sukli
mahal kita
mahal na mahal pa nga yata
sigurado
ok na ko dun
masaya na ko
peksman
sabi mo
pasensya na
dahil hindi mo alam
kung masusuklian mo
ang sinabi ko
ayoko ng sukli
dahil ang sukli
barya lang
walang kwenta kung iisipin
kung ganun din lang
wag na
hindi ko kailangan
gaya ng sinabi ko
masaya na ko
na alam kong mahal kita
hindi mo kailangan
pagpaumanhinan
ang isang bagay
na hindi mo kayang ibigay
lalung-lalo na
kung hindi naman
hinihingi sayo
- hindi ako galit.
nasasaktan lang siguro. -
potah sukli!!!!!!!!!! potainang sukli yan!
hahaha!!! eto ang pinakapaborito ko sa lahat ng articles ko so far. hehehe.