-::- here i am... this is me -::-

Tuesday, December 07, 2004

tulog

ang daya mo. tinulugan mo na naman ako. nagkukwentuhan lang tayo kanina, ah! sabay din tayong kumain. ipinagluto pa kita ng paborito mong lucky me instant pansit canton with toyomansi kase mas gusto mong kumain nun kesa sa tinatawag mong sinigang na "buto". ang lakas mo sa'kin, 'noh? nagulat pa 'ko kaninang pagdating ko galing sa office dahil nandito ka sa bahay. hinihintay mo ba talaga 'ko? sige, iisipin ko na lang na hinintay mo talaga ang pagdating ko. masarap atang isipin na ganun nga!

masama ang pakiramdam ko kanina pero ewan ko ba... pagkakita ko pa lang sa'yo, nawala na agad ang pagod ko. kahit maysakit ako, bigla akong gumagaling. may magic yata yang mga kamay mo, eh. isang hawak lang, biglang ok na 'ko. hinatian mo pa 'ko kanina ng poncan mo. hindi ka pumayag na hindi kita saluhan. tinakot mo pa 'kong hindi mo kakainin yun pag hindi ko kinain yung kalahati na bigay mo. sabi ko na nga ba, mahal mo ko, eh.

alam mo, sanay ako sa puyatan. madamot ang antok sa'kin. madalas akong hindi nakakatulog sa gabi. pero mas ok palang mapuyat habang pinapanood ang pagtulog mo. ang cute mo talaga habang natutulog. may mga sandali pang napapangiti ka. napapanaginipan mo ba 'ko? uy... aminin.

haayyy... bakit nga ba mahal kita? siguro, hindi mo maiintindihan sa ngayon kapag sinabi ko yung nararamdaman ko para sa'yo. ano ba'ng meron sa'yo? a, ewan! basta! ang alam ko, masaya ako kapag kasama kita. kapag naririnig ko yung tawa mo. kapag nakikita ko 'yung ningning sa mga mata mo. masarap ka kasing kasama. madali ka lang patawanin. madaling pasayahin. walang kahirap-hirap i-please.

ok nang ganito na lang muna. tsaka ko na sasabihin sa'yong mahal kita, kapag sigurado na 'kong maiintindihan mo kung ano ang ibig kong sabihin. kalabisan nga sigurong hilingin na sana, sa'kin ka na lang. dapat makuntento na lang ako kung ano tayo ngayon. basta, dito ka lang, ha? wag ka munang mawawala.

sa palagay ko, wala ngang tulugan 'to. hindi ko talaga maiwasang tumingin sa'yo. pwede bang dito ka na lang ulit matulog bukas?


- para kay ipe

6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

akala ko kung sinong mahal
ang pinakapaboritong bata pala
para sa unang asawa ko, makisabi miss ko na din sya
really, children make wonders!
thumbs up to u & to ur fave kid in the world!

ditse

11:21 PM  
Blogger shadowlane said...

hehehe... effective! just as i planned. ang lakas mampeke, noh? miss ka na rin siguro nito. bukas, paggising nya, ipapaalala kita.

11:27 PM  
Blogger shadowlane said...

abu too. wahahhaa!!! hindi na sya nag-a-abu ninang ngayon. nahihiya na sya. hehehe.

9:31 PM  
Anonymous Anonymous said...

ehhh...hello!
naaalala pa ba ko ng unang asawa ko?
ilang taon na nga sya?

1:32 PM  
Blogger shadowlane said...

seven years old na sya :)

1:39 PM  
Blogger oakleyses said...

swarovski, montre pas cher, ugg,ugg australia,ugg italia, canada goose outlet, canada goose outlet, converse outlet, ugg pas cher, louis vuitton, moncler, canada goose, hollister, gucci, converse, supra shoes, nike air max, ray ban, louis vuitton, canada goose, louis vuitton, canada goose jackets, pandora charms, moncler outlet, vans, moncler, louis vuitton, replica watches, karen millen uk, louis vuitton, pandora jewelry, juicy couture outlet, doke gabbana, moncler outlet, hollister, canada goose outlet, thomas sabo, pandora jewelry, wedding dresses, marc jacobs, barbour uk, ugg, lancel, swarovski crystal, ugg,uggs,uggs canada, pandora uk, canada goose, juicy couture outlet, moncler uk, canada goose uk, toms shoes, ugg uk, links of london, coach outlet, barbour

9:26 AM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com