-::- here i am... this is me -::-

Sunday, March 12, 2006

sa gitna ng antok

linggo ngayon. pero andito ako sa lugar na kung pwede lang sanang hindi ko puntahan. ang opisina. hindi ko gusto ang lugar na 'to nitong mga nakaraang linggo. madalas kaseng nakakairita ang mga tao. personal na pagka-asar at pagka-iritang may kinalaman sa trabaho.. nakakatuyo rin ng utak pag minsan. hanggang leeg ang trabaho. lagpas ulo ang pressure. wala, eh. magaling daw kase ako kaya iniaasa sa'kin lahat. nga ba?

dalawang oras ko ring pinag-isipan kaninang umaga kung pupunta ba 'ko dito o hinde. nakaplano na akong magpagabi kahapon dito. pero dahil inatake ako ng pagkabwiset sa lugar at sa lintek na programmer namin, alas tres pa lang ng hapon, umuwi na 'ko. na ikinagulat ng mga tao sa bahay. dahil bukod sa madalas akong hindi sa bahay natutulog pag sabado, eh ang aga ko pang umuwi. ang tanong nga sakin eh kung may sakit daw ako. yamot! andami kong trabahong iniwan. pagkatapos ng dalawang oras na pag-iisip at pagbababad sa higaan nang hindi naman natutulog, napagpasyahan ko ring pumasok na lang. wala rin lang akong gagawin sa bahay dahil nagawa ko na kahapon pag-uwi ko ang mga panlinggong gawain. wala ring inaantay na tawag o posibleng lakad. wala lahat. kaya eto ako ngayon.

kanina pa 'kong alas diyes dito. pasado alas dos na. marami na rin akong nagawa. inaantok ako. pero ayokong matulog. mag-isa lang kase ako. baka mamaya, may katabi na pala akong kung anong entity, hindi ko pa namamalayan. sayang ang experience. kaya kelangan kong panatilihing gising ang diwa ko. sa gitna ng pagdugo ng tenga ko sa paulit-ulit na pagpapatugtog ng cd ng kamikazee, naisipan kong bisitahin ang blog ko.

Ani Diaz (3/9/06 11:06:52 AM): AYUN!
Ani Diaz (3/9/06 11:06:55 AM): may blog ka pala!
shadowlane (3/9/06 11:09:20 AM): meron!
shadowlane (3/9/06 11:09:21 AM): wehehehhee
shadowlane (3/9/06 11:10:34 AM): kaya lang, nilulumot na
shadowlane (3/9/06 11:10:38 AM): matagal nang hindi nagagalaw
Ani Diaz (3/9/06 11:10:55 AM): baket naman?
shadowlane (3/9/06 11:11:02 AM): ewan
shadowlane (3/9/06 11:11:04 AM): walang maisulat
Ani Diaz (3/9/06 11:13:20 AM): bakit naman?
shadowlane (3/9/06 11:13:35 AM): pucha ni revise mo lang yung tanong mo ah
shadowlane (3/9/06 11:13:38 AM): iniba spell
Ani Diaz (3/9/06 11:13:56 AM): :))
Ani Diaz (3/9/06 11:14:02 AM): bakit nga?
Ani Diaz (3/9/06 11:14:09 AM): bakit di ka na nagsusulat?
shadowlane (3/9/06 11:21:37 AM): wala lang
shadowlane (3/9/06 11:21:39 AM): ewan
shadowlane (3/9/06 11:21:43 AM): wala nang powers

ayan si ani. isang bagong kakilala sa isang yahoogroups na sinalihan ko nung nakaraang buwan. nakita ko na s'ya at nakilala ng personal bago pa man ako sumali sa grupong 'to, sa pangungulit ni ryan. dahil sa sinabi n'ya, napag-isip-isip kong matagal na nga pala akong hindi nagsusulat.

baket nga ba?

hindi ko alam. hindi ko sigurado ang dahilan. siguro, simpleng dahil nga lang wala na akong maisip isulat. walang mahugot. pero kung iisipin, napaka-imposible. maraming nangyayari sa paligid. sa buhay. kahit ang simpleng pag-upo sa silya, pwedeng gawan ng kwento. ng tula. o ng kung anumang pwedeng isulat. pero hindi ko maintindihan kung baket hindi ako makapagsulat. nababano na nga lang ata ako. o baka sadyang wala nang lakas ang mga daliri ko para magsulat.

sa totoong buhay, marami akong gustong sabihin. sa sobrang dami, hindi ko alam kung alin ang uunahin. at sa tuwing susubukan kong magsalita, may kung anong pumipigil sa'kin. biglang magbabago ang isip ko, mas pipiliin na manahimik na lang. baka nga mas makabuting pigilin na lang ang sarili sa kung anumang gustong isiwalat. papalipasin na lang. sa tamang panahon, baka sakali.

may galit na namumuo sa dibdib ko. sa mga tao sa paligid. mga hinanakit na sa pagdaan ng araw, unti-unting nabubuhay. mga dating pangyayaring bumabalik sa alaala, na nagpapakawala sa mga tanong na gusto kong hanapan ng sagot pero hindi ko alam kung paano at saan. pinipilit kong iwasan dahil hindi tamang alagaan ang ganitong klase ng pakiramadam.

mahirap. nahihirapan ako. sa sitwasyong pinasok ko nang kusa, nang walang pumipilit. alam kong pwede akong lumabas kahit anong oras ko gustuhin. pwede kong talikuran ang kasalukuyang buhay para tumahak ng panibagong landas. sa isip ko, nagsusumigaw ang maraming reklamo. sa isip na lang dahil hindi ko kayang sabihin. mas tamang hindi na lang sabihin. ewan ko ba. natural na yata sa tao ang pagpapahirap sa sarili. nahihirapan ako dahil hinahayaan ko ang sarili kong mahirapan samantalang pwede namang hindi. kung gugustuhin ko lang.

gusto ko ng ice cream. bababa ako at bibili ng ice cream...



habol....


killer statement: " i am free of all prejudices,,, I HATE YOU ALL EQUALLY!!! "


... and i thought i was special.

3 Comments:

Blogger shadowlane said...

wehehehe...

opkors not!

gusto mo ng I HATE YOU letter? eto basahin mo:

http://stitchesandburns.blogspot.com/2004/09/h8.html

4:15 PM  
Blogger C Saw said...

oo nga. minsan sa sobrang dami ng umaandar na emosyon at gunita, bumabara sa lalamunan at nagkakatrapik hanggang sa kahabaan ng braso, kamay at mga daliri. pinapayuhan ang mga namamasada na bumyahe sa mga alternatibong daanan. ito po C si, ang inyong trapik patrol, nag-uulat!

9:04 AM  
Blogger shadowlane said...

panalo! susubukan kong sundin ang payong iyan!

9:07 AM  

Post a Comment

<< Home

"The artist is nothing without the gift, but the gift is nothing without work." - Emile Zola (1840-1902)

-::- About Me -::-

Name: shadowlane

Location: Pasig City, Philippines

people think i'm crazy. most of the time they're right.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com