-::- here i am... this is me -::-

Sunday, June 05, 2005

ubo!!! ubo!!!

yan ang status ko sa ym for about a week, hindi dahil wala lang. talagang literal na umuubu-ubo ako ng isang linggo. madalas kaseng umulan. at ako ang taong walaaaannnggg kahilig-hilig magdala ng payong. ang katwiran ko, hindi naman umuulan nung umalis ako ng bahay, bakit ako magdadala ng payong? hehe. oo na, alam kong matigas ang ulo ko. ganun na talaga yun kahit dati pa.

linggo pa lang, medyo masama na ang pakiramdam ko. pero ayos lang. kaya pa. at dahil dalawang beses kung umulan [isa sa umaga, isa sa gabi], dalawang beses din akong nababasa sa isang araw... pataas din ng pataas ang level ng ubo ko. [totoong may iba't ibang levels ang ubo, hindi n'yo lang siguro alam]

tuloy ang buhay. trabahong walang humpay kahit isinisigaw na ng mga senses ko na 'hoy, may sakit ka, umuwi ka na!!!' ang reason ko naman, ayoko sa bahay, mainit. dito na lang ako sa office, libre aircon. libre din ang trangkaso. in fairness, monday pa lang eh umiinom na ako ng gamot sa ubo [carbosixteen hehehe]. ang gamot eh kamag-anak ng payong. kung ang payong eh dinadala lang kapag umalis ka ng bahay ng umuulan, ang gamot naman eh iniinom lang kapag feeling mo eh mamamatay ka na sa sakit.

wednesday, feeling ko, kelangan ko ng umabsent sa work. pero hell day yun, hindi pwedeng umabsent. hell day = bank day. walang ibang authorized pumunta sa bank kundi ako lang kaya pwede akong magkasakit, mamatayan, masunugan, at dapuan ng kung anu-ano pang kamalasan kahit anong araw, wag lang wednesday. sa 'mapagpala' kong mga kamay nakasalalay ang sweldo ng sangkatauhan. bwehehehehehe. kaya ayun, kahit medyo nilalagnat na at sobrang paos, pasok pa rin sa work. partida, nag-overtime pa ko nyan hanggang 9pm.

tinext ako ni sir last week. yun eh pagkatapos ng mga 15 years na wala syang paramdam. ang sabi nya, kelan daw kami magkikita. eh pag tinatanong nya 'ko ng ganito, natatawa na lang ako. pero sinagot ko na rin. sabi ko, kung seryoso yung tanong nya eh seryoso ko rin syang sasagutin ng.. ikaw, kung kelan ka pwede. sabay... NOOD TAYO STAR WARS!!! hehehe. sabi nya, either last week daw kami nonood or this week. ako naman, kiber lang. ok lang kung matutuloy, ok lang din kung hindi. sanay na ko. hmmm... walang sense ang mga pinagsasabi ko. pero may sense yan, maniwala ka. darating din tayo dyan.

anyways... after a week eh nag-text ulit si sir. sakto dahil wednesday din last week sya nag-text. nangungulit. nangangamusta. nagpaparamdam. siguro naisip nyang masyadong mahaba yung 15 years bago magparamdam ulit kaya one week na lang. sabi ko, still longing to watch star wars. tapos, biglang sabi... 'gusto mo, ngayon eh. libre ka ba? kung hindi, ok lang'.

putaena!! baket naman sa dinami-dami ng araw na aayain ako netong magkita eh ngayon pang nasa highest level ang ubo ko? [ubo!!! ubo!!!] taena talaga. 100 years na ang nakakaraan nung huli kaming magkita netong si sir. at marami 'tong utang sakin. ngayon na ang oras para maningil... eh pa'no 'ko maniningil kung gantong maysakit ako? paksyet talaga. paksyet na paksyet!!!

tinext back ko sya para tanungin kung ok lang bang may kasama syang sumisinghut-singhot at umuubu-ubo. eh syempre, hindi naman papayag yun na aalis kami kung maysakit ako. pero sabi nya, kung kaya ko daw, eh di sige. pero concerned lang sya. kung sick talaga ako, may next time pa naman. baka lang matuluyan akong magkasakit at hindi pa ako makapasok. eh isip ko, sayang naman. ang next time na sinasabi neto eh mga after 50 years pa siguro. tinawagan ko sya para patunayang wala naman akong sakit. ang una nyang sinabi pagkasagot nya ng phone eh baket daw boses lalaki ako. hahahahaha! gusto ko sanang tumuloy pero naisip ko rin na kung manonood kami ng star wars tapos eh aatakihin ako ng ubong non-stop eh hindi ata cool yun. kaya sabi ko, sige next time na lang. inasar ko na lang sya ng inasar na siguro masaya sya kase at least, hindi nya gagamitin ngayon ang gasgas nyang linyang "something came up". sa sobrang daming beses na syang nag-ayang magkita na hindi natuloy na ang parati nyang excuse eh something came up... ahhhhh basta.. darating tayo dyan.

siguro, mga 12:30am ng thursday, napagdesisyunan kong hindi ako papasok sa office. feeling ko kase, pati mga kuko ko sa paa eh inaapoy ng lagnat. at natulog ako'ng naka-jacket. pagpapatunay lang na inaamin ko na sa sarili kong maysakit nga ako.

masarap ang buhay sa bahay. tulog, kain, nood movie, tulog ulit, kain ulit, nood ulit. internet ng onte. telebabad ng onte. at syempre, ubo!!! hindi effective ang carbosixteen. kase naman, hindi rin gagaling ang sakit kung gamot lang. mas kelangan ang pahinga. kaya sinulit ko yung isang araw na hindi ako pumasok. nagpahinga talaga ako na parang wala ng bukas. ang sarap sana kung ganito araw-araw. hehehe.

tinawagan ako ni mommy. normally, monday yun tumatawag. kung hindi man eh gabi. pero tinawagan nya ko, past 9am. nakaramdam sigurong maysakit ang prinsesa nya. ayun.. inasar lang naman ako... kulang lang daw ako sa inom. wag na kayong magtaka kung baket ganito ako kakulet. mana kase sa'kin ang nanay ko.

nag-text ulit si sir... nangangamusta na naman ulet. sabi ko, sana tumuloy na lang kami kase hindi rin naman ako nakapasok. sabi nya, buti di tayo tumuloy kase baka di na kita inuwi nun at inalagaan na lang kita. waaahhhhhh!!!! taena, tunaw puso ko dun ah! ang lakas mambola amp! hehehehe.

tapos, friday, syempre, back to work na naman. hyper mode. kahit medyo maysakit pa rin, sige sa trabaho. na-miss ng isang araw ang mga papers, eh. pero umalis din ako ng maaga. nagkita kami ni gracey. hindi ko alam kung ikakatuwa nyang gracey ang tawag ko sa kanya ngayon dito. hehehe. pero nung minsang nag-post ako ng article sa mailing list ng bobongpinoy.com tungkol sa call center eh ginamit ko syang sample... at gracey ang ginamit kong code nya instead of her real name. ang luka-luka, nung mabasa ang article eh gusto na atang gracey na lang ang nickname nya eh samantalang galit na galit sya sa'kin dati pag tinatawag ko sya ng ganun. malapit sa puso ko 'to eh. eto ang taong pwede mong kausapin tungkol sa kahit anong bagay sa mundo. ka-share sa lahat ng topak at saloobin. sumbungan. kakulitan. may mga instances ngang nagbibiruan kami ng tanong na baket ba hindi tayo ang mag bestfriend? hehehe. matagal na rin kaming hindi nagkikita. siguro mga two weeks na. nyahahaha! dati, pag nagkikita kami eh sml lang parati ang katapat. at iisang bar lang ang pinupuntahan namin. ewan ko ba, may special something sa puso namin ang bar na yun kaya dun lang kami parati tumatambay pag gustong uminom. pero lately, iba ang trip namin. nung nagkita kami two weeks ago, kumain kami ng half choco roll ng goldilock's. tag-kalahati kami ng half. that makes it .... ahmmm... one-fourth? hehehe. sinet aside pa nga nya yung box kase baka daw magamit pa. natatawa kami parehas nung na-realize naming ubos na yung cake. ganun na ba talaga kami katakaw?

pero nung friday, ibang trip naman. tumitiwalag na nga ata kami sa masarap na parte ng buhay na kung tawagin eh alcohol. parehas kaming uubu-ubo kaya gamot sa ubo ang kinain namin. tapos, nagyosi kami. ansarap! nagmabait ako ng limang araw kaya halos isang linggong walang usok. tapos, syempre, kwentuhan, kwentuhan, at marami pang kwentuhan. hindi kami masyadong close. magka-ym kami five days a week, may phone sessions pa once in a while, tapos pag nagkita kami, kwentuhang umaatikabo na para bang antagal na naming hindi nakakapag-usap. hinde... hindi talaga kami masyadong close. pramis.


Image hosted by Photobucket.com

"gamot sa ubo"

8 Comments:

Blogger shadowlane said...

hindi naman masyadong paulit-ulit ang pagkaka-malapit mo sa puso ko? bwehehehehe.

dala lang siguro ng ubo kaya ko nasabi yun. har har har.

yari tayo kay ditse!!! hehehehe.

5:50 PM  
Blogger shadowlane said...

bwahahahaha! now it all became a big joke. i love me too. LOL!

6:00 PM  
Blogger - litol figgy - said...

panalo ang gamot mo sa ubo. yan din ang gamit ko. hehe.

8:33 AM  
Blogger shadowlane said...

epektib sya, pramis. bwihihihi :)

8:35 AM  
Blogger shadowlane said...

hahaha! banana split! banana split!!!

1:58 PM  
Blogger shadowlane said...

hahahaha. pagkatapos ng choco frappe, banana split naman. sana meron ng cream!!! bwehehe

2:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

heheh, wat i like about ur post is napaka realistic ng terms pati na rin the manner u give the details. kumbaga sa pelikula napanood mo, kinuwento mo saken pero parang napanood ko na rin heheh!

hassle nga ang ubo, di bale, mawawala din yan ;)

1:24 AM  
Blogger shadowlane said...

thank you! i'll take that as a compliment. hehehe.

wala na sya. nagsawa din kakadikit sa'kin :)

7:47 AM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com