-::- here i am... this is me -::-

Wednesday, December 14, 2005

one liner

kung in the mood kang magbasa, click mo 'to!

Saturday, December 10, 2005

cd trip

ano kaya ang mararamdaman mo kapag narinig mong kinakanta ng 6 cycle mind ang alapaap, ni paolo santos ang magazine, ng imago ang spoliarium, ni barbi almalbis ang overdrive, ng southborder ang with a smile, ng sugarfree ang tikman, ni kitchie nadal ang ligaya, ni isha ang torpedo, ni francis m ang superproxy, ng orange and lemons ang wag kang matakot, ng sponge cola ang pare ko, ng mymp ang huwag mo nang itanong, ng cueshe ang hard to believe, ng radioactive sago project ang alcohol, ng brownman revival ang maling akala, ni rico j puno ang ang huling el bimbo, at ng pinagsanib na pwersa ng mga nabanggit na artists ang para sa masa... sasaya ka kaya?

plano ko nang bilhin ang cd na yan simula pa lang nung nalaman kong meron nyan... mga two weeks ago siguro. eh kase, isa sa mga paborito kong banda ang binibigyan ng tribute. pero sabi ko, wag muna ngayon dahil panahon ng kapaskuhan... madaming gastos. pag panahon ng pasko, mas priority ko'ng bumili ng mga ipapamigay kesa bumili ng mga bagay para sa sarili. syempre naman, christmas is a season for giving nga daw. sabi ko pa, next year na lang. sa unang sweldo ko next year, yan ang bibilhin ko.

kagabi... well... malapit nang mag-umaga so technically, nung isang gabi pa... nag-iikot ako sa megamall para mamili ng mga christmas gifts sa mga inaanak. nakaplano naman na yung bibilhin ko kaya mabilis lang. at dahil priority ko nga ang bumili ng regalo para sa iba, bumili ako ng black shoes para sa'kin. hehehe. syempre, alangan namang sila lang, di ba? kung pede namang ako rin, baket hinde? gusto ko pa nga sanang bumili ng pants kaya lang natamad na 'ko.

tapos, napadpad ako sa bilihan ng mga cd/vcd/dvd. ikut-ikot. wala naman akong balak bumili kase nga, hindi yun ang ipinunta ko dun. nakalusot na nga yung sapatos eh. dadagdagan ko pa ng cd/vcd/dvd eh hindi ko naman kelangan yun sa panahon ngayon. pero naaliw ako sa mga vcd na tigwawanhandred. bibili sana 'ko ng dalawang vcd ng ex kong si adam sandler kaso nakita ko naman yung mga vcd ng harry potter. nakipagdebate ako sa sarili ko kung yung sorcerer na lang ba ang bibilhin ko kesa yung mga sandler. naisip ko kaseng kelangan ko ng palitan yung mga pirated copies ko ng hp. teka, wag n'yo ko sunugin ng buhay. hindi ako ang bumili ng pirated vcd's na yun. nagising na lang ako isang araw na nandun na yun sa bahay namin. sa kalagitnaan ng debate, biglang umalingawngaw sa ere si kitchie, kumakanta ng ligaya. hindi ko pinansin. kunwari, hindi ko narinig. sabay kanta sa sarili ng "o tukso, layuan mo ako". pero ang hayuf na kung sinuman ang nagpapatugtog ng cd eh inisa-isa ang mga kanta. next-next kumbaga na parang may hinahanap na kung ano. tapos, huwag mo nang itanong naman ang tumutugtog. mymp. walang duda. hindi na effective ang pagkanta ko ng "o tukso, layuan mo ako" dahil masyadong malakas ang powers ng tukso. sabi ko sa sarili ko, mga paker kayo! baket kung kelang andito ako sa area, tsaka n'yo papatugtugin yan? eh pede n'yo namang patugtugin yan nang wala ako, yung hindi ko naririnig? tapos, nag-ikot ako, hinanap ang cd, tinignan ang presyo, napalunok, ipinikit ang mga mata ng 5 seconds, pumunta sa counter, binayaran ang cd bago pa magbago ang isip.

kaninang umaga... technically, kahapon ng umaga... habang nagpaplantsa ng pantalon na gagamitin sa pagpasok sa opis, pinakinggan ko ang cd for the first time. sulit. wala namang pagsisisi. panalung-panalo. parang ayoko na nga'ng pumasok at makinig na lang buong maghapon. pero hindi yun pwede. kaya binaon ko na lang ang cd sa opis at pinakinggan ko maghapon habang nagtatrabaho. at ngayon, sa kalagitnaan ng gabing hindi na naman ako makatulog, at sa kauna-uanahang pagkakataon pagkatapos ng halos isang buwang pagkakahiwalay kay carene, eto ako at nagsusulat ng isang ewan kung may kwentang article habang pinapakinggan pa rin ang cd. ang husay! kung sinuman ang nag-conceptualize ng paggawa ng album na 'to, maraming salamat sa'yo. ang ganda nya, pramis. kunwari na lang, christmas gift 'to ni reych sa'kin. hehehe.

Thursday, December 01, 2005

mahal daw

ryan : may pahabol ka pang teks saken kagabi a
shadowlane14 : oo eh
ryan : mahal mo ko no
shadowlane14 : mahal nga kita
shadowlane14 : ikaw lang naman ang hindi nagmamahal sakin eh
ryan : saws.
ryan : mahal kita no
ryan : malaki kaya ang role mo sa buhay ko
ryan : di mo lang alam
shadowlane14 : eh ano nga ba ang role ko sa buhay mo?
shadowlane14 : sige nga... ng malaman ko na
ryan : secret
shadowlane14 : ah wala
shadowlane14 : nanchacharing ka lang
ryan : kapag wala akong makausap dito... andyan ka
ryan : pag inaantok ako...andyan ka
ryan : pag may gusto akong sabihin na walang kwenta... andyan ka
ryan : pag gusto kong lumandi... magkwento ng kalandian .. o manglandi... andyan ka...
ryan : malaking bagay yon sa buhay ko
shadowlane14 : ok... fair enough
shadowlane14 : hehehe
ryan : e ako bakit mo ko mahal?
shadowlane14 : kase pag wala kang makausap dyan... naaalala mo ko
shadowlane14 : pag inaantok ka... naaalala mo ko
shadowlane14 : pag may gusto kang sabihin na walang kwenta... naaalala mo ko
shadowlane14 : pag gusto mong lumandi... magkwento ng kalandian.. o manglandi... naaalala mo ko



hehehe. ang labo ko, men!
walang sense amp!

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com