si carene
naka-internet. nakatingin sa monitor. nakatingin lang. naka-online sa ym at msn pero hindi sumasagot sa mga IM. isnabera mode on. gustong magsulat pero hindi alam kung saan magsisimula. magulo ang isip. inaantok pero ayaw matulog. nakatatlong stick ng yosi, sunud-sunod, walang patayan. nagpapakamatay? siguro. bumili ng bagong libro kanina pero hindi naman binabasa. constantine ni john shirley. ewan ko ba. nakatambay ako sa bookstore kanina, bigla ko na lang binili. walang pakundangan. may dalawa pang bagong libro na naluluma na pero hindi pa nagagalaw. a painted house ni grisham at the rescue ni sparks. na-realize kong may bago pala akong hobby: bumili ng libro at ipila sa kabinet. ansaya. nasisiraan na ata ako ng ulo. o baka sinasapian ng kung anong elemento.
may bagong tao sa buhay ko, si CV. bagong nagdudulot ng ngiti. bagong nagbibigay ng atensyon. bagong inspirasyon. bagong nagpapaganda ng araw. bagong nagsasabi sa'kin na mahal ako. baka ang itim na rosas, maging pula na ulit. papayagan ko ba? maniniwala pa ba 'ko? o isa na namang kalokohan? isa na namang mananakit pagdating ng araw? ewan. mahirap nang sumugal ulit. wag na muna. tsaka na lang.
tapos... tapos...
wala na. blangko na naman. yosi na lang ulit.
***inaalay ko ang post na 'to kay carene. bakit? wala lang. gusto ko lang. isang pasasalamat sa pagiging saksi sa masasayang araw sa buhay ko. higit sa lahat, sa walang sawang pagdamay nya sa'kin sa oras ng kalungkutan.***



![[angels & demons]](http://img.photobucket.com/albums/v650/shadowlane/angelsanddemons.jpg)
![[the da vinci code]](http://img.photobucket.com/albums/v650/shadowlane/davinci.jpg)

wala lang! lolz
English version please :)