mo masyado papatunawin dahil hindi na kaaya-ayang kainin yun. dapat tamang-tama lang ang pagkakabasa nya ng kape. tapos, pwede mo ng kainin ang masterpiece mo. (kelangan gumamit ng kutsara dahil mahirap yun kainin sa pamamagitan ng kamay) unti-unti lang ang pag-inom ng kapeng pinaghugasan mo ng magic flakes dahil may second batch pa. nakalimutan mo na bang apat ang magic flakes mo? pag naubos na yung mga lumulutang-lutang na magic flakes sa kape mo, pwede mo ng kunin yung natitirang dalawa at ulitin ang proseso. pag naubos na ulit, pwede mo ng inumin yung kape. wag kang mag alala dahil malinis yan kahit mukhang madumi. maarte ka lang talaga at gusto mo pang hinuhugasan yung magic flakes mo bago kainin. tip ulit: masarap yung mga maliliit na piraso ng magic flakes kaya diskartehan mo na lang na maisabay sya sa huling lagok ng kape mo.
ayan... tapos na kong kumain. at 5:30 na... uuwi na ko.
I am going to the store now to see if I can find some magick flakes.
Snapping out,
d
oh great... now i wish i have said it all in english. :)
i can send you magic flakes if you want to.
Magic Flakes? A new cereal???, or fish food?
it's soda crackers, my dear :)
robert d! i remembered just now that you have a filipina girlfriend, so i guess you know what the post was all about :-)
hay...........miss ko na yan, ate. sana dyan ako ulit pwede ba pa share? miss ko na ang kape, 1 year na kong walang kape & magic flakes.
haha! pwedeng-pwede. pag-uwi mo dito, babaha ng magic flakes and kape para sa'yo.
anjiedy... mainit naman para maiba. di ba umiinom ka naman ng mainit na kape basta ako nagtimpla? :)
kahit kelan! gusto mo ngayon na, eh! sabihin mo lang kung kelan mo gusto :-)
gucci handbags, oakley sunglasses, ray ban sunglasses, ray ban sunglasses, michael kors outlet, burberry handbags, chanel handbags, christian louboutin outlet, oakley sunglasses, tiffany and co, oakley sunglasses, tiffany jewelry, christian louboutin, longchamp outlet, longchamp outlet, ugg boots, louis vuitton, michael kors outlet online, uggs on sale, christian louboutin uk, nike air max, louis vuitton outlet, polo ralph lauren outlet online, uggs outlet, tory burch outlet, prada outlet, michael kors outlet, burberry outlet, nike air max, oakley sunglasses wholesale, ugg boots, michael kors outlet online, kate spade outlet, uggs outlet, replica watches, louis vuitton outlet, michael kors outlet online, longchamp outlet, polo outlet, michael kors outlet online, prada handbags, nike free, replica watches, louis vuitton outlet, cheap oakley sunglasses, nike outlet, louis vuitton