anghel sa lupa
hindi ko namalayan ang pagdaan ng mga araw. maraming-maraming araw na pala ang lumipas nung huli kitang makita. maiksi pa ang buhok mo nun. nakakagulat na ngayon, halos hanggang balikat mo na. ganun na ba talaga katagal yun?
pero ayos pa rin naman. masarap pa ring tingnan ang mukha mo kahit halatang pagod na pagod ka at malalim ang mga mata dahil sa kawalan ng tulog. nakakatunaw pa rin ang mga ngiti mo. nakakapagpabilis pa rin ng tibok ng puso ang mga titig.
ilang oras ka din naming pinag-usapan ng nanay ko nung andito s'ya. biro pa nga n'ya, baka daw ipinakasal ka na ng nanay mo sa taong gusto n'ya para sa'yo kaya biglang hindi ka na nagpaparamdam. sabi ko naman, sadyang abala ka lang sa mga bagay-bagay sa buhay mo kaya tahimik ka. kung sakali man, sasabihin mo naman, di ba? sigurado.
nung sinabi ko sa'yo ang tungkol dito, natawa ka lang. yung tawang parang gusto mong sabihin na... "yung nanay mo talaga".
wala namang masyadong pinagbago. kung ano ka nung huli kitang nakita, ganun ka pa rin ngayon. palagay pa rin ang loob ko. kagaya ng dati, kapag sinabi mong wag na akong mag-alala sa mga bagay-bagay, biglang parang gumagaan ang pakiramdam ko. na para bang wala akong hindi kayang kayanin. ikaw pa rin ang anghel na may kakayahang alisin ang lahat ng pag-aalinlangan ko.
sa bawat pagbabalik mo, dala-dala mo pa rin ang pangakong binitiwan mo anim na taon na ang nakakaraan. anim na taon. kung iisipin, nakakalungkot. nakakahinayang. kung nabigyan lang sana tayo ng pagkakataon, ilang maliliit na anghel na kaya ang meron tayo ngayon?
pero kahit ano pa man, masaya pa rin. nandun pa rin ang pag-asa na malay natin. sino ba ang makapagsasabi kung ano ang susunod na mangyayari? kung sakali mang hinde, nagpapasalamat pa rin. na minsan sa buhay natin, nangarap tayo. nangako. at patuloy na mangangarap at mangangako. kahit ga'no pa kalayo.
magkita na lang tayo ulit... hanggang sa susunod na palabas.
we've got a lifetime to share...
so much to say...
minsan naiisip ko na sapat na may makilalang anghel. ang gustuhing masarili sya ay isang pagmamalabis.
*prfffffffft* excuse me poh!
pinaparinggan mo ba ko??? aba't!!
hehehe...
sadyang mapagmalabis ang tao. walang kasiyahan. hindi sapat kung ano ang meron. sabihin mo sa'kin na hindi ka isa sa amin, at papalakpakan kita.
parang gusto ko tuloy magsimba.
amen.
baka nag-pantene..
helps hair grow up to 2cm every 7 weeks..
that's a healthy 2cm every 7 weeks..
hehehehe
i'm lost...
ano daw???