-::- here i am... this is me -::-

Monday, May 23, 2005

what's up, manila?!!!

kasalukuyan akong nanonood ng bonez tour concert ni avril lavigne sa kapamilya channel. kasama simple plan. at dahil concert talaga ni avril yun, simple plan ang unang nag-perform. eh feeling ko, nasa concert ako samantalang sa tv lang naman ako nanonood. hehehe. eh kase naman, ramdam ko pa ang excitement, ang pagod, ang pagpapawis at pagsakit ng lalamunan kakasigaw kasama si bes dun sa concert. simple plan pa lang, wala na akong lakas. may avril pa. pagod. paos. medyo nahirapan umuwi. pero sobrang enjoy. march 31, 2005. masyadong exciting ang araw na yun.


mga past 2 a.m. yun. kasarapan ng pagtulog ng may narinig akong ingay. akala ko may away. hindi ko pinansin. normal lang kase sa'min ang paminsan-minsang pagkakaroon ng away pag ganung oras. lalo na pag may nag-inuman.

pero boses ng tito ko yung naririnig ko. at ang isinisigaw... sunog! sunog!

syempre, nataranta ang natutulog kong nerves. ang naisip ko agad, aksyon 'to! aksyon nga, dahil less than a hundred meters lang ang layo nung scene sa bahay namin. creepy. nakakapanindig balahibo yung laki ng apoy. yung sigawan ng mga tao sa di kalayuan. yung pagsabog ng mga kung anu-ano. yung init sa mukha na akala mo andyan lang sa tabi mo yung sunog. at ang mas nakakakilabot pa... walang serena. hindi yung serena sa dagat, tange! yung serena ng bumbero! imagine-nin mo na lang na may isang malaking sunog sa malapit tapos wala kang naririnig na kundi ingay ng mga natatarantang tao at nasusunog na bagay. wala man lang ingay ng mga sasaklolo. scary. siguro mga 10 minutes kong pinanood yung sunog kasama si
ipe bago nag sink in sa'kin na may mas importante akong dapat gawin kesa manood lang.

tawag si tatay sa libis, humingi ng saklolo sa mga kapatid nya. may takot sa boses, parang nasisigaw na ewan. to the rescue naman yung bayaw nya kasama yung apat kong pinsan. habang busy sina tatay at ang tatlo kong kapatid sa pagbabalot ng mga damit at paglalabas ng mga gamit sa bahay, busy naman ako sa kakapaikot-ikot kakaisip kung ano ang gagawin ko. ganun pala yun. pag nasa gitna ka ng panganib, hindi mo maiiwasan matanta. dumating ako sa point na parang gusto kong mag throw up sa takot. pero hindi magandang idea ang matakot sa ganitong eksena. inakay ko muna si nanay, lola ko sya sa totoong buhay, palabas ng bahay papunta sa safer place, ika nga. tapos, focus.

ano ba'ng dapat kong unahin? appliances? damit? bahala na sila dun. isip ng mabilis. documents! buti na lang, sama-sama lahat ng papel sa isang metal box. kuha backpack, lagay lahat ng kasya. wallet. wallet ni nanay. mga wallet ni nanay. na-discover kong tatlo pala ang wallet nya hehe. old people. mga alahas na bigay ni mommy. cellphone. laptop. ano pa??? syet, ano pa?? yung mga regalo ni angel. pero masyadong malaki yung box. set aside muna. bitbitin na lang pag talagang masusunog na ang bahay, sabay bulong, wag naman sana. wala na sana akong interes ilabas yung mga damit ko. nakakatamad. hahaha. pero sabi ng better judgment ko, kelangan ko i-save lahat ng kayang i-save. tapos, feeling ko all set na. hintay na lang ng mga susunod na mangyayari. sabi nga eh, bahala na si batman. kung aabutin ng apoy ang bahay, malas. kung hindi naman, salamat. tapos, bigla ko naalala... ang mga libro! taena.. ang mga anak ko!! hehehe. balik ako ng bahay, bitbit backpack. ibinilin ko sa isang pinsan ang laptop. tapos yung mga libro, inilagay ko ng ubod ng ayos sa isang malaking transparent na plastic bag. tapos, stand by ulet. tatawagan ko sana si mommy pero ayoko sya mag-alala so quiet na lang.

well, wala naman masyadong nangyari. napatay din ang apoy eventually. masaya. it was quite an experience. ok din palang nakaka-experience ng mga ganung bagay once in a while. nakikita mo yung capacity mong magbuhat ng mga hindi mo kayang buhatin in normal circumstances. at nare-realize mong kahit gaano ka pala ka-cool eh marunong ka rin matakot. pagkatapos ng kaguluhan, nag-umpukan ang mga relatives and prends sa kubo. may nagtimpla ng dalawang pitsel na kape, may bumili ng tinapay sa 24 hours na bakery. tapos, sangkaterbang kwentuhan as expected. mga past 4 na ata napatay yung apoy. ang daming bloopers. nagtawanan na lang pagkatapos ng mahigit dalawang oras na pagkataranta. sabi ko na nga ba, aksyon eh. may mga ilang gabi ko ring nakita sa pagtulog yung apoy. may instances pa na nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi na akala ko, may sunog na naman. yun pala, panaginip. ganun yata talaga yun.

hindi ako nakapasok sa trabaho nung araw na yun. yung less than thirty minutes na paglalabas ng mga gamit sa bahay, inabot ng isang buong maghapon para ibalik sa dating ayos ang lahat. nakakapagod. pero ayos na rin. salamat pa rin. kesa naman walang bahay na ibabalik sa dating ayos.

tapos kinagabihan, punta sa fort para sa concert. at ngayon, pinapanood ulit ang concert sa tv. walang kasawa-sawa hehe. at dahil sa concert na 'to, naisip kong magsulat. baket nga ba hindi ko naisulat ang tungkol dito dati? ewan....

17 Comments:

Blogger mellowpop said...

ay ganda ng concert sarap manood lalo na libre mo!!yey!!tulog na sana ko eh..status ko.."already sleeping" pero nakita ko bago at mainit init mo pang article..kaya eto naki post..hehe! buti nlang noh di ka inabot ng sunod naku...kundi la akong kasama sa concert!!

1:54 AM  
Blogger shadowlane said...

malakas ka ata sa'kin kaya inililibre kita parati sa concert. bwahahaha. as if!

but it was fun watching it with you. di bale, sa susunod, hindi na ikaw ang isasama ko. haha joke.

sa totoo lang, natuwa ako kase nag comment ka. yun lang.hihihi. love you, bes!

2:33 AM  
Blogger tasty toast said...

hay naku! masaya talaga yang ganyan. eto naman akin. kasagsagan ng mga bagyo, landslide, tsunami at kung anu-ano pang mga aksidente nung last year. kami naman eh malapit nakatira sa tabing dagat. remember mo pa ba yong bagyong naging super typhoon? so yon, binulabog buong bikol non. ewan ko ba kung bakit naman kasi, kung kelan tapos na yong bagyo, tulog na ang lahat, saka naman merong kung sino na bigla na lang daw nagsisigaw sa pier na meron daw paparating na buhawi. aba't siyempre, ang mga officials naman namin, kanda-taranta sa pag-wakey wakey sa mga people na lumikas daw kasi nga baka daanan kami ng buhawi chuva. eto namang si mader eh taranta na. pinag-tatanggal lahat ng mga wirings sa bahay... yong dvd player eh nabuhat namin para ilagay sa baba, para daw baka malakas na hangin lang dumaan, at least nasa baba na sya. una kong kinuha, celphone ko syempre. hindi dahil adik texter ako pero syempre communication is important. (palusot!) go na sana ako kasi nga wag na daw magdala ng kung ano pa, tutal precautionary lang naman. aba't teka lang. lalabas ba akong ganito ang shorts ko? pano kung ma-televise kami? kahiya hiya pa! (hehe) so palit ako ng medyo disente namang pants (pero di naman yong parang gigimik) tapos shirt and kunting brush na rin ng hair (malay nga natin di ba?) pero wag na lipstick, oa na yon. imagine mo nagkasya kami (4 families) sa 2 tricycle paalis pero nakailang hakot pabalik. (hek hek, parang kayo din) punta kami sa house ng twin sister ng kapitbahay namin. isipin mo ha? parang may motorcade ng madaling araw, brownout pa naman non. so long story short, wala naman talagang buhawi. daming version kung pano nag-umpisa yong "hyteria", bottomline, merong kung sino nagsabi na merong buhawi tapos pick up naman ng mga otaw na mga driver, pasa pasa at ayun na nga. balik bahay kami. ang katuwa na kainis pa nito, habang yong mga kapitbahay namin tulog na, kami buhay na buhay pa at nag-aayos ng mga kinalat namin sa bahay! (hek hek) ano nga yong kasabihan? daig ng maagap ang masipag. tingin nyo paniwalaan ko pa kaya yang kasabihan na yan? (hek hek)

12:59 PM  
Blogger shadowlane said...

teka... nasa blog ko pa ba ako?!?? hehehe.

1:22 PM  
Blogger tasty toast said...

hek hek! sabi ko na nga ba eh

1:30 PM  
Blogger shadowlane said...

bwahahahahahaha !!!

1:31 PM  
Blogger tasty toast said...

aba eh sabi mo kasi sulat lang ng sulat. masunurin yata ako

1:32 PM  
Blogger shadowlane said...

ok lang. sige, sulat. ariin mong iyo 'tong blog ko. bwihihihihi.

1:34 PM  
Blogger tasty toast said...

ahihihi! black din kasi. na at home tuloy ako.

1:36 PM  
Blogger ivygurlalush said...

di ko malaman kung matatakot ako for you o matatawa e! I'm just glad that everything's ok. sana ok na din yung mga families na naapektohan :)

9:56 AM  
Blogger shadowlane said...

it was scary... then funny afterwards.. so matakot ka na lang for me and matawa at the same time. hehehe.

yeah... they are all fine now.

9:59 AM  
Blogger MommyBa said...

buti na lang at wala namang masamang nangyari sa inyo. it's funny how you can turn a horrifying event into something that's one for the laughs. i admire your sense of humor :)

take care!

2:01 AM  
Blogger shadowlane said...

thanks! ganun talaga. daanin na lang sa kulit ang mga bagay-bagay para magmukhang masaya kahit papa'no. [wink]

take care, too!

8:30 AM  
Blogger BERNADETTE said...

hay.good news itechiewa ..... buti na lang hindi na-byornog evuuur ang balaysung 'nyo.

happy ang aksyon moment . . . .

mas happy ang comedy moment . . .

4:26 PM  
Blogger shadowlane said...

bwihihi [malandeng tawa hehehe].

honga, eh. lucky pa ren. action-comedy ang drama. scary, yet funny.

8:46 PM  
Blogger .:mauie:. said...

wow, grabe nmn experience mo! buti nalang ok kayo. =)

11:51 AM  
Blogger shadowlane said...

lucky na rin siguro. kung grabe yung sa'min, just imagine kung gaano ka-grabe yung sa nasunugan mismo. sobrang thankful talaga :)

11:58 AM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com