-::- here i am... this is me -::-

Sunday, January 23, 2005

ikaw, si paulo, at ang box ng chocolate

natapos ko na ang Eleven Minutes. ang husay! tama ka nga nung sinabi mong magugustuhan ko s'ya. dahil nagustuhan ko talaga.

hindi ko kilala si paulo dati. ikaw ang nag-introduce sa'kin ng mga libro n'ya. kagaya din ng pag-i-introduce mo ng mga libro ni bob. nga pala, nakumpleto ko ang apat na libro ni bob. hingin mo na lang sa kanya ang commission mo dahil ang galing mong mag sales talk.

balik tayo kay paulo... natatandaan ko pa nga nung sinabi mong basahin ko ang The Alchemist dahil parang sya'ng the little prince pero phylosophical ang dating. eh alam mo naman, malakas ka sa'kin kaya hindi ko sinunod ang sinabi mo. hehehe. o, wag kang magalit. nagbibiro lang ako. nabasa ko na rin yun. binaon ko sa puerto gallera last year dahil hindi naman ako pwedeng maglangoy dahil sa... bloody reason... kaya nagbasa na lang ako.

pero hindi The Alchemist ang una kong nabasa kahit yun ang una mong sinabing basahin ko. matigas nga kase ang ulo ko. hindi ko sinusunod ang mga sinasabi mo sa'kin. pero nung minsan, nagtanong ka kung ano ba ang binabasa kong libro nung panahon na yun. hindi ko na matandaan kung ano ang isinagot ko sa'yo. isa ata sa mga libro ni grisham dahil sabi mo, ang kakapal pala ng mga librong binabasa ko. tapos, sabi mo, try kong basahin yung By The River Piedra, I Sat Down & Wept ni paulo. hmmm... paulo na naman. bigla akong naging interesado. mahanap nga yang paulo na yan.

syempre, naghanap ako sa bookstore. pero wala akong nakitang by the river. Veronica Decides To Die ang nakita ko. interesting ang plot. title pa lang, ulam na. pero hindi ko binili dahil wala akong pera. hehehe. well, nag-uumpisa na 'kong sumunod sa'yo. sabi mo, by the river... eh di by the river. ibinalik ko sa shelf si veronica. sabi ko, sa susunod na lang, baka may by the river na. ok, sige... inaamin ko na. nagpapalusot lang ako. wala talaga akong pera nun. hehe.

nung sumunod kong punta sa bookstore, may by the river na nga. PERO magkatabi na sila sa shelf ni veronica. na-confuse ako bigla kung ano bibilhin ko. binobola lang kita nung sinabi ko kaninang gusto kong sumunod sa sinasabi mo. ang sabi ng sarili ko... by the river? o veronica? ano ba talaga? parehas na lang kaya? hmmm... kulang budget. di pedeng dalawa. hehe. si sir! teka nga, matawagan si sir. kaya tinawagan kita. banas ako sa telepono ko nun dahil nagloloko yung baterya. tatlong beses ata akong tumawag sa'yo dahil namamatay ang telepono ko bago ko pa man masabi yung gusto kong sabihin. sabi ko pa nga sa'yo, nasa labas ako ng school mo pero ... well ... hindi ko naman alam kung san yung school na pinagtuturuan mo so malabo yun. pinapili kita... veronica o by the river. isang matigas na by the river ang sinabi mo. bumili ako ng bagong battery ng cellphone ko kinabukasan.

ayun! mga ilang araw ata ang lumipas bago ko nasimulang basahin ang libro. busy kase sa trabaho, walang masyadong oras para magbasa. pero nung nasimulan ko naman, ayoko ng tigilan. hindi ako nagbabasa ng libro pag nasa byahe pero sinapian yata ako ng espiritu ni paulo. dala-dala ko yung libro nya kahit saan ako magpunta. basa sa fx, sa bangko, pag lunch break, bago matulog. hindi ko tinantanan hanggang hindi ko natapos. ansaya! nung tapos na, si veronica naman ang binili ko. wala yatang dalawang linggo ang pagitan. oo na, adik na kung adik!

sa ngayon, apat na ang libro ni paulo na meron ako. sayang, hindi ka pedeng humingi ng commission. lima sana yun, eh.pero binigay ko sa'yo yung isa.

hinihintay kita sa bookstore nun. magkikita kase tayo. exciting. finally. medyo may takot din. may kaba. ganun yata talaga. sabi ko sa sarili ko, bahala na. mahal mo naman ako, eh. bahala ka na sa'kin. gusto kitang bigyan ng isang bagay na makakapagpaalala sa'yo ng araw na yun. special sa'kin ang araw na yun eh. at gusto kong sweet ang dating ko. hehe. pero konti lang ang oras ko. wala akong panahon na mag-ikot para maghanap ng gift para sa'yo dahil maya-maya lang, darating ka na. eh since nasa bookstore naman ako, naisip ko, libro! libro ni paulo! pero Fifth Mountain lang ang nandun. nagdadalawang-isip ako kung magugustuhan mo ba yun o hinde. pero naisip ko, gusto mo si paulo, kaya malamang, magugustuhan mo yung libro. sabi ko sa sarili ko, "wala ng ibang araw. wala ng bukas. kelangan ko ng bumili nito, ngayon na!" bahala na.

pagkabili ko ng libro, nagpunta ako ng wash room. tapos, tumambay sa food court para tanggalin yung presyo. muntik ko na nga makalimutan. tapos, binasa ko. bigla kong pinag-interesan yun libro na parang ayoko ng ibigay sa'yo. haha! loko lang. nasa page 3 pa lang ako, biglang tumunog ang phone ko. nasa bookstore ka na. eto na.. lagot!

ang usapan natin, dadalhan mo 'ko ng chocnut. ayaw mo kasing maniwala na kumakain ako nun. sabi mo, isa akong sosyal na tao na nagpapanggap lang na makamasa. hindi ata! kaso pagdating mo, isang box ng totoong chocolates ang dala mo. wala ka kaseng nabiling chocnut. buti nga!. hehehe.

natatawa ako nun kase para tayong nag-exchange gift. binigyan mo 'ko ng chocolate, binigyan kita ng libro. sabi mo, basahin ko na lang muna tapos ikwento ko sa'yo. pero hindi ganun yun. wag kang tamad. dapat ikaw ang magbasa tapos kwento mo sa'kin. nahiya ka. sabi mo, ang mahal ng libro tapos ibibigay ko lang sa'yo. sabi ng puso ko, ok lang, mas mahal naman kita kesa dyan. [sus!]

nanood tayo ng sine. ang romantic nga eh. imagine, ang first date natin, sine. at ang palabas, The Lord of the Rings: The Return of the King. ang sweet, di ba? patay na patay pa ako kay legolas nun... ikaw naman, patay na patay kay gollum. at nasaksihan natin ang wagas na pag-iibigan nina sam at frodo.

ang saya. hindi ako makapaniwalang kasama kita. kung pwede nga lang na wag ng matapos. lagi natin sinasabi dati na mahal natin ang isa't isa. pero nung gabing yun... ewan ko ba. basta, masarap ang pakiramdam ng kamay mo sa kamay ko. may lambing na kung anong hindi ko maintindihan yung dantay ng braso mo sa braso ko. dun ko lang nasabi ng totoo sa sarili ko na mahal nga kita talaga. mabilis ang tibok ng puso ko, eh. habang nandun ka sa tabi ko. parang mahal mo rin naman ako. o baka akala ko lang yun. baka ginogoyo lang ako ng nararadaman ko. ng mga kilos mo. ng mga sinabi mo. ewan lang din.

yung chocolates na bigay mo, parang ayoko kainin. parang gusto kong i-preserve na lang s'ya habambuhay. para akong sira-ulong nakatingin lang sa chocolates habang ngumingiti. sabay buntung-hininga at sabi ng...haaaaayyyy... pero hindi ko natiis, kinain ko rin. sayang eh. chocolates ata yun. pero itinago ko yung box. nandun sa drawer ko sa office. dahil mas madalas naman akong nasa lugar na yun kesa sa bahay o sa kung saan man, mas minabuti kong doon itago ang box para mas lagi kong nakikita. ang babaw ko, alam ko. pero kase, masyadong masaya ang mga memories na nakapaloob sa box na yun. ang hirap itapon.

yung libro ni paulo na binigay ko, nabasa mo na kaya? hindi pa rin siguro. nung huli kitang tinanong tungkol dun, sabi mo hindi mo pa nababasa. may pagka-biblical kase yung plot. hindi mo masyadong gusto. pero sabi mo naman, nakatago. tama! itago mo na lang.

naisip ko tuloy, malaki ang pagkakaiba natin. special ka sa'kin. kung ako ang binigyan mo ng libro, kahit yan pa ang pinakamapangit na libro, magiging pinakamagandang libro na yan sa buong mundo. at least, sa mundo ko. hindi na ko magpapatumpik-tumpik pa. babasahin ko na agad, kahit ano pa ang kwento nyan. wala ng tulugan. pero yung librong bigay ko, itinago mo lang. hindi mo binasa. ibig sabihin ba nun, hindi special sa'yo yung taong nagbigay? pero naisip ko rin, hindi naman ako ikaw.

sana nga, naging ako na lang ikaw. para alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon.


"chocnut"


1 Comments:

Blogger shadowlane said...

wala na, box na lang. kumakain ka ba ng box?

double hmp!

1:46 PM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com