nakita ko sya ulet
siguro, mga dalawang linggo na ang nakakaraan... nasa pilahan kami ng fx nun pauwi galing trabaho. kasama ko si bestfriend tsaka yung isa pa naming officemate. medyo maaga pa nun. mahaba ang pila. hindi ako sanay. kunsabagay, hindi rin naman ako sanay umuwi ng maaga. mainit. nakakainip. gutom pa ko kaya medyo iritado. wish ko lang, sana dumating na ang susunod na fax para mabawasan ang mga tao sa pila. para mabawasan din ang tila walang hanggang paghihintay.
may lumapit na bata. siguro mga sampung taon. babae. may hawak na plastic cup. nanghihingi ng piso. normal na ang ganitong exsena sa pilahan ng fx. minsan nga, may mga matatanda pang namamalimos. hindi ako nagbibigay ng pera sa mga ganito. hindi kase ako naniniwalang kailangan mamalimos ng tao para mabuhay. ah basta! mahabang argumento. sabi ng bata... pwede pong humingi ng piso? pambili lang ng pagkain. aba! gusto ko syang tanungin kung saan nakakabili ng tagpipisong pagkain. babalahurain ko sana. pero pagtingin ko sa kanya, nakita ko, medyo hindi pantay yung mga mata nya. tapos may puting kung ano dun sa kaliwa nyang mata. tinanong ko sya... ano yang nasa mata mo? sumagot sya... katarata po. naisip ko, katarata? di ba sakit ng matatanda yun? tsaka pag hindi nagamot, pwede syang mabulag. tapos mahahawa yung isa nyang mata. tapos mabubulag din. naawa ako sa bata. sa sobrang awa eh parang gusto ko na syang ampunin. binigyan ko sya ng piso. eh piso lang ang hinihingi eh. pag binigyan ko ng sobra, tinuruan ko pa syang maging abusado. hehehe. tapos umalis na sya. iniisa-isa nya lahat ng tao sa pila. hinihingian nya lahat ng piso. kung may isandaang tao pala sa pila, piso kada tao, may isandaang piso sya. easy money. walang kahirap-hirap. makapanglimos na lang kaya? magandang ideya.
hindi maalis-alis ang tingin ko sa kanya. gusto ko syang tawagin ulit para ibigay na lahat ng barya ko sa coin purse. pati pamasahe ko sa fx kung gusto nya. pero ewan ko ba... matigas talaga ang loob kong sabihing ayokong magbigay ng pera sa mga namamalimos. nagpaalam ako kay bestfriend, sabi ko sandali lang. pumunta ako sa julie's. bumili ako ng tinapay. nilapitan ko yung bata. kinalabit. tapos ibinigay ko yung supot ng tinapay. nagpasalamat sya. yun na ata ang pinaka-sincere na 'salamat po' na narinig ko sa buong buhay ko. parang gusto pa nyang maiyak sa tuwa. parang gusto ko na syang iuwi sa bahay namin.
pagkatapos ng isang dekada, dumating din ang fx. habang nasa fx ako pauwi, naiisip ko pa rin sya. naisip ko kung anong kinabukasan ang meron sya. kung nag-aaral ba sya. nasaan ang nanay nya. san sya nakatira. kung anu-anong tanong na hindi ko naman kayang sagutin. kaya napagpasyahan kong matulog na lang sa byahe. pero sana... sana makita ko sya ulit.
pero hindi ko na sya nakita ulit. gabi-gabi, sa sakayan ng fx pauwi, lagi ko syang hinahanap. baka sakaling nandun ulit sya at nanghihingi ng piso pambili ng pagkain. pero wala eh. malas.
kanina, nakita ko sya ulit. wala na syang hawak na plastic cup. pero nanghihingi pa rin sya ng piso sa mga tao. pambili ulit ata ng pagkain. hindi ko narinig ang sinasabi nya eh. malayo kasi sya. hindi na muna ko pumunta sa pila. baka kase lumapit sya sa'kin at humingi ulit ng piso. abuso na yun. pumunta ko sa julie's. bumili ako ng tinapay. tapos nilapitan ko sya. kinalabit. parang yung pagkalabit ko sa kanya nung una ko syang nakita. ibinigay ko yung supot. inabot nya. tiningnan nya yung supot. tumingin sya sakin. hindi ko alam, guni-guni siguro pero nakita kong kumislap yung mga mata nya. sabay sabi... si ate! kilala kita! ngumiti sya, sabay sabi ulit.. salamat po. ngumiti lang ako, sabay talikod papunta sa pila. paglingon ko, nakatingin pa rin sya sakin. nakangiti. may ningning sa mga mata. mas makislap siguro yung mga mata nya kung walang kulay puting tumatabing. kinawayan ko sya papalapit sakin. tapos, binigay ko yung chocolate moo na binili ko bago ako pumunta sa sakayan. naisip ko kasing mas masarap sigurong kainin yung tinapay kung may chocolate moo. nagpasalamat sya ulit. sabi ko, kainin nya yung binigay ko. tapos sumakay na ko ng fx. mabait na bata. marunong sumunod sa utos. dahil nakita ko pa yung unang kagat nya sa tinapay at unang sipsip sa chocolate moo bago tuluyang umalis yung fx na sinasakyan ko.
mas ok pala umuwi ng maaga kesa manood ng sine. mas masarap ang tulog ko sa byahe pauwi. kasabay ng mas matinding dasal na sana makita ko sya ulit bukas.
piso pambili ng pagkain.
so many less fortunate people... sigh.
maswerte pa rin tayo.
pero teka... i don't have a heart of gold. masamang tao ako, nagpapanggap lang na mabait. hehe. ano ba ang kabaligtaran ng kidding aside? haha!
hollister pas cher, jordan pas cher, true religion outlet, lululemon canada, mulberry uk, michael kors, sac longchamp pas cher, nike roshe, nike air max, timberland pas cher, converse pas cher, longchamp pas cher, kate spade, air max, ray ban uk, nike air max uk, sac hermes, sac vanessa bruno, north face uk, polo ralph lauren, north face, michael kors, true religion jeans, ray ban pas cher, nike air force, michael kors outlet, guess pas cher, nike roshe run uk, michael kors pas cher, vans pas cher, coach purses, true religion outlet, ralph lauren uk, coach outlet, abercrombie and fitch uk, replica handbags, coach outlet store online, louboutin pas cher, hollister uk, oakley pas cher, burberry pas cher, nike tn, polo lacoste, nike free uk, nike air max uk, nike blazer pas cher, true religion outlet, hogan outlet, new balance, nike free run
swarovski, montre pas cher, ugg,ugg australia,ugg italia, canada goose outlet, canada goose outlet, converse outlet, ugg pas cher, louis vuitton, moncler, canada goose, hollister, gucci, converse, supra shoes, nike air max, ray ban, louis vuitton, canada goose, louis vuitton, canada goose jackets, pandora charms, moncler outlet, vans, moncler, louis vuitton, replica watches, karen millen uk, louis vuitton, pandora jewelry, juicy couture outlet, doke gabbana, moncler outlet, hollister, canada goose outlet, thomas sabo, pandora jewelry, wedding dresses, marc jacobs, barbour uk, ugg, lancel, swarovski crystal, ugg,uggs,uggs canada, pandora uk, canada goose, juicy couture outlet, moncler uk, canada goose uk, toms shoes, ugg uk, links of london, coach outlet, barbour