-::- here i am... this is me -::-

Saturday, October 22, 2005

i love you, sabado

kung estudyante ka, malamang paboritong araw mo ang sabado dahil walang pasok. ito ang araw kung kelan hindi mo kelangan mag-aral. pede kang tumambay o matulog maghapon. pwede mong ipahinga ang katawan at isip sa pressure na dulot ng mga subjects at teachers na malupet.

kung trabahador ka naman, [trabahador... taong nagtatrabaho] malamang parati mong inaabangan ang sabado dahil kagaya ng mga estudyante, sabado rin ang araw kung kelan pede mong ipahinga ang katawan at isip sa pressure na dulot ng trabaho at boss na malupet. kung isa kang trabahador na mahilig gumimik, hindi byernes ang favorite day of the week mo kundi sabado, dahil pede kang magpa-sarap buhay pagkatapos ng mahabang gabi ng pag-gimik.

sa kaso ko, may pasok ako ng sabado kaya hindi applicable sa'kin ang walang kwenta kong sinabi kanina. hehehe. pero pede na rin dahil pede na kong umuwi ng alas tres. wala ring masyadong ginagawa sa opis kaya pedeng semi-tambay. magpanggap na lang na busy para hindi halatang nangungupit ng oras sa kumpanya.

sa nakalipas na limang buwan, nasanay na ako nang nakikita at nakakasama ka pag sabado. dati, bumibyahe ka pa mula maynila papunta'ng mandaluyong para lang sabayan akong mag-lunch. nakakatuwang isipin na parang mas matagal pa ang byahe mo kesa sa oras na magkasama tayo. pero ayos lang sa'yo. ewan ko ba kung ano ang meron sa'kin at ginagawa mo yun. masaya naman. effort itoh.

hindi nagtagal, ang saturday lunch, napalitan ng mas mahabang oras ng pagsasama. after office na tayo nagkikita. sabado din nun nung dinala mo 'ko sa bayan mo. byahe pa lang, apat na oras na. lupet. pero ayos lang. masaya, eh. biglang nami-miss ko ang dagat.

hindi ko ugaling makitulog sa bahay ng may bahay. hindi sanay. pero ewan ko ba... hindi nagtagal, nakasanayan ko na ring matulog sa bahay mo pag sabado. masarap ka kase katabi sa pagtulog. kahit na malikot ka minsan. [anong klaseng likot kaya yan hehe]. tsaka kahit na corned beef or sardinas na may itlog lang ang dinner natin, at pancit canton ang breakfast kinabukasan, ayos pa rin. masarap pagsaluhan ang chocolate pagkatapos. pero mas gusto ko yung pakiramdam na kasama ka. kahit ano pa. kaya nga tayo may "i love you, sabado", di ba?

dalawang sabado na kitang hindi nakikita. nagkikita naman tayo ng ibang araw pero iba pa rin pag sabado. siguro nga dahil nakasanayan na. parang hindi na kumpleto pag wala. birthday ng lola mo kahapon [happy birthday!] kaya kinailangan mong umuwi sa bayang sinilangan. parang nung isang sabado din. pero ganun talaga. paminsan-minsan, kailangang lumihis sa mga bagay na nakasanayan.

hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo ngayon. siguro nakikipag-bonding sa mga friends. o baka nagkakape. o wala lang.

o baka kasama mo pa rin sya... ang taong ipinagkasundong mapangasawa mo in the future. [insert kulog with matching kidlat] nandun ka sa bahay n'ya kanina, at sa pagkakaalam ko eh lalabas kayo... kagaya rin ng paglabas n'yo last week. pero sa totoo lang, sya ang taong hindi ko siguro pag-iisipan ng masama kahit ano'ng mangyari. mahal ko na nga ata s'ya. siguro dahil parte na s'ya ng buhay mo kahit nung wala pa 'ko. at alam kong hindi s'ya mawawala. at alam ko ring nagmamahalan kayong dalawa. at dahil mahal kita, mahal ko na rin ang mga taong mahal mo. isa na s'ya dun. kahit pa nga sabihing s'ya ang kasama mo ngayon imbes na ako. pero siguro, dahil na rin sa statement na sinabi n'ya... na for the first time, hindi s'ya bitter na may girlfriend ka... na para na rin n'yang sinabing hindi s'ya bitter na ako ang girlfriend mo. [pakisabi, salamat]

kanina, sobrang na-miss kita. dahil nga alam kong hindi kita makikita ngayon. sa sobrang pagka-miss ko sa'yo, nasabi ko tuloy na kumain ka sa jollibee para may i love you, sabado pa rin kahit papa'no.

masyado ko atang sineryoso yung sinabi ko. ang ending, pagkagaling ko sa office, nangingiti akong pumasok sa jollibee. at mag-isang kumain ng chicken joy. at parang naririnig ko sa isip ko yung batang kumakanta ng "i love you, sabado".



*** ito ang isa sa mga pagkakataong pakiramdam ko, nag-iisa ako sa mundo. malungkot akong kumain ng pagkaing masaya [chicken joy]. at for the first time in my life, kumain ako sa fastfood ng nag-iisa. imagine-nin n'yo na lang kung ga'no kalungkot yun. ***

Tuesday, October 18, 2005

bulaklak

kahit pansamantalang nagpaalam...
hindi kayang palampasin...

Image hosted by Photobucket.com

hindi mo alam kung ga'no mo 'ko napasaya...
maraming salamat sa mga bulaklak.

Friday, October 14, 2005

blangko

shadowlane14 (10/11/2005 7:36:03 PM): oist elma.. may nananawagan sayo sa tagboard ko

elma (10/11/2005 7:36:20 PM): saken?
elma (10/11/2005 7:36:22 PM): taka nga
elma (10/11/2005 7:36:28 PM): elma ang pucha
elma (10/11/2005 7:36:34 PM): nde na ko sanay na tawagin mo ng elma
elma (10/11/2005 7:37:47 PM): teepsee: asan na si anjiedy? bakit nde ko na nakikita ung
name nya sa tagboard? <-- uyy.. close

shadowlane14 (10/11/2005 7:39:04 PM): hehehe

elma (10/11/2005 7:39:36 PM): nakabisita ka na ba ulet sa Manor?

shadowlane14 (10/11/2005 7:39:47 PM): nde pa
shadowlane14 (10/11/2005 7:39:53 PM): yung blog ko nga, nde ko na halos nagagalaw

elma (10/11/2005 7:40:01 PM): pansin ko ren



wala lang... napansin ko lang na nangangalahati na pala ang october eh isang article pa lang ang naipo-post ko. parang hindi ako makapaniwala, pero totoong buhay na iisa pa nga lang.

pansamantala munang mawawala ang anino. sa anong kadahilanan? marami. hindi sa ayokong magsulat. gustung-gusto ko nga. pero sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, malamang na puro reklamo lang ang maisusulat ko. reklamo sa lablayb. reklamo sa trabaho. reklamo sa pamilya. siguro ang title ng article kung sakali eh reklamo. kaya wag na lang. tsaka wala akong oras. sobrang wala na akong oras kahit para sa sarili. ni wala na nga rin akong oras para magreklamo! hehehe.

ayan, pahinga muna sa pagba-blog. pero babalik din. pagkatapos ng maraming patalastas....



Sunday, October 02, 2005

pussy

ayan ka na naman, ha?
nakatingin ka na naman sa'kin
na parang may masama kang balak.
minsan, hindi ko maiwasang isipin
na may gusto ka sa'kin.
kras mo ba 'ko?
may mga tingin kang
parang gusto mo kong kainin ng buhay.
o dilaan mula ulo hanggang paa.
hmmm....
minsan, bigla ka na lang lalapit
at didikit ng walang pakundangan.
nakakagulat pa
dahil bigla-bigla lang,
nasa tabi na pala kita
nang hindi ko man lang namamalayan.
sipain kaya kita palayo?
wag, bayolente.
kawawa ka naman kung sakali.
pero sana, kung pwede
wag naman ganyan.
hindi maganda yang iniisip mo, eh.
sa iba mo na lang ibaling yan.
kase, hindi naman tayo pwede.
dahil tao ako, miming...
hindi ako pusa.

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com