tipa
sabi ni anjiedy, sampung araw na daw akong hindi nagsusulat. sampung araw lang ba yun? baket parang antagal-tagal na?
siguro, dahil mahaba ang mga araw. siguro, dahil maraming araw akong sumubok magsulat pero walang lumalabas na ideas. parang papunta na nga ata ako dun... parang ititigil ko na nga ata ang pagsusulat. o siguro, baka marami lang iniisip. syet.. narinig ko na ang linyang 'to. maraming-maraming beses na.
maraming umangal. maraming umalma. maraming umapela. wag ko raw itigil. sige, subukan natin ulit.
isip... ano ang pwedeng isulat?
blangko.
isip ulit... sige, isip pa.
pero wala talaga.
masyado bang maingay sa paligid? kulang sa concentration? distracted? alam ko na... isisi na lang natin sa panahon. masyado kaseng mainit ang panahon. kaya lusaw ang mga ideas. kaya hindi makapagsulat. tama, yun nga siguro yun!
subukan ko na lang isulat ang mga nasa isip ko. baka sakali...
jordan.
angel.
baby.
pictures.
text.
webcam.
the da vinci code.
ballpen.
mommy.
tv.
choco roll.
bulaklak.
salamin.
peter pan.
singsing.
pangako.
credit card.
sine.
harry potter book 6.
ice monster.
beer.
ulan.
wala na... wala na akong maisip. andami palang laman ng isip ko sa mga oras na 'to. kung paano 'ko paiikutin ang mga yan para makabuo ng isang article, eh hindi ko alam.
nakakatawa... nakakatuwang tingnan... ang mga daliri ko, nasa keyboard.. pero wala naman tina-type. marami sana akong oras magsulat ngayon. pero wala talaga. ayoko na. sa susunod na lang. baka sakali...