kung sana lang
minsan...
madalas...
parati...
may mga pagkakataon sa buhay
na sinasabi natin... kung sana lang.
kung sana lang
kapag hinawakan ang kamay mo
kayo na
kung sana lang
kapag sinabihan kang mahal ka nya
at sinabi mong mahal mo rin sya
kayo na
kung sana lang
kapag hinalikan ka
kayo na
kung sana lang
kapag nag-sex kayo
kayo na
kung sana lang
kapag kaya mong ibigay
ang buong buhay mo sa kanya
tatanggapin nya
tapos, kayo na
pero ang problema
HINDI PARATING GANUN!!!
mas madalas pa ngang hinde
ibinigay mo na lahat
at ibibigay mo pa yung natira
kung meron man
pero wala pa rin
nakakatawa, di ba?
nakakasakit
nakakasira ng ulo
sabay hirit...
kung sana lang
kaya kong talikuran ka
kung sana lang
kaya kong sabihing ayoko na
kung sana lang
kayang kong mabuhay ng wala ka
kung sana lang...
kung sana lang..
kung sana lang.
hehehe. i've sniffed enough. happy to say i'm done with it :-)