sugat
tinanong kita. ang sabi ko... magiging masaya ka ba kapag naging tayo na ulit?
sumagot ka. ang sabi mo... baket natanong? nag-iisip pa ako. siguro, oo.. pag maayos na ako..
sinagot kita. ang sabi ko... gusto ko lang pasayahin ka ulit. kung capable pa 'kong gawin yun. naisip ko, kung aantayin kong bumalik ka, baka hindi yun mangyari kase may kundisyon. may fear na baka pumalpak ka na naman at hindi matupad yung sasabihin mo kung sakali. kaya ako na lang. kakainin ko na yung pride ko at lahat ng sinabi ko. tapos, tatanungin kita... pwede ka na bang bumalik sakin?
hindi ka na sumagot.
nakaramdam ako ng sakit. napaisip. hanggang sa nakita kita ulit. sakit. lungkot. na itinago sa galit na anyo. pinilit kong wag umiyak nung niyakap mo 'ko. minsan ko na kaseng nasabi sa sarili ko na hindi na 'ko iiyak. gusto kong panindigan yun. kahit mahirap. kinakalkal ng maraming tanong ang utak ko. baket hindi mo na 'ko sinagot? ano ang ginagawa ko sa kama mo? baket ako matutulog na katabi ka? ano ba tayo? sumagot ang utak ko. wag ka na lang magtanong. makuntento ka na lang na kahit papa'no, magkasama pa rin kayo. kahit papa'no, alam mong andyan lang sya. malapit sa'yo. malay mo, bukas... baka sakali.
friends tayo.
declaration. statement. finality. masakit pakinggan. parang ansarap kotrahin. pero siguro nga, mas magandang gan'to na lang muna tayo. hindi nag-aaway. magkabati. kahit ilang beses na tayong muntik mag-away kanina habang magkasama tayo. alam ko, kung wala tayo sa sitwasyong ganito, away na yun. ramdam ko naman na nagpipigil ka lang. pinipilit mong wag magalit sa mga palpak kong ginagawa at sinasabi. alam ko yun dahil ganun din ako. lahat ng butas, pinalagpas ko. alam kong nagtataka ka kung baket parang ibang tao ako. iba ang expression ng mukha. iniisip mo siguro, galit kaya ako? o baka naman labag sa kalooban kong sumama sa'yo kaya ganun? napilitan lang kumbaga. pero ang totoo, nalulungkot ako. hindi dahil kasama kita. nalulungkot ako sa katotohanang kasama kita pero iba na. kung hindi mo nakita ang lungkot sa mga mata ko, mahusay. pwede na 'kong mag-artista.
pero kahit ganito na lang tayo, pwede ko pa ring sabihing masaya ako kapag kasama ka. masarap pa rin yung pakiramdam pag hawak mo yung kamay ko. masarap pa ring ihilig yung ulo ko sa balikat mo habang nanonood ng sine'ng hindi ko naman talaga gustong panoorin pero mas mahalaga sa'kin yung oras na kasama ka kaya ok lang. masarap pa ring kasabay ka sa pagkain. masarap pa ring isiping pinaglalaanan mo pa rin ako ng oras. kung sana lang, pwedeng hindi na matapos.
pero ang pinakamasarap isipin sa lahat ng pwedeng isipin... na mahal mo pa rin ako. sana, tama ako. na hindi ako dinadaya nung naramdaman ko kanina habang hawak ko ang kamay mo. na pwede ko pa ring sabihing malay mo... bukas... baka sakali.
ouch...
ang hirap naman nyan....
haha!
ayos lang naman... kaya pa.
ang sad naman nito. snip. snip.
*hugs*
isinulat talaga yan para mandamay ng kalungkutan.
epektib naman. hehe.
saan ka ba kase nag-umpisang magbasa? sa taas o sa baba? hehehe.
(parang surprise)
not exactly. parang ano lang... sa blog nalaman, sa blog pa rin nalaman. gets?
alam ko naman yun. kaya pa. yata.
there will be time i won't be waiting for you... but my heart still wishes for you.
alam mo na rin yun di ba?
abutu!
mahal pa rin..
mahal na mahal.
pramis?
pramis.
:)
haaay...yun lang ang masasabi ko....haaay....
haaay na nga lang...
nakakaiyak naman to....:( sad.....nakakarelate ako