si manong, si manang
kagabi, habang naghihintay ng sundo, nagpalipas ako ng oras sa labas ng building. masaya sana kung nasa loob ako ng office, pero mag-isa na lang ako. medyo gabi na rin at may nararamdaman akong kakaiba, na para bang hindi talaga ako mag-isa. hindi ako matatakutin sa mga sitwasyong kagaya nun, pero pinili ko na ring umalis na lang. pagod na rin naman ako sa maghapong pagtatrabaho.
nagyosi ako. unang stick ko para sa araw na yun. enjoy. tumingin sa relo. nagmasid sa paligid. wala lang. malakas ang hangin na parang uulan.
may matandang lalaking nakaupo sa gutter. madungis. sira ang damit. mukhang mabaho. may hawak s'yang tinuping karton. kung titingnan mo sa malayo, para lang n'yang pinaglalaruan ang tubig na tumatagas sa butas na kalsada. pero hindi s'ya naglalaro. sinasalok n'ya ang maruming tubig gamit ang karton, papunta sa bibig n'ya. umiinom s'ya ng tubig na para bang kinukuha n'ya ito sa malinis na batis.
nalungkot ako para kay manong. naawa. hindi ko na inubos ang yosi. pinatay ko na kahit kalahati pa lang. sayang ang kalahati ng wanpipti ko. bumalik ako sa building. may kailangan akong gawin.
punta ako ng canteen. pero dahil nga gabi na, paubos na ang pagkain. buti na lang, bukas pa ang bakery. bumili ako ng tinapay. sinahaman ko na rin ng malaking bote ng absolute. lumabas ulet ng building. pumunta sa kinauupuan ni manong. walang salita, iniabot ko sa kanya ang plastic na may tinapay at tubig. inabot n'ya. walang emosyon. tumalikod ako bago pa ako maiyak. kumaway sa isa sa mga nakapilang tricycle. nakangiti ang medyo may edad nang driver. may saya sa mukha n'ya, hindi ko alam kung baket. nagpahatid ako sa crossing. bago tuluyang umalis ang driver, nilingon ko si manong. nakatingin sa'kin. nakatingin lang, hawak ang plastic na bigay ko.
habang nasa byahe, napaisip ako. bakit may mga taong kagaya ni manong? nasaan ang pamilya n'ya? ano ang iniisip n'ya habang nakatingin s'ya sa akin? magugustuhan kaya n'ya ang tinapay? ano kaya ang mas gusto n'yang inumin? yung tubig na bigay ko? o yung tubig na sinasalok n'ya?
napabulong ako sa sarili ko. napadasal na sana, hindi ko maranasan ang nararanasan ni manong at ng mga taong kagaya ni manong. ano kaya kung ipakilala ko si manong sa lola kong si nanay?
nung martes, nag-leave ako sa trabaho para samahan si nanay sa doctor. dumadaing na naman kase ng kung anu-anong nararamdaman. natural lang naman siguro yun sa 75 anyos na matanda. pwede namang pasamahan ko s'ya sa isa sa mga kapatid kong walang silbi sa mundo. pero dahil nga gusto kong maramdaman n'ya kahit papa'no na may pakialam ako sa kanya, sabi ko, ako na lang ang sasama.
alas siete ako gumising. alas otso ang bukas ng clinic na wala pang limang minuto ang layo sa bahay namin. kumain ako. nagplantsa ng t-shirt. nagalit ang matanda dahil ang tagal-tagal ko raw kumilos. kakain pa daw. magpaplantsa pa daw. at kung anu-ano pa. anong oras pa daw s'ya mache-check up. "lumakad kang mag-isa mo!" yan ang salita n'ya. eh paksyet naman! nakabihis na ako ng 7:30. ano naman ang tanghali dyan?
dahil nga matanda na, kailangang habaan ko ang pisi. magpakumbaba. gawing parang tanga ang sarili sa pagsasabing "tara na ho" kahit alam ko namang hindi na n'ya ako papansinin. marami s'yang sinasabi na hindi ko maintindihan. hindi ko kase marinig. kung sadyang hininaan ang boses, hindi ko alam. pero hindi ako tanga. marunong akong umintindi ng sinasabi sa pamamagitan lang ng pagbabasa ng buka ng bibig. "tanghali." "putanginamo." "bwiset sa buhay." ilan lang yan sa mga papuring natanggap ko mula sa kanya nung araw na yun. inspiring.
minsan, naiisip ko, kahit ata ano'ng gawin ko, kahit ano'ng ibigay ko, wala rin. wala pa rin akong kwenta para sa kanya. ang hirap n'yang i-please. walang mabuting tao para sa kanya. lahat, may pagkukulang. lahat, merong hindi ginagawa. kahit siguro kumain ka ng pako at sumayaw sa apoy sa harap n'ya, hindi s'ya matutuwa. lahat ng taong nagmamalasakit sa kanya, hindi n'ya pinapahalagahan. sabi nila, dapat daw intindihin ko na lang kase matanda na. ang biro pa nga nila, wag ko na daw patulan kase pagtanda ko, magiging ganun din ako. hala naman?! eh kung ganun, ayoko nang tumanda. kapag nga pinapasok ng masamang elemento ang utak ko, naiisip ko na sa edad n'yang yun, dapat magbait s'ya. pahalagahan ang mga tao sa paligid n'ya. kung hindi, mamamatay s'yang mag-isa. maiksi na lang ang buhay n'ya, ang sama pa ng ugali. tapos, sasawayin ko ang sarili ko sa pagsasabing, "wag kang ganyan, bad yan." matatawa na lang ako pagkatapos.
maraming pwedeng ipagpasalamat sa buhay. maraming pwedeng gawing motivation para bumaet. pwedeng ipagpasalamat na hindi kelangan magpalaboy-laboy at matulog sa kung saan-saan dahil may bahay na mauuwian; na hindi kelangan mamalimos para kumain. maliliit na bagay na pag-iisipan eh pwede mong masabi sa sarili mo na "maswerte pa rin ako."
nakakabanas isipin. siguro, kung nakakapagsalita lang si manong, nagsalita na s'ya at sinabihan ako ng "salamat" sa isang napakaliit na bagay na ginawa ko. si manang, nakakapagsalita pa. nakakapagmura pa nga. pero ni minsan, hindi nagsabi ng pasasalamat sa napakaraming bagay na nagawa ko na para sa kanya. pero hindi ko hinihiling yun. lahat ng ginagawa ko, pasasalamat sa lahat ng ginawa n'ya para sa 'kin. hindi yun mababayaran ng kahit anong bagay. kaya kahit madami akong hinanakit, ayus lang. sige lang. kaya pa naman...
appreciated. sa lahat ng bagay.
siguro, hindi ko masbi, kung ano man ang kanila..
pero, ako... e2 lang..
maraming salamat. sa lahat.
hmmm...
ako din...
mama, alam mo naman po kung gaano ko inappreciate at inaappreciate yung mga nagawa at ginagawa mo for me diba???sobrang thankful po ako sa LAHAT lalo na yung mga panahong kailangan ko ng kaibigan...alam kong rinding rindi ka na sa mga kwento ko pero sige lang nakikinig ka pa din...
hindi man tulad ng dati na madalas tayo magusap or malimita man tayong magusap ngayon...hindi tayo nagkakaroon ng gap...basta po andito lang ako...andito lang...andito lang...
basta maraming marami pong salamat sa lahat at mahal na mahal po kita...
tisyu, tisyu!!!
hehehe...
alam ko naman yun. isa lang talaga akong batang kulang sa pansin :-P
GROUP HUG!!!
wahahaha! group hug!
Wow naman, napaka uliran :D
hanep, uliran!
asan na nga ba yung diksyunari kong tagalog-ingglish?
wehehehe...
wehehehe...
yun lang... wehehehe lang. hahaha!!