it's complicated
complicated.... ayos yan. yan nga siguro ang pinakamagandang description ng situation natin ngayon.
masaya ako nitong mga nakaraang araw. nakakatulog ng maayos. panatag ang isip. pero ngayon, sabi ng relo, 2:28 na ng umaga. pero heto at gising na gising pa rin ako. hindi na naman ako dinadalaw ng antok. balik na naman sa dati. hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw, magkakasakit na naman ako.
pero paano nga ba naman ako makakatulog eh kauuwi-uwi ko lang. mga tatlumpung minuto siguro ang nakakaraan. matagal-tagal na rin akong hindi umuuwi ng ganitong oras. sa kagustuhang maglibang at magpalipas ng oras, at sige na nga, makalimot kahit sandali, napagpasyahan kong makipagkita kay boylet. ilang oras din kaming magkasama. masaya sana dahil ngayon lang ulit kami nagkita pagkatapos ng maraming buwan. pero pakiramdam ko, madaya ako. dahil sya ang kasama ko pero lumilipad naman ang isip ko. anong klaseng kaibigan ba ako?
sabi ko pa sa kanya, hindi man lang talaga ako tinext ng hayup na yun. yun eh pagkatapos kong maglabas ng sentimyento at sama ng loob. sabi nya, eh bakit hindi mo itext. ang sagot ko, ayoko... dahil hayup din ako.
maraming bagay na akong hindi naiintindihan. matalino naman ako, pero kung bakit hindi ko naiintidihan, hindi ko alam. kahit anong pilit ko... kahit anong gawin ko para maisaayos ang lahat, nauuwi at nauuwi pa rin sa gulo. eto na naman ako... nasisilip ko na naman ang mga bagay na ginagawa ko. nasa akin nga yata ang deperensya.
minsan, nahihirapan na akong magdesisyon. kahit sa maliliit na bagay. siguro dahil may takot na baka mali ang kalabasan. magsasalita ba ako o tatahimik? liliko ba o dederecho? iiyak ba o pagtatawanan na lang ang mga nangyayari? magtatanong o magsasa-walang bahala? ewan. ang labo.
"feeling ko, you're writing too much from within. just don't know if that's the purpose of blogs."
statement yan ni sir. may pagka-english kaya hindi ko maintindihan. ano kaya ang ibig sabihin nyan? paano ba malalaman kung too much? pag nagsusulat ba, dapat "semi" from within lang? positive ba yan o negative?
may nakapagsabi sa akin na kung meron daw akong gustong sabihin, sabihin ko na lang. wag ko nang isulat. wag ko nang i-blog.
pero hindi na ganun kadaling magsalita. lalo na kapag hindi ka sigurado kung may nakikinig sa'yo. may mga taong nagpapanggap na nakikinig pero hindi. may mga taong nakikinig pero hindi iniintidi yung pinapakinggan. may mga taong nasa kalagitnaan ka pa lang ng sinasabi mo, masahol kung nag-uumpisa ka pa lang, tapos hahadlangan ka na. mas masarap magsulat. dahil kapag nagsusulat, hindi ka aasa na may nakikinig sa'yo. hindi ka maghihintay ng pagbabago. hindi na mahalaga kung may makakabasa o wala. ang importante, nasabi mo kung ano ang gusto mong sabihin nang walang inaasahang reaction galing sa kahit na sinong tao. ikaw at ang keyboard ang nag-uusap. walang kakayahang sumagot ang keyboard kaya hindi ka naghihintay ng sagot kung may tanong ka man. pagkatapos mong magsulat, gagaan ang pakiramdam mo kahit papa'no. mas madaling mangusap ang mga daliri ko. kaya gusto kong magsulat. dahil ang pagsusulat lang ang totoong kakampi ko. ang pagsusulat lang ang hindi nagsasawang makinig sa mga sinasabi ko. eto lang ang maaasahan kong makasama hanggang dulo.
sa susunod na pagsilip ko, it's complicated pa rin kaya ang makikita ko? o baka single na ulet.
got it???
i think so
:D
[sad to say, i don't believe in "right" words anymore. i doubt if "right" even exists... abu tu]
sa tingin ko, okei ang ginagawa mo.. naniniwala din ako sa paniniwalang, ang pagsusulat nakakagaan ng loob.. nakakapagpalaya ng mga itinatagong emosyon na di ganun kadali masabi.. at tanging pagsusulat lamang ang magiging kakampi mo kahit kailan...
panalo!
hehehe. yan ang gusto ko sayo, tsong, eh! ilang beses ko na bang nasabi sayo na you never fail to make me smile?
ano nga yung isang kanta ng itchyworms na pinagkatuwaan natin nung isang araw?
... bawat patak, anong sarap... ano ba talaga'ng mas gusto mo... ang beer na 'to o ang pag-ibig ko ...
wehehehe. naaliw ako masyado. bigla ko tuloy nilagay sa blog.
[q = kuy]
wehehehehe
kasi naman dapat married nalang o o kaya domestic partner it's complicated amp!
puede na yun, sapat na para 'di makasakit...
wala ako masasabi na makakapagpagaan ng loob mo.
pero sa palagay ko ginagawa ka n'yang mahusay na manunulat ha!!!
i think lang nho?
wat chu tink? :D
wa
mismo!
hehe.. tama cia.. isa ka nang magaling na manunulat!
salamat po.
actually, binayaran ko ang taong yan para maglagay ng magandang comment. binigyan ko ng isang case na pop.
wehehehhee....