sari-sari
ang tagal ko na palang hindi nagsusulat. natatamad na ba akong mag-blog? hmmm... hindi naman siguro. gagamitin ko na lang ulet ang nakakaumay na reason na wala lang oras. o kaya, walang maisip isulat.
kamusta ang pasko? ako, masaya. kase, for the first time in 16 years, kasama ko ang nanay ko nung pasko. meron akong 13 days para makasama sya. december 24 to january 5.
kaso, nang-aasar talaga ang tadhana. yung 13 days, nabawasan pa ng tatlo. na-praning kase yung boss ko at ipinatapon ako sa singapore para umattend ng seminar. december 28-30. banas talaga. dahil nung araw na lumipad ako papuntang singapore, birthday ng nanay ko.
wala namang masyadong nangyari sa singapore. ok lang yung seminar. masyadong technical pero ayos naman. naintindihan naman basically. may bago akong natutunan: ang konsepto ng reverse auction. mahirap intindihin ang english ng speaker dahil english na tunog chinese ang salita. nung una nga, medyo ok-ok pa. pero kinalaunan, lumabas din ang pagiging tubong singapore ng lolo. nawindang na 'ko kaka-concentrate para lang maintindihan ang sinasabi nya. sabi nga ni sharlene, dulo na lang daw ng statement ang iniintindi nya para may maintindihan sya kahit papa'no. it wasn't easy lah!
nakakatawa. walo ata yung participants, at halos lahat sila, matatanda na. may mataas na position sa company nila. samantalang kami ni sharlene... hay... dumating kami sa point na parang gusto na lang naming matapos yung seminar at lumabas ng seminar hall dahil feeling namin, hindi kami nababagay dun. mas ok sana kung si boss mismo ang umattend. bukod sa nanliliit kami, hindi rin namin masyadong maintindindihan ang salita nila kaya hindi kami nakikipag-usap masyado. nung lunch nga, sa isang long table kami kumain. kwentuhan sila. business ventures, global chenelyn and stuff. kami ni sharlene, tahimik lang na kumakain. pagkatapos namin, nag-excuse ako sa katabi ko. english version ng "ok lang ba kung mauna na kami?" sumagot naman sya, sabi nya, "do you know your way to your hotel room?" ha? ano daw? out of place na out of place kami kaya umakyat na lang kami sa room. bumalik kami ng seminar hall ng 1:30 dahil yun ang sabi ng speaker. kung kami ang masusunod, hindi na sana kami babalik. pero nakakahiya naman ata yun.
at dahil hindi naman namin alam kung saan kami pupunta, nakuntento na lang kami sa pag-ikot sa mall sa tapat ng hotel at sa maliliit na stores sa paligid ng hotel. wala namang masyadong makitang bibilhin kaya wala kaming nabili. tama rin ang sabi ni mommy... hindi nga praktikal mamili sa singapore dahil ang mamahal. pag may nakikita nga akong item na medyo gusto kong bilhin, mentally eh nagko-compute ang utak ko kung magkano ba papatak ang presyo nun sa piso. tapos, bibitawan ko na yung item. nakakapaso. halos lahat naman kase ng nakita namin dun eh meron din dito. ayus lang naman. ang kaso, sangkatutak na pang aasar ang inabot ko sa mga tao sa bahay pag-uwi ko. mabuti pa daw pag sa mga probinsya ako napupunta, parating may pasalubong. kung kelan pa daw lumabas ako ng bansa eh tsaka pa ko walang dala pagbalik ko.
may mga bagay din akong na-realize nung andun ako. gaya ng: hindi naman pala nakakatakot sumakay ng eroplano. para ka lang sumakay ng bus na dumadaan paminsan-minsan sa baku-bakong kalye; kapag pala naka-roaming ang smart prepaid, lahat ng texts at calls na natatanggap mo, charged sa'yo. 20 pesos sa text, ewan ko sa calls, hindi ko na-monitor. mali pala ang pagkakaalam ko na kapag incoming text, walang charge. at hindi ka pedeng tawagan ng prepaid, naka-line lang ang may kakayahang tumawag sa'yo. at kapag wala ka nang load, nde ka na matatawagan; kelangan ng tyaga sa pagtimpla ng tubig sa shower hanggang makuha mo yung tamang lamig na gusto mo; kung sa pilipinas, dine in or take out, sa singapore, dine in or take away; paminsan-minsan, mako-conscious ka at aamuyin ang sarili mo, tapos ipagmamalaki mong hindi pala ikaw yung mabahong naaamoy mo, yung katabi mo palang singaporean yun; normal lang sa mga tao sa singapore ang umutot in public. sa restaurant, sa mall, sa kalye, sa hallway ng hotel, sa eroplano; kaya ko palang hindi magyosi ng tatlong araw kung gugustuhin
ko.
at ang isa siguro sa pinaka-cool na bagay na nakuha ko sa trip na yun: nagkaroon na ng tatak ang inaamag kong passport. hahahahaha!
pagbalik ko ng pilipinas, birthday ko na. sosyalan. nag-birthday ako sa dalawang bansa. sinundo ako nina mommy. sabi nya, first time nya lang daw sumundo sa airport. parati kaseng sya ang sinusundo ko. namin. hinihiritan nga nila ako na magpakain naman daw ako kase birthday ko. call naman ako. sabi ni mommy, iuuwi muna daw yung mga gamit tapos tsaka lalabas ulit para sa treat ko sa kanila. pagdating naman ng bahay, andaming food. birthday ko daw kase. pa-welcome back treat na rin. touched naman ako. normally kase, dumadaan lang ang birthday ko na parang ordinaryong araw. walang celebration. walang handa. parang wala lang. naisip ko, anlakas ko pala sa nanay ko kase ipinaghanda nya ako. muntik na 'ko maiyak, pramis.
sa mga taong bumati sakin nung birthday ko, salamat. mahal ko kayong lahat. sa mga hindi naman nakaalala man lang na batiin ako, wala tayo. tabla-tabla tayo. hindi ko kayo bati!
This comment has been removed by a blog administrator.
babati pa rin ako kahit huli. happy birthday :)
maraming salamat.
sabi nga nila, huli man daw at magaling, pede na rin. hehehe
ayoko namang ma-pressure ka at manginig kakagawa ng paraan para mabasa mo yung entry. alam ko namang wala ka nang internet eh. hahahaha!
hindi mo naman ako binati, eh! si alex kaya yung bumati sakin?!?!!
parang nauutot tuloy ako :))
binati kita nung bday mo!!! kaya bati tayo :D sorry ngyn lang ulit ako nakadalaw...busy daw ako sabi ko eh...busy nga ako promise...tagal-tagal na din last post ko eh...
oo, bati tayo. hehehe.
mukha ngang sobra kang busy. nde ka na nga namamansin sa ym, eh!
pero totoong buhay. miss na kita :D