-::- here i am... this is me -::-

Saturday, April 30, 2005

yahoo messenger

ma'am : mahirap ba akong kitain?

sir : di po.

ma'am : eh baket?

sir : eh wala lang sigurong mukhang ihaharap sa'yo.

ma'am : eh baket? ok naman tayo, di ba?

sir : sobrang ok ka nga eh kaya lalo ako nahiya

ma'am : kung hindi ako ok, mas magiging madali ba para sa'yo?

sir : ang galing mo mag-psychologize and mag-reverse wala akong ma-say

ma'am : nagtatanong lang po ako.

sir : honestly, hindi ko po alam. it's not that i don't want to meet you, i really want to whether you believe it or not. dami lang siguro iniisip.

ma'am : ok





sir : binabasa ko ulit yung pagsuka mo sa blog. naalala ko yung unang pagsuka ko. hehehe.

ma'am : hahaha! nakakasuka ang article na yan.
alam mo bang sa blog ko eh may nagtatagong article? ah, hindi mo pala alam yun kase hindi naman nakikita yun. hehehe.

sir : buti naman, ikaw din nakapuna sa sinabi mo. nakatago nga, eh. hehehe.

ma'am : pero importanteng article yun. lahat ng naramdaman ko dati, nandun. hindi ako makapag-decide kung ipo-post ko sya o hinde kaya andun lang sya sa drafts. madugo masyado yun

sir : ilagay mo para mabasa ko.






ma'am : naka-open ang blog ko sa pc mo?

sir : yup. why?

ma'am : punta ka sa articles sa gilid. open mo yung "para kay sir"

sir : nabasa ko na po. ty.

ma'am : yun ang pinaka-unang post ko. actually, second. kase yung una, tungkol sa blog mismo. pero ipinanganak ang blog ko nung birthday mo last year.

sir : and what does it mean?

ma'am : wala. wala ngang sense eh. hehehe... simply put, ikaw po ang nagbigay isnpirasyon sa paggawa ko ng blog.

sir : sabi ko na nga ba at napaka esoteric mo for yourself. hehehe. thanks a lot, ha? malas lang at di magandang inspirasyon ang nakuha mo.

ma'am : oh well... maraming articles sa blog ang nabuhay dahil sa'yo. tungkol sa'yo. para sa'yo. hindi naman halatang at one point in my life eh ikaw ang naging sentro ng buhay ko?

sir : di naman mashadow. hehehe. lalo tuloy ako nahiya. lalo ako walang mukhang ihaharap ah

ma'am : tse! tapos na yun. sinasabi ko lang 'to para at least alam mo. kahit wala ng sense.

sir : tapos na yun? tinapos mo na?

ma'am : tse! wag kang ganyan. anyways... may naisip ako. kase di ba, "parang" para sayo yung blog? hehehe parang. naisip ko, magsusulat ako ng isang matindi-tinding article para sayo. actually, nasa drafts na sya partially. tapos, ipopost ko sa blog, tapos yun na yung last article ever. tapos, ayoko ng mag-blog. brilliant idea, di ba?

sir : nope. it's not a brilliant idea. in fact, it's a stupid one. ask me why.

ma'am : why? utu-uto ako kaya i'm asking you why.

sir : first, your blog is not about me, it's about you. second, i was a part of your life and i will remain a part of your life forever. but emphasis is given on part. third, making your blog is your destiny. that's why you keep on improving it. it's like you're improving your life, too. masyadon na bang serious?

ma'am : umiisip ako ngayon ng pang-asar sa sinabi mo pero wala akong maisip.

sir : wala kang maisip kase totoo.

ma'am : ang malaking consideration kung bat kelangan ko ituloy... kase... mami-miss ako ng mga fans ko. nyahahahaha. paksyet.

sir : di po consideration yun kase wala ka namang fans. major consideration is will you be able to stop yourself from writing?

ma'am : sabagay, ilusyon lang naman yung mga fans. hmmm... oo madali lang yun. plastik. hehehe. pero seryoso, minsan may mga bagay na mahirap gawin pero kelangan. kaya siguro, yeah... i will be able to stop myself from writing.

sir : and that, my dear, will be the end for you.

ma'am : doesn't matter. matagal naman ng nagkaroon ng end for me. finalization na lang ang kulang.

sir : don't go into that line of thinking, please. i assure you, it will not do you any good. just do the things you usually do and continue writing in your blog. at least assured ka na may isang magbabasa.


*** hindi ko alam kung bakit ko ito ipi-nost ***

Monday, April 25, 2005

scratch paper ulit

ONE LAST TIME

one last time, let me hold you
just before you go
to make me feel the warmth
of your love i used to know
to help me ease the pain
of letting go of you
and keep it in my mind
how much you've loved me, too.

one last time, let me hug you
to let you know i'm here
that even if you've gone too far
to you, i'll still be near
and though you're leaving me all alone
i'm always here to stay
to wait for the day you're coming back
to never go away.

one last time, let me kiss you
and bade you now goodbye
to wish you won't forget
this day that i did cry
before you go, i'm here to say
this vow that i will make
your memories will still remain
this promise, i won't break.


***

luma na 'to... more or less, kasabayan ng IF. nakalkal ulit kasama ng mga lumang gamit... ni wala man lang date. para kanino kaya ito?!? hmmmm.... [kunwari, hindi ko maalala hehehe]

nagsimula akong sumubok magsulat nung college ako. mostly ng mga writings eh mga jologs na tula, mga madamdaming letters na hindi naman naibigay sa dapat pagbigyan dahil sa kawalan ng lakas ng loob, at kung anu-ano pang anu-ano. marami rin akong friendships na nagawan ng tula dati. yung iba, tula tungkol sa mga iniirog nila nung panahong yun. yung iba naman, tulang may kinalaman sa mga buhay nila. may mangilan-ngilan ding writings nung high school pero mga kinain na ng lupa. wala kasi sa isip kong karirin ang pagsusulat kaya hindi ko itinago yung mga naisulat ko dati. magsusulat, isisingit sa libro or sa notebook, hanggang sa mawala na lang. wrong move. kung ang pagtatago ng mga isinulat eh isang category ng pagiging writer, dun pa lang, hindi na 'ko uubra. kaya frustrated writer na lang. hehehe.

hindi ko alam kung baket ako nagkalkal ng mga lumang gamit. siguro, sa kawalan na rin ng magawa. senti mode tuloy ako. dami kong gustong balikan. kung pwede lang sana. kaso, hindi na pwede....

Sunday, April 24, 2005

scratch paper

IF

if you love someone, let him know you do
if he loves you back, be glad
if he doesn't, thank him
there's so much to be thankful for.

if someone says he loves you,
tell him you love him, too
but let him know if you're not in love with him
you don't have to be in love to love.

if someone makes you cry, forgive him
there'll come a day when he'll cry, too
if it happens, give him a hand
and tell him to cry no more.

if you feel like laughing without any reasons
laugh out hard
and the world laughs with you
you don't have to have reasons to be happy.

if you feel like dying of pain and misery
and it's as if you all alone,
pray with all your heart
god will always listen


october 23, 1997
psba-qc room 414
business letter writing class


[ganito pala magsulat ng business letter. hehehe]

Saturday, April 16, 2005

sipa

hindi ako pumasok kahapon. may isang critical na bahagi ng pagkatao ko na dapat kong ayusin. sabihin na lang nating it was a matter of life and death... ok, fine... OA na sabihing matter of life and death. basta!!! basta kelangan kong i-sacrifice ang isang araw ng trabaho para maayos ang dapat ayusin. kinailangan ko pang sabihin sa opis na may sakit ako kaya ako a-absent. well, it was partly true. masama talaga ang pakiramdam ko. but then... monday pa lang, naka-set na ang isip ko na a-absebt ako ng friday. nakisama lang ang mabait kong ulo... sumakit sya ng ubod ng sakit nung wednesday. nung thursday, masakit pa rin. at mukha na talaga akong may sakit, sabi nila. kaya hindi ako nahirapang paniwalain sila na natuluyan nga akong magkasakit ng friday. isa akong sinungaling na tao sa mga oras na yun. pero masakit talaga, pramis. [wink] buti na lang, it was worth it. naayos naman. pwede na 'ko ulit mabuhay ng parang normal. bwehehehe... labo mo, men!

natapos ang 'business' mga past 1pm. walang dinner, walang breakfast. natural, sobrang gutom na ako. sinalakay ko ang kusina... hmmm.. masarap ang pagkain. nilagang baka. sabaw... tamang-tama sa maysakit. hehehe. tapos, nakapulot ako ng red horse sa ref. bubuksan ko na sana pero umaapila ang pogi kong utol na si goge. kanya daw yun! sabi ko, sa'yo 'to kanina, pero ngayon, akin na 'to. kaya wala syang nagawa. sabi lang nya, medyo matapang daw ang red horse ngayon. sya nga daw, nalalasing na sa dalawang bote lang. sabi ko naman... sus! wala ka ng magagawa. nabuksan ko na, eh!

umakyat ako sa taas dala yung pagkain at yung red horse. ansarap!!! sabaw tsaka red horse. hehehe. hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. siguro, na-overwhelmed sa accomplishment ko nung umaga at feeling ko eh kelangan kong mag-celebrate. pagkatapos ng aking luxurious lunch, feeling ko, bangenge na 'ko. syet, totoo nga atang matapang ang red horse.

wala na 'kong magawa for the rest of the day. binalak kong magbasa pero masakit ang ulo ko. sinubukang magsulat pero natatamad. nanood na lang ako ng save the last dance ni julia stiles. nabuhay na naman ang pagiging frustrated dancer ko. at naalala ko yung panahong sinayaw namin ang jenny from the block sa christmas party namin two years ago. [ngiti]

tapos nung gabi, tinawag ako ng kakambal ni goge. kung gusto ko daw uminom, punta daw ako sa kubo. birthday pala ng girlfriend nya. hehe. must be my lucky day. pero wala akong balak makipaglasingan. lumabas ako ng bahay, pumunta sa kubo, binati ng happy birthday ang may birthday. yun sana ang balak ko. ang kaso, pagdating ko sa kubo, parang ang saya-saya nila. ang dami palang tao. ipinakilala ako ng kapatid ko sa tropa nya. sumigaw lang sya... hoy, hoy!!! ate ko!!! syempre, ang ate, kaway sa audience. hindi ko alam kung sino nagbigay sa'kin ng bote. basta tinanggap ko na lang sabay salamat. dalawang grupo sila.. yung isa, mga bagets. yung isa, yung mga tropatids sa neyborhud, medyo may mga edad na. ang mga 'tito' at 'kuya' namin sa looban. dito ako sa table ng mga ka-age ko... sa mga tropatids.

syempre, pag may inuman, may kwentuhan. walang humpay na kwentuhan. bolahan. asaran. walang kamatayang kantahan ng happy birthday. mamayang onte, dumating yung mga bagets aka mga pinsan at prends na medyo bata. 15 to 22 ata ang mga age nila. kaya mas masaya. iba-ibang generation sa iisang table. actually, maraming table na pinagdikit-dikit. ah basta!

naubos ang isang kaha ng yosi sa loob lang ng isa't kalahating oras. ang lalakas nila humingi. [palusot] ang isang beer, nasundan ng isa pa... at isa pa... pero yung pangatlo, hindi ko na nagalaw. maya-maya, sabi ko kay kuya [pinsan sya ng nanay ko pero nakasanayan ko na syang tawaging kuya] hatid nya na 'ko sa bahay. sabi ng tropa... mamaya na, maaga pa. sabi ko, solb na po ako... sheng na, totoong buhay. kaya inakbayan na 'ko ni kuya pauwi. sira ang daan. gewang ang lakad, eh. saktong pag-akyat ko ng bahay... umikot ang mundo. potah, babagsak ata yung bahay namin sa ulo ko. hindi ko kayang saluhin yun pag nagkataon. tapos, bigla na lang, itinakip ko yung kamay ko sa bibig ko. anak ng kwago... nasusuka na 'ko. hindeeeee!!!!! it can't be true!!!! masisira ang reputasyon ko pag nagkataon. kelangan pigilan 'to.... ibalik sa baba yung elementong gustong umakayat pataas at palabas ng bibig ko. hindi pwedeeeee!!!!!!

pero tumakbo na ko pababa ng hagdan. at naganap ang hindi dapat maganap. ggwwaaarrrrkkkkk!!!!! pato? manok? bibe? uwak? pili na lang ako kung ano ba ang tinatawag ko sa mga sandaling 'yun! for the first time in my drinking life, nagpatuka ako! at sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko ang sipa ng hinayupak na kabayo! bwahahahha... paksyet!!!

nag-panic ang sambayanan! kabi-kabila ang kantyaw. sabi ni goge... ONE DOWN!!! sabi ni tatay... sige, red horse pa! sabi ng isa [hindi ko alam kung sino] nakupo! bumigay na!!! sabi ni kuya, 'naknangteteng... sa tinagal-tagal na nakakainuman ka namin, ngayon lang nangyari 'yan sa'yo!! sabi ko lang... ggwwaaarrrkkkk!!!

banas ako sa mga taong sumusuka pag umiinom. ang katwiran ko kase, binibili ang alcohol, sayang ang pera kung isusuka mo lang. kung malakas ka pang mamulutan, sayang ang pulutan kung ilalabas mo lang ulit sa hindi tamang labasan. kaya nagbitaw ako ng salita... kapag ako, nagsuka, hindi na 'ko iinom ulit KAHIT KAILAN.

hindi ako makapaniwala na napatumba ako ng dalawang bote lang. tatlo kung isasama yung isang boteng itinumba ko nung hapon. may reputasyon akong pinangangalagaan sa looban... na malakas akong uminom. na hindi ako nashe-sheng ng ganun-ganun lang [kahit itanong n'yo pa sa mga kaibigan kong hindi taga neyborhud]. na ako lang ang nakikita nilang umiinom ng hard na ang chaser eh beer.

kaya syempre... kelangan ko itayo ang bandera at mag come up ng excuses sa kahiya-hiyang eksena. kagaya ng: masama talaga ang pakiramdam ko bago pa ako uminom; mainit ang beer; hindi muna ako kumain bago uminom; may nagpainom sa'kin ng isang basong gin-pineapple at ayon sa mga eksperto, masamang pinaghahalo ang iniinom; may nag-abot sa'kin ng isang shot ng empi at ayon sa mga eksperto...; matapang nga ang timpla ng red horse ngayon kagaya ng sinabi ni goge; at kung anu-ano pang excuses.

pero ang bottom line... nagsuka ako. nakakahiya mang aminin. hehehe. kaya kelangan kong tuparin ang sinabi ko dati na kapag nagsuka ako, hinding-hindi na ako iinom ulit.

kaya simula ngayon... ipinapangako ko... hinding-hindi na ko iinom... ng red horse!!!

Tuesday, April 12, 2005

feel good

Image hosted by Photobucket.com

pretty nice, huh?
something to feel good about.
thanks to my sister janice :)

Monday, April 11, 2005

itim na ulap

wala lang.
wala akong ipo-post.
napansin ko lang na dalawang magkasunod na article pala ang ipinost ko na tungkol sa namatay.
hmm... medyo ano lang...
kelangan baguhin ang trend...
mahirap ng may kasunod na patay article ulit.
hehehe...
sa kabilang banda...
pwede ring tungkol ulit sa patay ang post na 'to.
dahil pakiramdam ko...
unti-unti na akong namamatay...
konti na lang, bibigay na...
konti pa...

Sunday, April 03, 2005

karol wojtyla

mahabang panahon ka naming nakasama.
at sa maraming pagkakataon,
hinaplos mo ang mga buhay namin.
pakiramdam ko, malakas kami sa itaas dahil sa'yo.
ikaw ang gabay patungo sa liwanag.
hindi mo 'ko kilala,
pero alam kong mahal mo 'ko.
hindi ako relihiyosong tao,
pero isa 'ko sa maraming fans mo.
at ngayong iniwan mo na kami,
sa gitna ng pagluluksa ng sangkatauhan,
alam kong hindi ito pamamaalam.
dahil magkikita pa tayo ulit.
ikamusta mo kami kay bosing.
hintayin mo kami dyan.
hanggang sa muling pagkikita.


Image hosted by Photobucket.com
**** Pope John Paul II (1920-2005) ****

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com