-::- here i am... this is me -::-

Wednesday, December 29, 2004

slumbook


"si bes at ang bes nya... nung bata pa sila"





february 10, 1989

to gerald,

thank you very much for letting me to write here.

love,
richard




dedication ko yan sa slumbook ni best friend nung first year high school kami. hindi pa kami mag best friend nun. totoo, classmates kami since kinder pa pero first year high school na kami nagsimulang maging close. college na kami nung napagdesisyunan naming maging best friends. napilitan nga lang ata yun eh. sinabihan ko kase sya ng "ikaw ang best friend ko" kaya wala... wala syang choice kundi gawin din akong bestfriend.

tawa kami ng tawa sa phone nung pinag-uusapan namin ang tungkol sa slumbook. ewan kung ano ang naisipan ng lukaret na yun at bigla-biglang nangalkal ng mga lumang gamit.

ang sagot ko sa space para sa TELEPHONE eh NONE. kung ngayon ako papasagutin ng slumbook at may tanong na ganito, tatlong set of numbers ang ilalagay ko : office phone, house phone, at mobile. o di ba? ang laki ng pagbabago. pero kung sakaling wala pa rin akong phone number eh hindi NONE ang ilalagay ko kundi N/A. none applied. bwahahahhaha!!! [napraning]

punta tayo sa FAVORITES...

hobbies : P-E-D-R-O-S
anlufet!!! teka, iisipin ko kung ano ibig sabihin nyan... sana tama ako...
playing-eating-dancing-reading-outing-singing.
syet!!! hehehe. alam kong isang malaking kabulastugan ang sagot na yan pero wala akong magagawa. yan ang uso dati. walang pakialamanan.

favorite book : english books.
pero wag ka... ang english book na tinutukoy ko dyan eh yung textbook namin sa English I. nakakahiya atang isulat na ang mga binabasa kong libro nung mga panahong yun eh ang mga obra nina gilda olvidado, helen meriz, and the likes.

favorite dish : native.
native na ano? native na manok? hehe. native ata kase mukhang native ang hitsura ko. basta! wala siguro ako maisip isagot kaya native na lang.

favorite sport : ball games.
totoo 'to. kahit gaganito-ganito lang ako eh magaling ako mag-volleyball. nakaka-miss maglaro. basketball, pede rin. baseball. sipa bola. o wag ka umangal. ginagamitan ng bola yun kaya ball game pa rin yun. jackstones. o baket? may bola rin naman yun a!

favorite pet/animal : dog, bird.
akalain mo nga naman. first year high school pa lang ako eh mahilig na pala talaga 'ko sa bird. hehe.

favorite place : clean places.
obvious... produkto yan ng kawalan ng maisasagot. ano ba naman ang isasagot ko dyan eh wala naman akong ibang alam na lugar kundi bahay at school? isama mo na ang simbahan para tatlo.

favorite friends : good people like you [referring to bes]
hindi talaga ako friendly dati. masyado akong mahiyain. sabi nga ni bes eh hindi daw nya akalain na magiging ganito ako kakulet kase sobrang tahimik ko daw dati sa klase. tatayo lang pag magre-recite, magsi-cr at magre-recess. kung ibabase mo sa kung ano gaano ako kakulit ngayon eh ibang-iba sa sobrang bait ko naman dati. wag ng umangal... mabait talaga 'ko kahit noon pa.

favorite color : colors of nature.
aba, nature lover!!

favorite cartoon character : popeye

favorite tv program : many.
etong many na 'to, hindi ko alam kung bakit ko 'to isinulat. wala akong kahilig-hilig sa tv dati. ni hindi ko nga alam kung kelan kami unang nagkaroon ng tv. basta ang natatandaan ko eh kapag gusto kong manood ng tv, kelangan ko pang pumunta sa kabilang bahay [bahay ng mga pinsan ni mommy] para makinood. nakakatamad ata yun. hindi naman masyadong interesante ang tv. [asus!! tamad ka lang talagang maglakad]

favorite film : many.
isa na namang kasinungalingan. hehe. kung tv nga, di ako nakakapanood eh. film pa?!? san ba pinapanood yun? o baka naman film na nilalagay sa camera ang tanong na 'to. kung yun nga eh mas lalong malabo dahil wala kaming camera nung araw.

[ang tumawa sa mga susunod kong sasabihin... bwakanangbits kayong lahat!!!]

favorite actor : cris villanueva

favorite actress : kristina p.
syempre, pag my cris, may kristina

favorite song : hand in hand.
matay ko mang isipin, hindi ko maalala kung ano 'tong kantang 'to. ayon sa matinding pagsisiyasat, ang kantang 'to daw ang theme song ng THAT'S ENTERTAINMENT. hand in hand, we stand... blah blah blah blah blah. tama! yun nga yun! naalala ko na nga.

akalain mo yun??? JOLOGS NA JOLOGS AMPOOTAH!!!! hehehehe. ayan sige.. pwede ng tumawa. tawa pa!!!


describe yourself : look at me na lang.
tainang sagot yan. hehe.

what traits do you like in a person: good traits like honest.

who is your crush : richard o.
hanep, derecho sagot. sabi nga ni bes eh ang kakapal daw ng mga mukha namin dahil ipinangangalandakan ang pangalan ng mga crush.

what attracted you the most : his good traits.
malamang, honest na tao 'to.

happiest moment : when i was born.
ako ay isang gifted child. alam ko na ang pakiramdam ng "happiest moment" nung kalalabas ko pa lang sa mundong ibabaw. para bang sinabi kong WOW, KAPAPANGANAK PA LANG SAKIN. ANG SAYA-SAYA KO NAMAN!!! pakinsyet. bwahahahaha!

seryoso ng onte...

hindi ko akalain na minsan pala sa buhay ko eh naging unforgettable place/person ko ang church/jesus christ.

kagila-gilalas!!! kahit sila, hindi rin makapaniwala gaya ko. pero panigurado, totoo ang sagot ko dito. parang gusto ko na tuloy magpakabait ulit. hehehe.

ok, back to regular programming...

what is a friend? : someone who loves you.
yeah, right.

what is love? : love is the most important thing in me.
sino lalaban? hehehe.

what is your greatest dream/ambition? : to be an honored student.
aba!!! ambisyosa! at take note... honored!!

famous people you've seen or met : my crush [joke only]
hehehe. hindi ko akalaing sikat pala sya. at literal na may [joke only] talaga yung sagot ko. buti naman. kung seryoso yan eh baka nabigwasan ko na ang sarili ko.

if you had three wishes, what would they be? : to have more friends, to finish my study.
hehehe. ang sabi, three daw. eh bat dadalawa yang sagot ko??? binali-baligtad ko na yung page pero wala talaga eh. dalawa lang talaga. at nagsisimula ng sumablay ng tuluyan ang english ko. to finish my study yurpeys. hehehe.

most embarrassing moment : when i fall down from the tree
bwahahahahaha! eto, seryosong nakakahiya na 'to. sino'ng mag-aakalang ang una kong "what do you want to be when you grow up?" eh "to become an english teacher?" kaya sa mga taong nagsasabing magaling daw ako sa english eh eto ang patunay na nagkakamali kayong lahat.

motto : what is beauty when brain is empty.
o, ha? laban kayo dyan? defense mechanism yan ng mga panget!! hehehe. napaghahalata. pero in fairness, kahit sablay sa english eh yan na ang pinakamatinong motto sa buong slumbook na yun. pangalawa lang ang walang kamatayang mottong alam kahit ng mga langgam na TIME IS GOLD.

wala na. tapos na.

si richard nga pala ang aking ultimate crush nung mga panahong yun. ahead sya sa'min ng one year at kapitbahay sya ng pinsan kong nakatira sa may tapat ng simbahan. [as if naman alam nyo yun]

si gerald naman ang ultimate crush ni bes nung mga panahong yun. isa syang maliit na tao na may dedication na "thank you a lot for writting in this autograph book". malupet masyado ang dedication na yan, hindi kinaya ng powers ko.

kaka-miss. parang gusto ko ulit bumalik sa high school.

7 Comments:

Anonymous Anonymous said...

bwahahahahahahahahaha!!!!!!!!!!!!!!!

4:28 PM  
Blogger shadowlane said...

hala!!!! wala na... nasiraan na ng ulo ang isang 'to. bwehehehehehe

4:37 PM  
Anonymous Anonymous said...

hoy ako yan ate!!!!!!!!!
at nauna kang nasiraan ng ulo sa kin!
bwahahahahaha!!!!!!!!!!!

ditse

9:49 PM  
Blogger shadowlane said...

bwehehehe... aliw, noh? hahaha!

3:06 PM  
Anonymous Anonymous said...

natawa ko sobra nde sa mga sagot kundi sa mga side comment nung gumawa!badtrip na sgot yan!=)

12:35 PM  
Blogger shadowlane said...

just so you know... ang gumawa ng sagot at side comments eh iisa.

ano ba talaga, natawa ka o nabad trip? :P

2:25 PM  
Blogger yanmaneee said...

retro jordans
coach outlet
fila
supreme hoodie
curry shoes
air max 2018
fila shoes
curry 4
fila shoes
michael kors outlet

3:36 PM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com