sipa
hindi ako pumasok kahapon. may isang critical na bahagi ng pagkatao ko na dapat kong ayusin. sabihin na lang nating it was a matter of life and death... ok, fine... OA na sabihing matter of life and death. basta!!! basta kelangan kong i-sacrifice ang isang araw ng trabaho para maayos ang dapat ayusin. kinailangan ko pang sabihin sa opis na may sakit ako kaya ako a-absent. well, it was partly true. masama talaga ang pakiramdam ko. but then... monday pa lang, naka-set na ang isip ko na a-absebt ako ng friday. nakisama lang ang mabait kong ulo... sumakit sya ng ubod ng sakit nung wednesday. nung thursday, masakit pa rin. at mukha na talaga akong may sakit, sabi nila. kaya hindi ako nahirapang paniwalain sila na natuluyan nga akong magkasakit ng friday. isa akong sinungaling na tao sa mga oras na yun. pero masakit talaga, pramis. [wink] buti na lang, it was worth it. naayos naman. pwede na 'ko ulit mabuhay ng parang normal. bwehehehe... labo mo, men!
natapos ang 'business' mga past 1pm. walang dinner, walang breakfast. natural, sobrang gutom na ako. sinalakay ko ang kusina... hmmm.. masarap ang pagkain. nilagang baka. sabaw... tamang-tama sa maysakit. hehehe. tapos, nakapulot ako ng red horse sa ref. bubuksan ko na sana pero umaapila ang pogi kong utol na si goge. kanya daw yun! sabi ko, sa'yo 'to kanina, pero ngayon, akin na 'to. kaya wala syang nagawa. sabi lang nya, medyo matapang daw ang red horse ngayon. sya nga daw, nalalasing na sa dalawang bote lang. sabi ko naman... sus! wala ka ng magagawa. nabuksan ko na, eh!
umakyat ako sa taas dala yung pagkain at yung red horse. ansarap!!! sabaw tsaka red horse. hehehe. hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. siguro, na-overwhelmed sa accomplishment ko nung umaga at feeling ko eh kelangan kong mag-celebrate. pagkatapos ng aking luxurious lunch, feeling ko, bangenge na 'ko. syet, totoo nga atang matapang ang red horse.
wala na 'kong magawa for the rest of the day. binalak kong magbasa pero masakit ang ulo ko. sinubukang magsulat pero natatamad. nanood na lang ako ng save the last dance ni julia stiles. nabuhay na naman ang pagiging frustrated dancer ko. at naalala ko yung panahong sinayaw namin ang jenny from the block sa christmas party namin two years ago. [ngiti]
tapos nung gabi, tinawag ako ng kakambal ni goge. kung gusto ko daw uminom, punta daw ako sa kubo. birthday pala ng girlfriend nya. hehe. must be my lucky day. pero wala akong balak makipaglasingan. lumabas ako ng bahay, pumunta sa kubo, binati ng happy birthday ang may birthday. yun sana ang balak ko. ang kaso, pagdating ko sa kubo, parang ang saya-saya nila. ang dami palang tao. ipinakilala ako ng kapatid ko sa tropa nya. sumigaw lang sya... hoy, hoy!!! ate ko!!! syempre, ang ate, kaway sa audience. hindi ko alam kung sino nagbigay sa'kin ng bote. basta tinanggap ko na lang sabay salamat. dalawang grupo sila.. yung isa, mga bagets. yung isa, yung mga tropatids sa neyborhud, medyo may mga edad na. ang mga 'tito' at 'kuya' namin sa looban. dito ako sa table ng mga ka-age ko... sa mga tropatids.
syempre, pag may inuman, may kwentuhan. walang humpay na kwentuhan. bolahan. asaran. walang kamatayang kantahan ng happy birthday. mamayang onte, dumating yung mga bagets aka mga pinsan at prends na medyo bata. 15 to 22 ata ang mga age nila. kaya mas masaya. iba-ibang generation sa iisang table. actually, maraming table na pinagdikit-dikit. ah basta!
naubos ang isang kaha ng yosi sa loob lang ng isa't kalahating oras. ang lalakas nila humingi. [palusot] ang isang beer, nasundan ng isa pa... at isa pa... pero yung pangatlo, hindi ko na nagalaw. maya-maya, sabi ko kay kuya [pinsan sya ng nanay ko pero nakasanayan ko na syang tawaging kuya] hatid nya na 'ko sa bahay. sabi ng tropa... mamaya na, maaga pa. sabi ko, solb na po ako... sheng na, totoong buhay. kaya inakbayan na 'ko ni kuya pauwi. sira ang daan. gewang ang lakad, eh. saktong pag-akyat ko ng bahay... umikot ang mundo. potah, babagsak ata yung bahay namin sa ulo ko. hindi ko kayang saluhin yun pag nagkataon. tapos, bigla na lang, itinakip ko yung kamay ko sa bibig ko. anak ng kwago... nasusuka na 'ko. hindeeeee!!!!! it can't be true!!!! masisira ang reputasyon ko pag nagkataon. kelangan pigilan 'to.... ibalik sa baba yung elementong gustong umakayat pataas at palabas ng bibig ko. hindi pwedeeeee!!!!!!
pero tumakbo na ko pababa ng hagdan. at naganap ang hindi dapat maganap. ggwwaaarrrrkkkkk!!!!! pato? manok? bibe? uwak? pili na lang ako kung ano ba ang tinatawag ko sa mga sandaling 'yun! for the first time in my drinking life, nagpatuka ako! at sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko ang sipa ng hinayupak na kabayo! bwahahahha... paksyet!!!
nag-panic ang sambayanan! kabi-kabila ang kantyaw. sabi ni goge... ONE DOWN!!! sabi ni tatay... sige, red horse pa! sabi ng isa [hindi ko alam kung sino] nakupo! bumigay na!!! sabi ni kuya, 'naknangteteng... sa tinagal-tagal na nakakainuman ka namin, ngayon lang nangyari 'yan sa'yo!! sabi ko lang... ggwwaaarrrkkkk!!!
banas ako sa mga taong sumusuka pag umiinom. ang katwiran ko kase, binibili ang alcohol, sayang ang pera kung isusuka mo lang. kung malakas ka pang mamulutan, sayang ang pulutan kung ilalabas mo lang ulit sa hindi tamang labasan. kaya nagbitaw ako ng salita... kapag ako, nagsuka, hindi na 'ko iinom ulit KAHIT KAILAN.
hindi ako makapaniwala na napatumba ako ng dalawang bote lang. tatlo kung isasama yung isang boteng itinumba ko nung hapon. may reputasyon akong pinangangalagaan sa looban... na malakas akong uminom. na hindi ako nashe-sheng ng ganun-ganun lang [kahit itanong n'yo pa sa mga kaibigan kong hindi taga neyborhud]. na ako lang ang nakikita nilang umiinom ng hard na ang chaser eh beer.
kaya syempre... kelangan ko itayo ang bandera at mag come up ng excuses sa kahiya-hiyang eksena. kagaya ng: masama talaga ang pakiramdam ko bago pa ako uminom; mainit ang beer; hindi muna ako kumain bago uminom; may nagpainom sa'kin ng isang basong gin-pineapple at ayon sa mga eksperto, masamang pinaghahalo ang iniinom; may nag-abot sa'kin ng isang shot ng empi at ayon sa mga eksperto...; matapang nga ang timpla ng red horse ngayon kagaya ng sinabi ni goge; at kung anu-ano pang excuses.
pero ang bottom line... nagsuka ako. nakakahiya mang aminin. hehehe. kaya kelangan kong tuparin ang sinabi ko dati na kapag nagsuka ako, hinding-hindi na ako iinom ulit.
kaya simula ngayon... ipinapangako ko... hinding-hindi na ko iinom... ng red horse!!!
tsk tsk tsk. napasubo ka yata sa reh horse ah. hehehe. ayus lang yan.
yep. i guess there's a first time for everything. hahaha!
potah!!! isa lang ang masasabi ko... BWAHAHAHHAHAHAHA!!!!!
sabaw at RH...nice combo
talagang may katapat ang bawat isa sa atin :) yung isa rin naming kasamahan, kahit anung imported na alak, hard man o beer, hindi mo malalasing. dati yun, nung hindi pa nya nakakaharap ang 1877... sabi nya nung una, natyambahan lang daw sya, heheheh... pero nung sinubukan uli.. nagtawag na naman ng uwak at dwarf hahahah...
napag-isip-isip ko nga na ang sabaw at RH, kahit kelan eh hindi pala magandang kombinasyon. hehehe.
honga... tapatan nga lang, at pana-panahon. ah ganto na lang... iisipin ko na lang na hindi ka ganap na manginginom hanggang hindi ka nagpapatuka at sabi mo nga eh nagtatawag ng dwarf. at least ngayon, masasabi kong certified manginginom na ako!!! bwehehehehe.
at least nasa bahay ka...
ako sa harap ng sm mall makati nagbigay ng pataba sa mga halaman... at sa harap ng bayview tower. haha what a nice place to call birds.
hmmm... it's been over a year now since the last alcohol touched my lips. i hope the next time i'll be drinking again it will be with my sisters. wiheeeee!!!!! cheers!
hehehe. uwi ka na dito at ng mai-kampay na yan!!!
seen ur blog after a long time ... really liked the 'ghostly' picture of the tree
retro jordans
coach outlet
fila
supreme hoodie
curry shoes
air max 2018
fila shoes
curry 4
fila shoes
michael kors outlet