-::- here i am... this is me -::-

Monday, September 19, 2005

bond


i love it when you do that ...
... do what?
when you play with my hand, it's cute ...
... hmmm. ok, i'll keep that in mind.

Friday, September 16, 2005

one year in the making

isang taon na pala... parang kailan lang. sobrang bilis nga ng panahon. yung akala mong nung isang araw lang nangyari, nung isang taon pa pala. ang galing!

99 articles... 100 kasama 'to.
694 comments.
55 links.
21 yahoo messenger contacts... lahat, nakuha ang ym id ko sa blog ko.
8,257 visitors... and counting... since 11 days after the blog was created.
dalawang beses nagpalit ng message board... hindi mabilang na tags.
dalawang layouts... salamat kay
lexie sa layout na ginagamit ko ngayon.
maraming maraming maraming memories.

all in one year. the numbers will still be growing, for sure.

naaalala ko pa dati, pabasa-basa lang ako ng blogs. kaaliw magbasa. mahilig akong magsulat dati pero natigil. sabi ko pa, nawala ang talent. wala nang powers magsulat. pero sa kababasa, na-inspire din. ginustong magkaroon ng sariling blog pero walang tiwala sa sarili. nakakahiya. baka pagtawanan ang mga writings ko. so wag na lang. with the primary excuse being.. hindi na 'ko marunong magsulat. pero sabi ni
kramer, kaya 'yan. sulat lang ng sulat. masaya mag-blog. mas masarap magsulat ng sarili mong articles kesa magbasa lang ng gawa ng iba. matagal bago ako na-convince gumawa ng blog ko. ngayon, after a year, eto na... salamat kay kramer sa malakas na convincing power.

salamat sa nagsimula ng lahat. salamat sa mga naging inspirasyon sa likod ng mga articles. kahit na ang pinakamaliliit na posts, may itinatagong kwento. may lalim. may asim.

salamat sa lahat ng mga nagbabasa. sa lahat ng mga napapadaaan ng hindi sinasadya. sa lahat ng sadyang dumadaan. sa lahat ng compliments. sa lahat ng puna. sa lahat ng natuwa, naluha, natawa, napraning. sa lahat ng mga tumulong sa akin na kumbinsihin ang sarili ko na marunong nga akong magsulat. sa lahat ng mga tumulong at nagturong pagandahin ang bahay ko. sa lahat ng mga naging kaibigan dahil sa blog.

marami pang susulatin, ikukwento, babasahin, pagsasamahan....

Saturday, September 10, 2005

taguan

sabi nila, ang tao daw, hindi pwedeng mabuhay ng nag-iisa. kailangan ng katuwang. ng kasama. ng katropa. walang duda, naniniwala ako sa sabi nila.

may mga panahon din namang nabuhay kang walang kasama. masaya rin kung tutuusin. wala kang iniintindi kundi ang sarili mo lang. kumikilos ka para sa sarili mo. walang inaasahan kaya mas pursigido kang harapin ang lahat ng hamon ng buhay. kung magkagipitan man o malagay sa isang alanganing sitwasyon o gumawa ng isang palpak na hakbang, wala kang ibang masisisi kundi ang sarili mo.

pero habang tumatagal, unti-unti mong nakikita ang kakulangan. hindi na masayang ipagdiwang ang tagumpay ng mag-isa. hindi na rin nakakabuti sa'yong sarilinin ang mga problemang dumarating.

ang solusyon... buksan ang pinto palabas ng mundong binuo mo para sa sarili mo. malalaman mong mas marami pa palang magagandang bagay ang pwede mong maranasan at matutunan kasama ng ibang tao sa paligid. kaya pinag-aralan mong makisalamuha sa iba. makisayaw sa tugtog. makisaya sa mga naliligayahan. makisimpatya sa mga nalulungkot. at nakita mo ang kaibahan ng nag-iisa sa may kasama. di kalaunan, nakumbinse mo ang sarili mo na oo... mas masarap ngang mabuhay kapag hindi ka lang nabubuhay para sa sarili mo.

ang isang kaibigan, naging dalawa. naging barkada. naging tropa. at dumami pa ng dumami hanggang sa hindi mo na mabilang. natutunan mong makisama. sa paglipas ng panahon, natutunan mo ring mamuhunan ng emosyon. binuksan mo ang puso mo para papasukin ang mga gustong pumasok. may mga pagkakataon ding may lumalabas at hindi na bumabalik. mahirap kapag dumarating ang ganitong pagkakataon. pero kailangang tanggapin. kasama yan sa proseso.

ngayon, iba na ang mundong ginagalawan mo. hindi ka na nag-iisa. sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras, may kasama ka. kapag masaya ka at gusto mong ipagsigawan sa mundo ang nararamdaman mo, may mga taong makikisaya at makikitawa sa'yo. kapag nalulungkot ka naman at gusto mong may karamay sa pag-iyak, may balikat kang pwedeng sandalan. may mga kamay na pwedeng kapitan sa oras ng kagipitan. yun ang akala mo. dahil yun ang itinatak mo sa isipan mo nung magdesisyon kang isama ang buong mundo sa mundong binuo mo para sa sarili mo.

minsan, nakakatawang isipin na sa dinami-dami ng mga taong nakapaligid sa'yo, may mga oras pa ring makikita mo ang sarili mong nag-iisa. kung kailan pang hindi ka na sanay mabuhay ng mag-isa. may mga pagkakataong kailangan mo ng makakapitan pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, yung mga taong inaasahan mong parating nandyan para sa'yo, na inaakala mong sasalo sa'yo kapag nahuhulog ka na sa kawalan, sabay-sabay na nawawala. naiintindihan mo naman na may kanya-kanya din silang problema. may iba't ibang lungkot at sakit ding kinakaharap. hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. sila, meron din. wala kang ibang pwedeng gawin kundi unawain yun. at tanggapin. tanggapin ng maluwag sa dibdib na sa kabila ng lahat, nag-iisa ka pa rin.

tapos, makikita mo na lang ang sarili mo na nagpapakalunod sa kape. nagpapakahilam sa usok na nanggagaling sa sigarilyo mo. kinakausap ang sarili. nag-iisip ng malalim kung saan ka ba nagkamali. saang aspeto ka pumalpak. hanggang sa unti-unti ka na palang nawawalan ng lakas. dahan-dahan ka na lang na nilalamon ng dilim. ng kawalan. yuyuko ka na lang. at mararamdamang umiiyak ka na pala. magdadasal ka na lang na sana, matapos na ang lahat. suko na sa laban. talo na. may mga pagkakataon pang sasabihin mo na lang na sana sa pagtulog mo, hindi ka na magising ulit para wala na. tapos na. sa likod ng isip mo, nandun ang tanong kung nasaan na sila. nasaan sila sa mga sandaling kailangan mo ng karamay. sa mga sandaling kagaya nito.

nasaan kayo?

Friday, September 02, 2005

h.b.t.y.

birthday mo.
happy birthday sa'yo!

hindi ko alam
kung maa-appreciate mo pa
kapag binati kita.

kaya dito na lang...
dito na lang kita babatiin.

at least, dito...
sigurado ako, hindi mo makikita 'to.
mas ok, di ba?

hindi ako mag-e-expect ng "thank you"
or ng kahit anong positive reaction.

wala ka mang isagot sa pagbati ko,
hindi ako masasaktan o malulungkot.
o kung anuman.

ayoko namang hindi ka batiin.
kaya tama, dito na nga lang.

wala lang.
basta.
ewan!

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com