-::- here i am... this is me -::-

Friday, February 17, 2006

patalastas

pocketbell, 1998. message handler. o mas pinagandang tawag sa operator. yan ang una kong trabaho. masaya. parang wala lang. nakakabato. nakakabobo.

si bads. ka-batch. kasama sa training. kasabay mag lunch/dinner, depende sa shift. kayosi. kasabay maglakad papunta sa sakayan pauwi. best buddy. magaling mag-drawing. lahat ng frustrations namin sa trabaho, mga nakakatawa at nakakainis na callers at supervisors, idinadaan sa pagguhit. may dialogue pa. yung parang komiks?

baket pagkatapos ng maraming taon, bigla ko sya'ng naalala? eh kase, nami-miss ko na sya. naaalala ko ang aming nakaraan. bwahahaha. joke.

isa sa madalas nilang pag-awayan ng gelpren n'ya dati... ang buhok. lagi kaseng pinupuna ng gelpren n'ya ang nalalagas n'yang buhok. laging sinasabi... andami mo na namang falling hair sa damit. naiinis s'ya hindi dahil sa nalalagas ang buhok n'ya. naiinis s'ya kase hindi naman daw dapat falling hair ang tawag dun kundi fallen hair. dahil hindi naman daw kase nasa aktong nahuhulog ang buhok kundi nahulog na. fallen, hindi falling. labo! pero may point, ha?

sabi ng dispatcher, sa'n po kayo, ma'am? araw-araw n'yang itinatanong 'yan sakin. na araw-araw ko rin namang sinasagot ng cityland po. tatawag s'ya ng iba pang pasahero kahit nakasakay na 'ko sa tricycle. ayus lang naman. pabor sa'kin. ang 14 pesos na pamasahe sa special trip, nagiging 7 pesos na lang pag may kasakay. sa'n ka pa?

maganda ang kasabay ko kanina. taga-quad, katapat ng cityland. mapayapa sana ang byahe naming dalawa kung hindi lang sana lumilipad ang buhok n'ya. galit ako sa mga babaeng mahaba ang buhok na walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng kapwa nila. ansakit kaya ng hampas ng buhok sa mukha?!! sa sobrang kairitahan, hindi ako nakatiis. bitch mode on. sabi ko... ah, miss? commercial model ka ba ng shampoo? pwedeng pakihawakan yung buhok mo? nakakasakit, eh. mabait naman. nag-sorry eh. sabay simangot at ipon sa buhok n'ya. isip isip ko... yan... kung ganyan ba naman eh.

maswerte pa nga s'ya kung tutuusin...

nasa padi's kami nun sa araneta. madaming tao. masikip. may mga gustong sumayaw pero wala nang lugar sa dance floor. kaya may mga tumatayo na lang at sa tapat ng table nila sumasayaw. ok na rin. kanya-kanyang trip lang naman yan. may babaeng mahaba ang buhok na sumasayaw sa likuran ko. masyado atang naliligayahan sa pagsasayaw n'ya kaya parang wala s'yang katabi. hala, sige! hampas-hampas yung buhok n'ya sa'kin. unang beses, ayos lang. pangalawa, ayos pa rin, wag ka lang tatatlo. eh matigas ang ulo... tumatlo pa, at umapat. abuso. maya-mayang onte... sabi n'ya... amoy sunog na buhok!

aba... wala akong alam dyan!

4 Comments:

Blogger shadowlane said...

oi, hinde, ah! wag kang mamintang, walang kang evidence!!!

bwehehehehe...

8:11 AM  
Anonymous Anonymous said...

hahaha ganyan din ako, dati naman ako ginupit ko yong buhok sa jeep. tama lang yan para sa mga taong insensitive! apir tayo sis!

3:20 PM  
Blogger chum said...

mama!
ano ginamit mo na pangsunog sa buhok niya? tsk..tsk..

dati sa jeep may lumilipad na buhok sa mukha ko ginawa ko kinuha ko tapos hinila eh deh nasaktan sya sabay sabi ko "sorry akala ko kasi buhok ko na napunta sa mukha ko eh"

tapos may one time na nagsasalita ako tapos yung buhok ng katabi ko pumasok sa bibig ko, ginawa ko kinagat ko tapos tingin sa kabilang direksyon...eh deh napaaray siya...

haay...may pinagmanahan...ahha...

3:27 PM  
Blogger shadowlane said...

amgine,

hehehe... antitigas ng mga buhok eh... este ng mga ulo!


chum,

bat ako? sabi ko nga, wala akong alam dyan! basta ang natatandaan ko, sarap na sarap ako sa yosi nun tsaka pinaglalaruan ko yung lighter.

3:30 PM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com