-::- here i am... this is me -::-

Thursday, December 30, 2004

bertdey bertdey!!!

birthday ko na!!!!
lahat ng babati, may libreng kiss. hehe

[translation]

it's my birthday.
all gifts are welcome.

hahahahahahaha!!!

Wednesday, December 29, 2004

slumbook


"si bes at ang bes nya... nung bata pa sila"





february 10, 1989

to gerald,

thank you very much for letting me to write here.

love,
richard




dedication ko yan sa slumbook ni best friend nung first year high school kami. hindi pa kami mag best friend nun. totoo, classmates kami since kinder pa pero first year high school na kami nagsimulang maging close. college na kami nung napagdesisyunan naming maging best friends. napilitan nga lang ata yun eh. sinabihan ko kase sya ng "ikaw ang best friend ko" kaya wala... wala syang choice kundi gawin din akong bestfriend.

tawa kami ng tawa sa phone nung pinag-uusapan namin ang tungkol sa slumbook. ewan kung ano ang naisipan ng lukaret na yun at bigla-biglang nangalkal ng mga lumang gamit.

ang sagot ko sa space para sa TELEPHONE eh NONE. kung ngayon ako papasagutin ng slumbook at may tanong na ganito, tatlong set of numbers ang ilalagay ko : office phone, house phone, at mobile. o di ba? ang laki ng pagbabago. pero kung sakaling wala pa rin akong phone number eh hindi NONE ang ilalagay ko kundi N/A. none applied. bwahahahhaha!!! [napraning]

punta tayo sa FAVORITES...

hobbies : P-E-D-R-O-S
anlufet!!! teka, iisipin ko kung ano ibig sabihin nyan... sana tama ako...
playing-eating-dancing-reading-outing-singing.
syet!!! hehehe. alam kong isang malaking kabulastugan ang sagot na yan pero wala akong magagawa. yan ang uso dati. walang pakialamanan.

favorite book : english books.
pero wag ka... ang english book na tinutukoy ko dyan eh yung textbook namin sa English I. nakakahiya atang isulat na ang mga binabasa kong libro nung mga panahong yun eh ang mga obra nina gilda olvidado, helen meriz, and the likes.

favorite dish : native.
native na ano? native na manok? hehe. native ata kase mukhang native ang hitsura ko. basta! wala siguro ako maisip isagot kaya native na lang.

favorite sport : ball games.
totoo 'to. kahit gaganito-ganito lang ako eh magaling ako mag-volleyball. nakaka-miss maglaro. basketball, pede rin. baseball. sipa bola. o wag ka umangal. ginagamitan ng bola yun kaya ball game pa rin yun. jackstones. o baket? may bola rin naman yun a!

favorite pet/animal : dog, bird.
akalain mo nga naman. first year high school pa lang ako eh mahilig na pala talaga 'ko sa bird. hehe.

favorite place : clean places.
obvious... produkto yan ng kawalan ng maisasagot. ano ba naman ang isasagot ko dyan eh wala naman akong ibang alam na lugar kundi bahay at school? isama mo na ang simbahan para tatlo.

favorite friends : good people like you [referring to bes]
hindi talaga ako friendly dati. masyado akong mahiyain. sabi nga ni bes eh hindi daw nya akalain na magiging ganito ako kakulet kase sobrang tahimik ko daw dati sa klase. tatayo lang pag magre-recite, magsi-cr at magre-recess. kung ibabase mo sa kung ano gaano ako kakulit ngayon eh ibang-iba sa sobrang bait ko naman dati. wag ng umangal... mabait talaga 'ko kahit noon pa.

favorite color : colors of nature.
aba, nature lover!!

favorite cartoon character : popeye

favorite tv program : many.
etong many na 'to, hindi ko alam kung bakit ko 'to isinulat. wala akong kahilig-hilig sa tv dati. ni hindi ko nga alam kung kelan kami unang nagkaroon ng tv. basta ang natatandaan ko eh kapag gusto kong manood ng tv, kelangan ko pang pumunta sa kabilang bahay [bahay ng mga pinsan ni mommy] para makinood. nakakatamad ata yun. hindi naman masyadong interesante ang tv. [asus!! tamad ka lang talagang maglakad]

favorite film : many.
isa na namang kasinungalingan. hehe. kung tv nga, di ako nakakapanood eh. film pa?!? san ba pinapanood yun? o baka naman film na nilalagay sa camera ang tanong na 'to. kung yun nga eh mas lalong malabo dahil wala kaming camera nung araw.

[ang tumawa sa mga susunod kong sasabihin... bwakanangbits kayong lahat!!!]

favorite actor : cris villanueva

favorite actress : kristina p.
syempre, pag my cris, may kristina

favorite song : hand in hand.
matay ko mang isipin, hindi ko maalala kung ano 'tong kantang 'to. ayon sa matinding pagsisiyasat, ang kantang 'to daw ang theme song ng THAT'S ENTERTAINMENT. hand in hand, we stand... blah blah blah blah blah. tama! yun nga yun! naalala ko na nga.

akalain mo yun??? JOLOGS NA JOLOGS AMPOOTAH!!!! hehehehe. ayan sige.. pwede ng tumawa. tawa pa!!!


describe yourself : look at me na lang.
tainang sagot yan. hehe.

what traits do you like in a person: good traits like honest.

who is your crush : richard o.
hanep, derecho sagot. sabi nga ni bes eh ang kakapal daw ng mga mukha namin dahil ipinangangalandakan ang pangalan ng mga crush.

what attracted you the most : his good traits.
malamang, honest na tao 'to.

happiest moment : when i was born.
ako ay isang gifted child. alam ko na ang pakiramdam ng "happiest moment" nung kalalabas ko pa lang sa mundong ibabaw. para bang sinabi kong WOW, KAPAPANGANAK PA LANG SAKIN. ANG SAYA-SAYA KO NAMAN!!! pakinsyet. bwahahahaha!

seryoso ng onte...

hindi ko akalain na minsan pala sa buhay ko eh naging unforgettable place/person ko ang church/jesus christ.

kagila-gilalas!!! kahit sila, hindi rin makapaniwala gaya ko. pero panigurado, totoo ang sagot ko dito. parang gusto ko na tuloy magpakabait ulit. hehehe.

ok, back to regular programming...

what is a friend? : someone who loves you.
yeah, right.

what is love? : love is the most important thing in me.
sino lalaban? hehehe.

what is your greatest dream/ambition? : to be an honored student.
aba!!! ambisyosa! at take note... honored!!

famous people you've seen or met : my crush [joke only]
hehehe. hindi ko akalaing sikat pala sya. at literal na may [joke only] talaga yung sagot ko. buti naman. kung seryoso yan eh baka nabigwasan ko na ang sarili ko.

if you had three wishes, what would they be? : to have more friends, to finish my study.
hehehe. ang sabi, three daw. eh bat dadalawa yang sagot ko??? binali-baligtad ko na yung page pero wala talaga eh. dalawa lang talaga. at nagsisimula ng sumablay ng tuluyan ang english ko. to finish my study yurpeys. hehehe.

most embarrassing moment : when i fall down from the tree
bwahahahahaha! eto, seryosong nakakahiya na 'to. sino'ng mag-aakalang ang una kong "what do you want to be when you grow up?" eh "to become an english teacher?" kaya sa mga taong nagsasabing magaling daw ako sa english eh eto ang patunay na nagkakamali kayong lahat.

motto : what is beauty when brain is empty.
o, ha? laban kayo dyan? defense mechanism yan ng mga panget!! hehehe. napaghahalata. pero in fairness, kahit sablay sa english eh yan na ang pinakamatinong motto sa buong slumbook na yun. pangalawa lang ang walang kamatayang mottong alam kahit ng mga langgam na TIME IS GOLD.

wala na. tapos na.

si richard nga pala ang aking ultimate crush nung mga panahong yun. ahead sya sa'min ng one year at kapitbahay sya ng pinsan kong nakatira sa may tapat ng simbahan. [as if naman alam nyo yun]

si gerald naman ang ultimate crush ni bes nung mga panahong yun. isa syang maliit na tao na may dedication na "thank you a lot for writting in this autograph book". malupet masyado ang dedication na yan, hindi kinaya ng powers ko.

kaka-miss. parang gusto ko ulit bumalik sa high school.

Tuesday, December 28, 2004

bertdey bertdey!!!

happy birthday to the coolest mommy in the world.
i love you so much.
damn, how i miss you!

Saturday, December 25, 2004

merry christmas

merry christmas everyone.

merry. i should be happy. everyone is. well, i'm happy somehow. christmas day is one of the happiest days for me. it always is.

a part of me is happy. i've given so much today. it feels good. really good. i think i've made a lot of people happy, too. that feels good... twice.

some of the gifts are still with me. i didn't get the chance yet to see the people these gifts are for. maybe tomorrow. or the day after. or... i'm not really sure.

i'm happy.

but as much as i don't want it, a part of me is sad, too. lots of reasons. it's odd because i have reasons to be happy but i have a lot more reasons to be sad. on christmas day. what a life.

i miss my mom.

i miss my angel.

i miss my friends that i don't see anymore.

crazy, but i miss my sweet thing. dammit. he made me cry just a few minutes ago.

all the calls that i've made today have been taken except for one - the second most important one, the first being the call i've made to my mom. ahh... one gift might stay with me forever. i have a feeling that i won't be able to give out this one because i might not be able to see him again. why? no reason. just a feeling.

i think there is something that i must have done but i wasn't able to. i just don't know what it is exactly. sigh.

an hour more and this day will be over. a brand new day. i'm just not sure if it will be a brand new feeling. i hope so. i wasn't supposed to be sad. i don't even know why i feel this way. might be pms. hell, yeah. that must be the reason.

where is my fairy dust when i need it the most?

merry christmas, all!










Tuesday, December 21, 2004

caramel

ito ay isang masayang araw. pasko na!!!! yahoong-yahoo!!!!
har! har! har!

kausap ko si ditse kanina sa ym.. at ang tanong ng mahadera kong kapatid... baket daw parehas kaming har har har kung tumawa ng bunsong kapatid naming si ganda. sabi ko... eh sister eh! san ka pa? kaya dapat pag tatawa ka, har har har na din para kumpleto na ulit ang mga anghel ni charlie. HAR! HAR! HAR!

seryoso... masaya 'ko kase nakita ko si mannix pagkatapos ng mahabang panahon... hmmm... kung mahabang panahong maituturing ang pitong taon, eh di sige... mahabang panahon nga!!!

ni sa hinagap [ika nga ni jonie], hindi ko naisip na makikita ko pa sya ulit. alam kong nandyan lang sya... medyo nasa malayo pero nandyan lang. nagpaparamdam pero malabong makita. parang multo. parang pangarap na pwedeng abutin pero mahirap. pero kanina, nag text ang lolo... hihintayin daw nya ko sa galleria ng lunch time. aba! magmamaganda pa ba 'ko? syempre hindi na. maraming beses na 'tong nangyari pero hindi natutuloy. papalampasin ko pa ba eh andun na sya? syempre... go fly ang lola!

sa mga malalapit kong kaibigan... alam nila kung ano si mannix sa buhay ko. at malamang, alam nila kung gaano ako kasaya ngayong nakita at nakasama ko sya ulit.

dalawang oras. dalawang mushroom soup. isang family pan pizza. isang basong iced tea. isang basong pepsi. at 'sangkatutak na kwentuhan. nagtawanan. binalikan ang nakaraan. [uyy... nakaraan daw hehe] nagsenti. nagtitigan. naghawakan ng kamay. nag... kwentuhan ulit. pitong taon yun! kung isasama sa bilang ang halos tatlong taon na magkasama kami dati eh pumapalo ng sampung taon ang pinagusapan namin sa loob lang ng dalawang oras.

ang saya-saya!!!!

pero ang saya, napalitan ng lungkot nung kailangan na nyang umalis. ang hirap ngang bitiwan ng kamay nya nung kailangan na naming maghiwalay. ang lungkot dahil kakaunti lang yung oras na magkasama kami. bitin. kulang. ang lungkot din dahil aalis na sya at hindi ko alam kung babalik pa. kung babalik man, kelan? pagkatapos ng pitong taon ulit? ang tagal naman nun. pwede ko sya'ng bigyan ng dahilan para bumalik agad. sagutin ko lang ng OO ang tanong nya KUNG PWEDE BA, sigurado, babalik agad yun. may kasama pang pramis! pustahan pa tayo kung gusto mo?!?

nami-miss ko na sya. totoong buhay. pero ngayon lang 'to. bukas, balik sa dati ang ikot ng mundo... na parang walang nangyari.






Sunday, December 12, 2004

miss

may nami-miss akong tao.
hindi ko nga alam kung bakit ko s'ya nami-miss.
nami-miss din kaya n'ya 'ko?
tanungin ko kaya?!?
wag na.
hahayaan ko na lang.
lilipas din.

Saturday, December 11, 2004

my sweet thing

A smile that says it all
is what you give
something that breaks the silence
and makes the heart long for more.

Dazzling eyes, pretty face
kind heart that's full of love
a promise of something that lasts a lifetime
i can never ask for more.

Rough times and long days
all these i can endure
as long as i start the day with you
things will always be good.

I find myself lucky
because you came into my life
to bring a smile on my face
something i didn't have for a long time

Another day has come to an end
it's time to bade goodbye
and look forward to the next day
to see you again

Now i say a little prayer
to be with you someday
to see that smile you have for me
that will never fade away.

Tuesday, December 07, 2004

tulog

ang daya mo. tinulugan mo na naman ako. nagkukwentuhan lang tayo kanina, ah! sabay din tayong kumain. ipinagluto pa kita ng paborito mong lucky me instant pansit canton with toyomansi kase mas gusto mong kumain nun kesa sa tinatawag mong sinigang na "buto". ang lakas mo sa'kin, 'noh? nagulat pa 'ko kaninang pagdating ko galing sa office dahil nandito ka sa bahay. hinihintay mo ba talaga 'ko? sige, iisipin ko na lang na hinintay mo talaga ang pagdating ko. masarap atang isipin na ganun nga!

masama ang pakiramdam ko kanina pero ewan ko ba... pagkakita ko pa lang sa'yo, nawala na agad ang pagod ko. kahit maysakit ako, bigla akong gumagaling. may magic yata yang mga kamay mo, eh. isang hawak lang, biglang ok na 'ko. hinatian mo pa 'ko kanina ng poncan mo. hindi ka pumayag na hindi kita saluhan. tinakot mo pa 'kong hindi mo kakainin yun pag hindi ko kinain yung kalahati na bigay mo. sabi ko na nga ba, mahal mo ko, eh.

alam mo, sanay ako sa puyatan. madamot ang antok sa'kin. madalas akong hindi nakakatulog sa gabi. pero mas ok palang mapuyat habang pinapanood ang pagtulog mo. ang cute mo talaga habang natutulog. may mga sandali pang napapangiti ka. napapanaginipan mo ba 'ko? uy... aminin.

haayyy... bakit nga ba mahal kita? siguro, hindi mo maiintindihan sa ngayon kapag sinabi ko yung nararamdaman ko para sa'yo. ano ba'ng meron sa'yo? a, ewan! basta! ang alam ko, masaya ako kapag kasama kita. kapag naririnig ko yung tawa mo. kapag nakikita ko 'yung ningning sa mga mata mo. masarap ka kasing kasama. madali ka lang patawanin. madaling pasayahin. walang kahirap-hirap i-please.

ok nang ganito na lang muna. tsaka ko na sasabihin sa'yong mahal kita, kapag sigurado na 'kong maiintindihan mo kung ano ang ibig kong sabihin. kalabisan nga sigurong hilingin na sana, sa'kin ka na lang. dapat makuntento na lang ako kung ano tayo ngayon. basta, dito ka lang, ha? wag ka munang mawawala.

sa palagay ko, wala ngang tulugan 'to. hindi ko talaga maiwasang tumingin sa'yo. pwede bang dito ka na lang ulit matulog bukas?


- para kay ipe

Sunday, December 05, 2004

Q

"q.. san may murang motel? need a place to stay eh"

"sa pasig, madami. alam ng mga taxi drivers yun"

"sorry if i offended you"

"no harm done. i was just answering your q"

"sarcastic, eh"

"not my intention. like i said, i was just answering your question in the simpliest way i can. sorry if i offended you, then"

"no need for your explanation. thanks, anyway"

"sure"




i wonder... may mali ba sa sagot ko? aling part ang sarcastic? tsk.. tsk...

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com